Skip to main content

Posts

Beer Fairy

Malakas ang ulan nun kaya takbo kami papunta sa sasakyan nya, eh di pa kami makapasok dahil maliit yung espasyo sa parking sa pagitan ng mga sasakyan kaya medyo nabasbasan pa kami ng ulan bago kami nakapasok sa sasakyan, blessing daw yun, yung maulanan, wala sa lohika pero alam ko kung sino ang taong blessed pag nakita ko, at nung gabing yon isa sa aming tatlo yun. " Matakot na kayo, magddrive ako ng nakasapatos ", alam namin kasi na sanay syang mag drive ng nakayapak, inunahan na nya sa pagpihit yung mga sasakyang parating, " Padaanin nyo ko nakainom na ko, babarilin kayo ni alien sige " sinasabi nya sa mga sasakyang biglang napahinto sa pag pihit nya sa kalsada, sabay tawa lang kami. Ganun talaga ang pagkakakilala ko sa kanya, masayahing tao, meron palaging hirit sa mga bagay bagay, kung di mo sya kilala mayayabangan ka sa asta nya, pero kung matagal mo na syang nakasalamuha, natural lang sa kanya yung ganon. Binigyan daw nya yung sarili nya ng anim na buwan...
Recent posts

Para sa yo

Aaminin ko nung nag aya kang mag-inuman sinabi ko na may gagawin ako pero ang totoo nakipaginuman ako sa ibang tao. Ang bad ko no, eh kasi naman alam ko na may problema ka nanaman sa boyfriend mo at yun na naman ang paguusapan natin. Hindi naman sa ayaw kitang damayan pero yung problema mong yan e since time immemorial pa, pang ilang boyfriend mo na ba yan? Paulit ulit lang, hindi ka naman nadadala, so kung iisipin mo talaga, lahat ng sinabi namin sa iyo eh nababale wala lang, nasayang lang yung laway namin. Yung problema mong yan parang baha sa Pilipinas, alam mo naman ang solusyon ayaw mo lang gawin, kaya pag umulan, baha uli. Baka lang this time kailangan mong solusyunan yang problema mo ng nagiisa, siguro masyado kang umaasa sa sasabihin ng ibang tao sa iyo, masyado kang naghihintay sa mga payo, pero ang totoo eh ikaw lang makakasagot sa mga tinatanong mo. Ba’t di ka mag simula sa sarili mo, subukan mong kausapin yung sarili mo, pero wag in public dahil mukha ka namang ta...

parang children's party lang... with beer

... and minus the parlor games... and balloons... and clowns... pero masaya! Salamat sa mga pumunta! Kung pumunta kayo at napichuran punta kayo dito para makita ang magaganda't pogi n'yong itsura... naks... ---> click me now na! Kung di naman kayo naka punta for some reason eto i-click nyo ---> click me!

Maswerte ka, ako hindi ko naranasang i-photoshop ng tatay ko!

This is my "Makapag-post lang" post of the week dahil bihira na din akong makakapag-blog dahil me maliit na taong kumakain ng oras ko nitong mga nakaraan at dadating pang araw, hindi naman sa nagrereklamo ako or anything. Naisip ko lang at one point habang pino-post ko ito kung ano kaya iisipin ng anak ko pag lumaki sya at nakita nya to? Siguro kung tanungin man nya sasabihin ko na lang na "anak maswerte ka dahil ako hindi ko naranasang i-photoshop ng tatay ko at i-post sa intarnets." Eniweys sya nga pala si Johan (pronounced as Yowhan, kasi maarte kame) hindi nanalo yung gusto kong ipangalan sa kanya na Sebastian... sayang... shet you relatives!!! Rock on mamon!

Boylet!

Gusto ko syang pangalanang Sebastian... para pwede syang tawaging 'Baste' pag laki nya. Ok na, boundary na kami, isang babae at lalaki na, sa wakas may magmamana na ng aking awsamnesssss.

Hango sa Tunay na Buhay

   www.stripgenerator.com

Suplado sa personal

Minsan mangyayari sa buhay mo na may makakausap kang tao at maiisip mo, “ito na ang huling pakikipagusap ko sa taong to” , hindi mga bumbay ang tinutukoy ko, kundi yung mga taong sensitibo sa puna ng iba. Kadalasan kasi masyado nating minamasama kapag may ibang pumupuna sa atin, pisikal na anyo man o kahit sa ugali, madalas tinatawaran natin itong insulto o pangmamaliit sa pagkatao, sabi nga sa libro dapat tinatanggap natin ang mga puna ng ibang tao para ayusin o pagbutihin natin ang ating mga sarili, yun ang tama yun ang mas ayos. Mga ilang linggo na nakalipas nung magka-ayaan kami nung kaibigan ko na lumabas para makapagrelax, napadpad kami sa harap ng building ng isang malaking istasyong pantelebisyon sa bansa, dun kasi sya nagtatrabaho kaya komportable sa kanya kung duon kami magkita, isa pa mura ang isang bucket dun kumpara sa ibang bar, masaya naman ang kwentuhan, kamustahan tungkol sa buhay buhay, masarap ang sisig, saka yung pusit, nagko-compliment sa bee...