Ina-anticipate namin na mawawalan ng tubig pagdating ng Sabado ng gabi hanggang Lunes ng umaga dito sa lugar namin, kaya lahat ng pwede naming malagyan ng tubig, nilagyan namin, mula drums, batya, timba hanggang mineral bottles na walang laman. Improving nga ngayon ang nawasa dahil bago pa man mawalan ng tulo eh nagaabiso na sila, mahirap kasing mawalan ng tubig, yun ang pinaka ayoko, malaking bahagi ng pang araw araw kong pamumuhay ang tubig, siguro sa lahat naman, kaya kapag nawalan ng tubig sira na yung schedule mo sa araw. 8:00 – nakakatawa lang pagdating ng 8pm ng gabi nung sabado,para akong batang first time nakakita ng kissing scene sa sine dahil excited akong masyado na makitang walang tulo ang gripo dahil napaghandaan naman namin yung oras na yon kaya wala dapat ikabahala. Pero mapagbiro talaga ang tadhana, pagsapit ng alas otso ng gabi pagbukas ko sa gripo, meron pa ring tulo, malinaw pa, walang bahid ng putik na galing sa binubungkal na lupa sa kabilang kalye, yun ang tin...