Skip to main content

Beer Fairy



Malakas ang ulan nun kaya takbo kami papunta sa sasakyan nya, eh di pa kami makapasok dahil maliit yung espasyo sa parking sa pagitan ng mga sasakyan kaya medyo nabasbasan pa kami ng ulan bago kami nakapasok sa sasakyan, blessing daw yun, yung maulanan, wala sa lohika pero alam ko kung sino ang taong blessed pag nakita ko, at nung gabing yon isa sa aming tatlo yun. "Matakot na kayo, magddrive ako ng nakasapatos", alam namin kasi na sanay syang mag drive ng nakayapak, inunahan na nya sa pagpihit yung mga sasakyang parating, "Padaanin nyo ko nakainom na ko, babarilin kayo ni alien sige" sinasabi nya sa mga sasakyang biglang napahinto sa pag pihit nya sa kalsada, sabay tawa lang kami. Ganun talaga ang pagkakakilala ko sa kanya, masayahing tao, meron palaging hirit sa mga bagay bagay, kung di mo sya kilala mayayabangan ka sa asta nya, pero kung matagal mo na syang nakasalamuha, natural lang sa kanya yung ganon.


Binigyan daw nya yung sarili nya ng anim na buwan para magkaroon ng kahit paano'y magandang kahinatnan yung ginagawa nya, andun na sya eh, sinagad na nya yung anim na buwan, tinalikuran na nya lahat ng bagay para lang i-pursue yung alam nya sa loob nya na gusto nyang gawin... "alam mo pare kung may gusto kang gawin, gawin mo lang wag kang hihinto, dahil hindi mo alam kung kelan merong mabuting mangyayari sa yo, hindi natin alam kung kelan ipagkakaloob sa yo ng Diyos yung hinihiling mo, baka mamya sa pang limang araw ibibigay na pala nya pero nung ikaapat na araw sumuko ka na, paano mo malalaman yung kagalingan ng Diyos?" sabay lagok ng beer, medyo umaalingawngaw pa yang sinabi nyang yan sa tenga ko hanggang ngayon. Nakakatuwang isipin na sa isang bar namin pinaguusapan ang tungkol sa mga bagay na to sabay sa mga bumibirit ng  'yeah yeah i wanna be a rockstar!' sa stage. Totoo naman, anim na buwan na syang naghintay ng break, walang dumating, nung ika pitong buwan daw, nung nasa bingit na sya ng pag ayaw, saka lang dumating yung hinihintay nyang babago sa takbo ng buhay nya, parang dun sa teleserye sa tv.


Nakakainggit kung tutuusin, yung naabot nya, pero hindi nya hinahayaang may mainggit sa kanya... "alam mo pare, eto masaya ako sa ganito, syempre alam nyo naman yung pinaggalingan ko pero sa totoo lang, mas naiinggit ako sa yo, kasi ikaw pag uwi mo sa bahay, may sasalubong sa yo, me magtatanong kung kumain ka na, me tatawag syo ng papa, merong magmamasahe sa yo, ako pare pag uwi ko kakausapin ko lang sarili ko habang nagpipinta." napatango lang ako, isandaang porsyento sangayon ako sa sinabi nya. "Mabait ang Diyos pre hindi sya madamot, ibibigay nya sa iyo yung kailangan mo hindi yung hinihingi mo." Hindi ako nagulat sa mga sinabi nya dahil noon pa man alam kong dedicated syang umaattend ng Victory Church, totoo yung sinabi nya, magkaiba nga naman daw yung kailangan sa gusto natin. Gusto natin mag laro ng Dota o mag fb maghapon pero ang kailangan natin eh tamang ehersisyo at pakikihalubilo sa tunay na tao, malaki ang pag kakaiba nun. Nakakatawa nga yung mga humihingi na mabiyayaan sila ng grasya sa araw-araw pero ni hindi naman kumikilos at nakahilata lang sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Buti pa yung halaman kahit hindi kumikilos  nag po-photosynthesis para lang me malanghap tayong oxygen, kaya kung tatamad-tamad ka mahiya ka naman sa mga halaman!


"Pare andyan na yan kaya pahalagahan mong mabuti anuman yung natatanggap mo ngayon." sabi ko sa kanya, ngumiti lang sya sabay tango, hindi ko alam kung kailangan kong ulitin yung sinabi ko dahil malakas yung videoke pero alam ko nakuha naman nya yung gusto kong sabihin. Natutuwa ako sa kaibigan kong iyon, kahit na usapang lasing alam namin na merong pinuntahan yung maikling palitan namin ng istorya, may natutunan ako sa kanya at alam kong meron din syang nahimay na konting wisdom sa mga sinabi ko sa kanya. Sya nga ang 'beer fairy' sabi nya at bibiyayaan daw nya kami ng kani-kaniyang 'beer fairy guardian' para gumabay sa amin sa aming pag-uwi... ang nagagawa nga naman ng alak sa imahinasyon. Matatagalan na uli siguro bago mag krus ang landas namin dahil pareho kaming busy, pero alam ko pag nagkita kami meron kaming babalikang istorya tungkol sa mga 'beer fairies'. 


Malayo na nga ang narating nung 'beer fairy' kong kaibigan, kung dati sanay syang mag lakad pauwi kasi walang pamasahe ngayon eh humaharurot na lang sa pagd-drive. Sa ngayon gaya nung pinagusapan namin, lagi kong pinapaalalahanan ang sarili ko na makuntento sa mga bagay na meron ako at mag pasalamat sa Diyos sa mga darating pa. Sa pagtatapos hayaan nyong i-share ko sa inyo yung isang lesson sa pagpapahalaga na believe it or not nakita ni wifey sa facebook... 


<br/><a href="http://oi41.tinypic.com/9gergo.jpg" target="_blank">View Raw Image</a>





Comments

  1. sana ako din may beer fairy kahit hindi ako umiinom

    ReplyDelete
  2. magkakaroon ka lang ng beer fairy kung matututo kang uminom ng beer : ))

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.