Skip to main content

Patnubay ng Pagsinta




Nakakatawa yung kaibigan ko dahil nakipag-break na daw sya sa kanyang GF of 8 months dahil sa nawala na daw yung chemistry nila... so its about chemistry na pala ngayon ha... anyway ang mas nakakatawa eh yung kung paano sila nag break, sa text lang daw, nakakatawa kasi naging mag-on sila thru text din, so napaka-makapangyarihan palang maituturing ang texting, kaya pala matindi ang recession ng mga cupids dahil pinalitan na sila ng mga mobile phones... Texting, the most popular means of communication nga diba, naisip ko lang kung ilang relasyon na ba ang nabuo at nasira thru text. Kahit magkalayo kayo basta may celfone (at load ciempre) kayang magkaroon ng close relationship, ilang damit ko rin ang nasunog dahil nagttext yung katulong namin sa kanyang jowawers na nasa Isabela habang namamalantsa, tsk.


Napaka-henyo ng nakaimbento ng mobile phone at texting, isa sila sa mga hinahangaan kong tao, maaari ko silang ihanay sa prestihiyosong linya ng mga imbentor kasama ang nagimbento ng rubik's cube na si Erno Rubik... naalala nyo si Erno and his f*cking cube?... Kung di dahil sa kanila eh walang texting at mobile communication na maguugnay sa mga magkasing-irog. Paano nga kung walang texting? Paano na sila inday?


Naisip nyo ba minsan kung paano nagsurvive yung ating mga kanunununuan long ago and oh so far away? Noong unang panahon na super conservative ang mga tao, sa panahon na masaling lang ng lalaki ang kamay ng babae eh mauuwi na sa kasalan, sa panahon na hindi pa naiimbento ang pre-marital sex, sa panahon na cool pa ang pag suot ng filipiniana at pomada, sa panahon na isolated ang babae sa lalake, sa panahon na... tama na masyado nang mahaba ang intro ko. Gusto ko lang naman i-share sa inyo yung nabasa kong "Pre War Love Guide" ni Ambeth Ocampo na isang article sa libro nyang Aguinaldo's Breakfast na nakuha naman daw nya sa "Patnubay ng Pagsinta" ni Pascual Poblete noong 1922, atleast medyo nag ka insight ako kung paano ang old fashion way of communication ng magsing-irog, nung panahon na ang texting at mobile communication eh far fetched fantasy pa lang, sa panahon na... ayan na naman... basahin nyo na lang to...


Excerpts from "The Pre-war Lovers' Guide" by Ambeth Ocampo



Communication was largely through a woman's main accessories - the handkerchief and the fan. The entire vocabulary was simple, silent and discreet. In the appendix of his book, Poblete describes the messages conveyed with the use of handkerchief and the fan:



Salitaan sa Panyo


Ihaplos sa mga labi - Ibig cong maquipagsulatan

Ihaplos sa mata - Lubhang nalulungcot aco

Ihaplos sa caliuang camay - Icao ay quinapopootan co

Ihaplos sa dalawang pisngi - Iniibig quita.

Bayaang malaglag - Tayo ay magcacaibigan

Ipatong sa pisnging canan - Oo

Ipatong sa pisnging caliua - Hindi

Ihaplos sa balicat - sumunod ca sa aquin

Ihaplos sa dalawang mata - Lubha cang walang aua.

Ticlopin - Ibig cong maquipagusap sa iyo

Ticlopin ang mga dulo - Hintain mo aco

Pilipitin ng dalawang camay - Pagpapaualang halaga

Pilipitin ng camay na canan - May ibang iniibig aco

Pilipitin ng camay na caliua - Ayao cong maquialam sa iyo

Ibuhol sa hintuturo - Mayroong casintahan aco

Ibuhol sa palasingsingan - Mayroong asawa aco

Ibuhol sa buong camay - Aco ay sa iyo

Paglaroan ang panyo - Pinaualan quitang halaga



Salitaan sa Pamaypay


Dalhing nacabitin sa camay na canan - Ibig cong magcanovio

Dalhing nacabitin sa camay na caliua - Mayroong casintahan aco

Ipaypay na madalas - Malaqui ang pagibig co sa iyo

Ipaypay ng marahan - Ualang halaga ca sa aquin

Iticlop na bigla - Quinapopootan quita

Bayaang malaglag - Tapat ang loob co sa iyo

Takpan ang kalahating mucha - Sumunod ca sa aquin

Bilangin ang mga tadyang - Ibig cong magsalita sa iyo

Paglaroan ang mga horlas - Umiibig aco sa iba at iniibig naman aco

Huag dalhin o ilagay sa bulsa - Ayao cong maquipagligauan




Sana ay naibigan nyo ang munti cong lathala, at sana ay mayroon din cayong napulot na aral mula dito, aco ay magpapaalam muna sa ngayon hanggang sa muling pagquiquita.


muaaaahhhhugzzzzzz ^_^


(Pababayaan kong malaglag ang panyo)




Comments

  1. hhahaha.. ang hirap naman nun.. kelangan ko pa ibuhol sa hintuturo yung panyo para lang sabihin na taken na ko! hehhe

    nice one!!! :)

    ReplyDelete
  2. So sir yung sa Victoria Court ba yun or Sogo dito ginaya yun?
    Yun pala ibig sabihin nun..Hmmmm
    pag yun sasabihin ng babae halika sumunod ka sakin whew!!!!
    Pagpawisan siguro ako nun ng sinlaki ng mangga..:D

    ReplyDelete
  3. pamaypay and panyolito codes pala ito!

    ReplyDelete
  4. actually yung sa sogo kaya nakatakip yung kalahating mukha eh para hindi makita yung bigote nya wahehehe

    ReplyDelete
  5. hmmm parang suki ka dun sir ah hehe

    ReplyDelete
  6. tips yan baka pede mong magamit hehe

    ReplyDelete
  7. wow daig ang morse code,buti nagkakaintindihan sila malamang hindi slow mga lalaki noon, sa dami ba naman ng mememorizing moves e,hehe:)

    ReplyDelete
  8. ung iba dyan nageexist pa rin til now hehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...