PunisherRano shoots 20 questions...
Benteng walang kwentang tanong sa mga may kwentang tao (naks)...
A peek at the lighter side of serious (?) people.
At para sa pinaka unang pagtatampok... presenting the dashing... mindboggling... hair raising... cute... Mr. Edwin Loyola!!!!!!
PunisherRano: Ilang taon ka nang photographer?
Edwin Loyola: ilang taon na ako na kumukuha ng larawan, hmmmm, alam ko simula pa ng musmus pa ako humahawak na ako ng kamera, kaya nga noon bata ako halos wala akong makitang larawan ko sa mga group pix namin, pero nagkaroon ako ng slr noon 1995, at second hand pa... pero professionally (mukha naman di professional dating ko..hahahahaha), 2002 ako ng mag freelancer..
PR: Anung kamera ang gamit mo?
EL: Unang gamit ko na kamera ay minolta x700 (2 piraso), puro second hands, tapos
bumili na ako ng canon eos 2o, at may binigay ang ngc na sony v-3 at yon fujifinepix s602,
yan lang po gamit ko... wala akong pambili eh...bigyan mo ba ako ng bago?
PR: Kung mayaman ako bibigyan kita, pagaaralin ko pa anak mo, kaso mahirap lang me. Anyway...
PR: Naibagsak mo na ba yung kamera mo?
EL: hindi ko pa naibabagsak lahat yon, at wala akong balak ibagsak yon, pero kung bibigyan mo ako ng bago at yon ang deal mo... yon casing lang ibabasak ko siguro..hahahaha
PR: Kung hindi bakit di mo pa binabagsak?
EL: ayaw ko mapa bilang sa mga ta-tanga sa mundo (hehehehehe, bato bato sa langit, tamaan ay huwag magalit!)
PR: Mukhang pinariringgan mo si _________________________
PR: Maiba tayo. Marami kang nakapost na photos sa multiply mo, partikular ang still lifes na mukhang paborito mo, sa tingin mo ano sa tagalog ang still life?
EL: Teka still life ba paborito ko! akala mo lang yon! dahil di ko maisip ang still life sa tagalog, "People" na lang paborito ko..sa tagalog..."Tao" di ba simple lang, at bakit ko naman, pahihirapan ang sarili ko isipin ang bagay na hindi mo rin alam! hmmmm, STILL LIFE?
teka..baka pwedeng .."Ay Buhay Pala", "BUHAY PA RIN?" or "May Buhay Din? a ewan!
hahahahaha. teka kape muna ako...
PR: Ang tagalog ng 'still life' ay 'Istil layp' ok.
PR: Naging proud kami sa iyo ng manalo ka sa 2005 National Geographic Channel International Photography Contest, nakasama mo pa ang ibang winners sa ibang bansa na mas nag palawak sa experience at perspective mo sa photography, sa iyong palagay, bakit di mo kami pinakain nung mga panahong iyon?
EL: Bakit?, anak ng tipaklong! eh pag pinakain ko kayong lahat, sa palagay mo.. di pa ako abunado noon? sa dami nyo!!!
PR: Damut!
PR: Kasali ka ba sa isang photography group? Ano ito?
EL: opo naman, Di ka pwedeng mag isa sa mundo, minsan naman kailangan may kasama ka sa mundo mo... Autistic naman ako, pero minsan nakakawala ako doon... Framed Shots Camera Club ang tropa ko, eh, apat na sunod sunod na naging Camera Club of the Year ng PhotoCup ng FPPF lang naman! at gagawin namin 5 yon!
PR: Medyo lumamig ata... anyway...
PR: Wala ka bang kaaway sa kanila? Lahat sila bati mo?
EL: Iba kasi akong kaaway, lintik lang walang ganti.Kaya dahil doon, wala ng umaaway sa akin! lahat naman sila binabati ko kahit may sumpong ako...kaso pag may sumpong sila, di nila ako pinapansin... ganun lang.
PR: Bati tayo ha.
PR: Bukod sa akin, sino pa ang iniidolo mo sa larangan ng photography?
EL: ikaw? iniidolo ko? eh wala pa naman ako nakikitang litrato na kuha mo ha!
