Skip to main content

Posts

Showing posts from 2011

Para sa yo

Aaminin ko nung nag aya kang mag-inuman sinabi ko na may gagawin ako pero ang totoo nakipaginuman ako sa ibang tao. Ang bad ko no, eh kasi naman alam ko na may problema ka nanaman sa boyfriend mo at yun na naman ang paguusapan natin. Hindi naman sa ayaw kitang damayan pero yung problema mong yan e since time immemorial pa, pang ilang boyfriend mo na ba yan? Paulit ulit lang, hindi ka naman nadadala, so kung iisipin mo talaga, lahat ng sinabi namin sa iyo eh nababale wala lang, nasayang lang yung laway namin. Yung problema mong yan parang baha sa Pilipinas, alam mo naman ang solusyon ayaw mo lang gawin, kaya pag umulan, baha uli. Baka lang this time kailangan mong solusyunan yang problema mo ng nagiisa, siguro masyado kang umaasa sa sasabihin ng ibang tao sa iyo, masyado kang naghihintay sa mga payo, pero ang totoo eh ikaw lang makakasagot sa mga tinatanong mo. Ba’t di ka mag simula sa sarili mo, subukan mong kausapin yung sarili mo, pero wag in public dahil mukha ka namang ta...

parang children's party lang... with beer

... and minus the parlor games... and balloons... and clowns... pero masaya! Salamat sa mga pumunta! Kung pumunta kayo at napichuran punta kayo dito para makita ang magaganda't pogi n'yong itsura... naks... ---> click me now na! Kung di naman kayo naka punta for some reason eto i-click nyo ---> click me!

Maswerte ka, ako hindi ko naranasang i-photoshop ng tatay ko!

This is my "Makapag-post lang" post of the week dahil bihira na din akong makakapag-blog dahil me maliit na taong kumakain ng oras ko nitong mga nakaraan at dadating pang araw, hindi naman sa nagrereklamo ako or anything. Naisip ko lang at one point habang pino-post ko ito kung ano kaya iisipin ng anak ko pag lumaki sya at nakita nya to? Siguro kung tanungin man nya sasabihin ko na lang na "anak maswerte ka dahil ako hindi ko naranasang i-photoshop ng tatay ko at i-post sa intarnets." Eniweys sya nga pala si Johan (pronounced as Yowhan, kasi maarte kame) hindi nanalo yung gusto kong ipangalan sa kanya na Sebastian... sayang... shet you relatives!!! Rock on mamon!