Sabihin na lang natin na isa na ako sa mga nagpapayaman sa San Miguel Corporation sa paraang napapadalas ang pagtangkilik ko sa kanilang produkto, partikular ang beer...pale pilsen o light... hindi ako alcoholic, lilinawin ko lang, pero sa loob ng isang linggo dalawang gabi don nilalaan ko sa paginom. Madalas solo flight ako, habang nanonood ng tv, mas masaya sana kung may kainuman ka kaya lang mahirap manghatak ng kaibigan at kumbinsihin sila na ang paginom ng beer e nakakabuti sa puso at sa sariling personalidad, dahil siguro sa alam nila na kapag ako ang nagsalita malamang sa hindi... me halong kalokohan. Ayoko naman din kasing umupo sa labas at makipag salitan ng tungga sa mga nagiinuman sa kalye, bukod sa ayokong maging istorbo sa mga sasakyang dumadaan, hindi rin ako komportableng uminom na iisang baso lang ang umiikot para sa lahat. Kahit sabihin pang sumisimbolo yon sa pagkakapatiran o kung anumang pagkakaibigan ng bawat umiinom hindi pa rin ako kumbinsidong makipag palitan n...