Kala mo siguro nalimutan ko kaya malungkot yung bati mo sa akin kaninang umaga, ang tagal mong kumibo nung tinapik kita, ni hindi ka man lang kumurap, nagintay pa ko ng ilang minuto bago masilayan yung karakas mo. Hindi mo alam kagabi ko pa naalala na anibersaryo natin ngayon, kaya lang nalimutan ko kaninang umaga pag gising ko tapos ngayon ko na lang uli naalala, atleast naalala ko uli, atleast hindi pa tapos ang araw, hindi pa huli ang lahat. Ayokong maging sentimental, di naman talaga ako sentimental na tao, di ko naman ginagawa yung ganito taun-taon, unang beses ko pa lang ngayon, lagi namang merong unang pagkakataon sa lahat di ba? Naisip ko lang gawin dahil ika-limang taon na natin, akalain mo, limang taon din tayong naglolokohan... Matagal din ang limang taon kung iisipin mo, wala sa hinagap ko na tatagal tayo ng ganito, bagama't hindi maganda yung simula natin nung unang dalawang taon eh napagtyagaan naman natin ang isa't isa at ngayon nga eh maganda na ang takbo...