Hindi ko alam kung napaglaruan ba ako nung  sumakay ako ng jeep kagabi at halos kalahati lang ng pwet ko yung  nakaupo, waluhan daw yung jeep sabi ng driver pero alanganin naman sa  walo, ayoko na namang bumaba dahil pinaharurot na ng driver yung jeep at  isa pa mahirap nang sumakay ng ganung oras saka tinatamad na akong  bumaba. Napansin ko, ang problema pala eh malulusog halos ng nakasakay  sa jeep, ibig sabihin yung jeep na pangkaraniwang waluhan eh nagiging  pituhan na lang dahil nga puro light heavyweight to heavyweight yung mga  nakasakay ko kung ira-rank mo sila sa boxing, sa hanay ng upuan namin  ako lang ang pinaka-payat, kumbaga sa handaan pag pinagsama-sama mo kami  sa isang lamesa eh mao-OP ako sa kanila.  Mahirap pa namang umupo ng kalahati lang ang pwet mo ang sumasayad sa  upuan, para kang naka-squat, kaya medyo naghihimutok ako, kasi  pakiramdam ko eh pinagkaitan nila ako ng karapatang umupo ng komportable  sa upuang binayaran ko naman ng husto sa minimum fare. Wal...