PR: O sige babaguhin ko ang tanong ko... Maliban sa akin sino pa ang iniidolo mo sa larangan ng photography?
EL: hahahahahaha, sige na nga nasa list kita! si Sir Ansel po (uy prof mu sya?-PR)... fascinated ako sa mga works nya, isa syang inspiration sa akin...marami akong paborito, nagustuhan ko sila, hindi lang sa works nila, kungdi pati sa attitude nila or yon pag share nila ng mga works nila... inis lang ako sa mga photographers na maramot mag shares ng kanilang talent...hahahahahahaha marami akong kilala, opps! huwag mo na i dare ask yon name nila, di ko sasabihin.
PR: O sige eto... me partikular ka bang style sa photography?
EL: Ang dami mo naman tanong...
PR: eh sagot ka ng sagot eh...
EL: depende sa subject po. punta ka nalang sa multiply ko...
PR: naman papupuntahin pa ko kung saan saan...
PR: Me kinalaman ba ang photography sa paglaki ng katawan mo at pagpapadreadlocks mo? (see fig. 1 above)
EL: sa paglaki ng katawan ko... panindak sa mga client na pasaway, sa mga models na maarte, eh pag malaki katawan mo... di sila mailang sa yo..hahahahaha!
Sa dreadlocks ko!- minsan ginagawa kong earplug, pag may client ako..madakdak! minsan ba naman, may client ako na maarte, akalain mo bang sabihan akong, di raw sya bilib sa pilipino photographers! lintik na...eh pinoy ako!!!...kaya ayon nasungitan ko na...after ng photoshot, di ko na tinapos yon project...bahala sya sa buhay nya!!!!
PR: Anak ng p#*@$!%#*% sino yan...
PR: Cge palamigin natin ang ulo mo... Na feature ka na as Artist of the month ng Wacom Community, wala ka bang planong mag artista? Pulitiko kaya?
EL: mag artista, syempre meron, hahahahaha.. o may angal ka?
PR: Wala me sinabi ba ko?... bagay ka naman sa sexy roles....
EL: Pulitiko? - meron din.. gusto ko maging Presidente ng Pilipinas, una kong gagawin, ipapatapon ko yon isang client ko sa labas ng Pinas!, pangalawa lahat ng photographers,
free lahat ang camera nila at lahat lente meron! at lahat ng Brands, para wala ng mag aaway
kung alin ang maganda..
- may laptop lahat ang photographers at artist!
- patatanggal ko lahat ang pesteng jeepney driver na walang disiplina sa kalye
- mataas na sin tax sa sigarilyo! lahat ng tax ipapatong ko doon..hahahahaha.
- pwedeng mag location shot sa Ft Santiago , Manila Cathedral, Ayala Malls na walang
permit, at lahat ng guards doon ang mag bitbit ng gamit ng mga photographers.
- free wi-fi sa buong pinas!
- free traspo at accommodation pag kukunan mo ang Pilipinas
- first class citizen lahat ang artist!
- magkakaroon na tayon ng National Artist na photographer
PR: syet kumpleto plataporma...
PR: Cge tutal politics na rin ang pinaguusapan natin... Kung bibigyan ka ng isang oras sa Malacañang (regular working hours) sino ang gusto mong i-shoot...
EL: hindi sino! ano dapat! ... mas worth siguro na kunan ko nalang ang Palasyo, sayang lang oras ko na pag yon nakatira doon ang kunan... hmmm. if gusto mo pala na SINO ang dapat ko kunan ....siguro yon mga helpers na lang doon, mas okay pa ata silang kunan...
PR: ... shoot to kill.... di pa ko tapos kasi...
EL: huh! sasayangin ko lang buhay at oras ko, may mga importanteng bagay pa akong pwedeng gawin sa buhay ko... iba na lang gumawa noon...
PR: ikaw ang tamad mo talaga kahit kelan...
PR:Eto na lang serious to... Magbigay ng tatlong tao na gusto mong kunan ng portrait (foreign or local).
EL: 1. sana buhay ako ng panahon ni Kristo at may kamera na noon..(ewan ko ba... pinaka favorite ko talaga kunan ang HolyWeek, palagi ko hinihintay yon...)
2. si Pope!
