Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2008

Chicks Dig Guys with Umbrella on a Rainy Night

Tatlong araw na akong nauwi ng naulan at sa totoo lang eh hate ko ang ulan (pero I always thank God for it), mawawala din naman ang pagka badtrip mo eventually dahil maaaliw ka din sa iba’t ibang nangyayari sa paligid mo pag umuulan, madami kang mae-experience at mawi-witness na entertaining scenes sa paligid, all of which I converted to rainday Do’s and Don’t.   1. Gaya ng title nito, if you’re a guy, make it a habit to bring umbrella lalo na pag ganitong naguu-ulan. Sa obserbasyon ko 50% ng female of the species eh hindi rin nagdadala ng payong kahit na naulan, ewan ko kung bakit, pero mataas ang probability na meron sa yong makikisukob na chicks, base yan sa experience ko nung nakaraang miyerkules, oo chicks dig guys with umbrella on a rainy night. 2. If you’re a girl at student kayo ng nursing or any course in any school na all white ang uniform nyo, make sure na may dala kayong payong pag na-ulan kung ayaw nyong maging instant ‘see through’ ang...

Of Bus Rides and DVDs

Bus story No.001 Kung madalas kayong bumyahe along EDSA eh malamang nakasakay na kayo ng mga Boxtype Buses na pumapasada via Fairview to MIA Rd. route, eto yung parang provincial buses na malalaki at di hamak na mas bago kesa sa   mga buses na nanggaling sa Japan. Maganda ang ganitong buses, comfortable ang seats, functioning ang aircon, at higit sa lahat may DVD! Nauso na nga ang paglalagay ng DVD sa mga buses, affordable na kasi ang mga DVD player lalo na yung mga galling sa China at marami na ring pirated DVDs na nagkalat kung saan saan.   Kung suswertehin ka, bagong movie ang pinalalabas nila, gaya nung last time, palabas ang “Hancock” ni Will Smith, swerte dahil hindi ko napanood sa sine to (dahil pangit yung review) pero sa kagaya kong maikli lang ang byahe mabibitin lang ako kaya hindi ko na rin pinanood, hindi mo na nasimulan hindi mo pa matatapos, paano ka pa gagawa ng reaction paper nyan. Pero ok pa rin yun, dahil minsan pag minalas ka malamang ang pinalalabas nila eh...