Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2009

De-delete ko na muna ang multiply account ko...

May time talaga na darating sa buhay mo na mawawalan ka ng ganang gawin yung isang bagay na kinagiliwan mong gawin. Wala ka nang maisip kundi itigil na lang dahil hindi mo na kayang ipagpatuloy pa ang nakagawian mo na. Mabigat pagdesisyunan pero kailangan, mas makakabuti para sa iyo kesa patagalin pa't araw-araw mong lokohin ang sarili. Si Kurt Cobain nagsuicide hindi lang dahil sa epekto ng pagconsume ng drugs, kundi dahil na rin sa pressure ng pag likha ng music para sa milyun milyon nilang tagahanga, yung music na dati'y ginagawa nya para ma please yung sarili nya ngayon eh kailangan na nyang gawin para ma-please ang ibang tao, at kung hindi nila magustuhan yung music na ginawa nya sya pa ang sasalo ng lahat ng puna. Sa ganitong perspective ko nilalagay ang sarili ko, kaya nagpasya akong isara muna ang aking multiply account, kung permanente o pansamantala ay hindi ko pa masasagot, maaring gumawa uli ako ng account next week? next month? next year? sa ngayon ay hind...

Patnubay ng Pagsinta

Nakakatawa yung kaibigan ko dahil nakipag-break na daw sya sa kanyang GF of 8 months dahil sa nawala na daw yung chemistry nila... so its about chemistry na pala ngayon ha... anyway ang mas nakakatawa eh yung kung paano sila nag break, sa text lang daw, nakakatawa kasi naging mag-on sila thru text din, so napaka-makapangyarihan palang maituturing ang texting, kaya pala matindi ang recession ng mga cupids dahil pinalitan na sila ng mga mobile phones... Texting, the most popular means of communication nga diba, naisip ko lang kung ilang relasyon na ba ang nabuo at nasira thru text. Kahit magkalayo kayo basta may celfone (at load ciempre) kayang magkaroon ng close relationship, ilang damit ko rin ang nasunog dahil nagttext yung katulong namin sa kanyang jowawers na nasa Isabela habang namamalantsa, tsk. Napaka-henyo ng nakaimbento ng mobile phone at texting, isa sila sa mga hinahangaan kong tao, maaari ko silang ihanay sa prestihiyosong linya ng mga imbentor kasama ang nagimbento ng...

Ayoko nang maging ROCKSTAR!

"Ang gusto ko lang naman eh magkaroon lang ako ng pambayad sa tubig saka sa ilaw." Yan yung sinabi ng isang artist/sculptor/musician na kaibigan namin nung magkausap kami sa isang opening ng exhibit. Itago na lang natin sya sa pangalang 'Bogart'. Halatang nakainom na si Bogart kaya madali para sa kanya na maglabas ng sentimyento sa buhay na kadalasan napakahirap ilabas pag nasa tamang katinuan ka pa at wala pang halong alcohol ang bloodstream sa katawan mo. Hindi pa ata sya sanay sa mga dumating sa kanyang mga opportunities, mga commissioned works, auctioned artpieces, exhibits abroad (US) lalo na sa prestihiyosong MoMA sa New York. Iisa lang ang tinutumpok ng lahat ng yan, ibig sabihin madami syang pera at dadami pa... "Put@#$%na! ayoko nang maging rockstar!" pabulalas na sabi nya.  "Ang gusto ko lang naman eh magkaroon lang ako ng pambayad sa tubig saka sa ilaw." inulit lang nya yung sinabi nya kanina, 2nd sign ng pagkalasing... inu...

Pesbuk

Maikli lang itong sasabihin ko As of this date kasi eh mangilan ngilan na rin ang email invitation na nareresib ko from friends para sumali sa kanilang network of friends sa Facebook, lampas na rin sa daliri ko sa kamay  at paa ang bilang, nakakatawa dahil sila yung same friends ko sa friendster at ngayon sa Facebook naman sila nangi-imbita.  Ngayon pa lang humihingi na po ako ng paumanhin sa inyong mga nangi-imbita dahil hindi po ako gagawa ng Facebook account,  just because Facebook is gaining popularity among Pinoys doesn't mean i have to have one di ba? Yung rason ko? Same thing happen kasi nung 2004 when friendster became a 'fad' dito sa atin at isa ako sa mga nakisabay sa fad na yun, pero not this time, hindi naman ako maka-friendster, nag sign-up lang ako before sa friendster to connect with long lost friends and now sa tingin ko friendster has served its purpose para sa akin so now im just maintaining it with i-regular updates, and thats it, kung mag sa-sign-up ...