3. si Osama, if bibigyan talaga ako pagkakataon, susubaybayan ko ang buhay nya..pero hindi ako sang ayon sa prinsipyo nya...
PR: Hmmmm... bakit wala ako sa list mu? Anyway, Kung bibigyan ka ng kamera, anong kamera ang gusto mo?
EL: kahit ano, wala naman sa kamera yan eh.
PR: O nga, nasa lente nga pala yun...
PR: Bakit ayaw mo na lang bilhin?
EL: mokong ka eh, sabi mo if bibigyan ako... masaya pa ako sa gamit ko ngayon.
PR: O sige wala na akong sinabe... Ano naman ang masasabi mo sa mga photographers na walang ginawa kundi ipagyabang ang kanilang mga high-end camera pero wala namang mapakitang matinong photos? Pa-salvage na natin?
EL: wala tayong magagawa doon...Nakakainggit nga!!! Mayaman sila at marami silang pambili ng gamit...Sa akin naman... walang pangit na litrato di lang ma appreciate ng mata ng viewers.. teka marami bang ganun? saan sila nakikita?
PR: Teka ako ang nagtatanong dito ah...
EL: Huwag mo na silang ipa salvage.. malay mo i donate nila yon gamit nila after a few months (you wish! - PR), kasi may mga bago na naman na models...hayaan nalang natin sila , ibigay ang hilig nila ng hindi sila maligalig...
PR: Ano ang mabibigay mong payo sa mga baguhang photographers na minsan ding nangarap na maging isang Edwin Loyola (naks)? Pwede ka ba nilang utangan?
EL: ano ba naman tanong yan!!!hhahahaaha..
PR: Nag blush ka ba...
EL: sige na nga...palagi ko sinasabi ko... get out of the box! mag experiment / mag break ng rules.. AND CREATE YOUR OWN STYLE!!! (syempre, pag may sarili kang style, madali ka nila makilala...), bow talaga ako sa mga artist na may sariling style or trademark ... as of now, iilan pa lang ang kilala ko... (tama, iilan pa lang talaga kami. - PR) YUP, anytime pwede silang umutang..huwag lang pera!!!
PR: OK, forward ko na number mo sa kanila.... hehehe
Gawaing Pagsasanay
1. Sa isang manila paper, isulat ang nagustuhan nyong katangian ni Edwin loyola. Matapos isulat, silaban ang manila paper sa gitna ng inyong sala.
2. Gumawa ng Poster ni Edwin Loyola, lagyan ng titulong "Edwin Loyola for President". Ipamigay sa mga mahihirap.
3. Mangalap ng isang milyung pirma para sa pagpapa-unat ng buhok ni Edwin Loyola.
4. Bumuo ng isang grupo at kumanta ng "Makulay ang Buhay" sa harap ng bahay ni Edwin Loyola.
5. Bumuo muli ng grupo at i-manhunt ang nag dreadlocks kay Edwin Loyola.
Maraming salamat kay Edwin Loyola sa pagpapaunlak at sa pagiging pasensyoso sa aking mga katanungan, at sana ay may natutunan tayo sa inaksaya nating oras na ito. (Joke lang) Hanggang sa muli! |
pucha laugh trip 'to hahahaha
ReplyDeletemokong, at least ako nag paunlak, di katulad ng mga suplado dyan!!!!
ReplyDeletebwahahahaha
ako suplado?! baka... "mataray" bwahahahaha!
ReplyDeletesus ako pa.. anytime na interbyuhin, go! =) wag lang english!
bwahahahahahaha! sinabi mo pa!
ReplyDeleteanak ng....@#$% ...
ReplyDeleteang kukuleeet...bwahahahah
delikadong basahin ito pag sinabayan daw ng pagkain ng camote. =) hahahahah!
ReplyDeletehahahahaha! musta na ms arlene?
ReplyDeletenakakatawa nman hehehehh ok pagpatuloy mo yan.... malayo mararating mo at ako namna magtatanong sayo heheheh,,
ReplyDeletenice natawa ako,
ei salamat sa pagbisita at sa invite : )
ReplyDeleteanlupet nito!!!
ReplyDeletelintik na yan hahhahhah go for president idol
ReplyDelete- swerte nalang di ako nag yoyosi ahahahah