Minsan mangyayari sa buhay mo na may  makakausap kang tao at maiisip mo, “ito na ang huling pakikipagusap  ko sa taong to” , hindi mga bumbay ang tinutukoy ko, kundi yung mga  taong sensitibo sa puna ng iba. Kadalasan kasi masyado nating minamasama  kapag may ibang pumupuna sa atin, pisikal na anyo man o kahit sa ugali,  madalas tinatawaran natin itong insulto o pangmamaliit sa pagkatao,  sabi nga sa libro dapat tinatanggap natin ang mga puna ng ibang tao para  ayusin o pagbutihin natin ang ating mga sarili, yun ang tama yun ang  mas ayos.  Mga ilang linggo na nakalipas nung magka-ayaan kami nung kaibigan ko  na lumabas para makapagrelax, napadpad kami sa harap ng building ng  isang malaking istasyong pantelebisyon sa bansa, dun kasi sya  nagtatrabaho kaya komportable sa kanya kung duon kami magkita, isa pa  mura ang isang bucket dun kumpara sa ibang bar, masaya naman ang  kwentuhan, kamustahan tungkol sa buhay buhay, masarap ang sisig, saka  yung pusit, nagko-compliment sa bee...