"Samahan mo naman ako papa-tattoo lang ako." Yan ang hirit sa akin ni wifey nung linggo, actually matagal na nyang gustong magpa-tattoo sa likurang bewang nya, ewan ko kung bakit, siguro para matago ang stretch-marks? hehe peace... wala naman syang stretch-marks alam ko yun, siguro trip lang talaga nya, nakita ko pa nga yung design na gusto nyang ipa-tattoo na ginawa nya mga ilang days na ang nakakaraan, kitang kita ko sa mga mata nya ang kagustuhang magka-tattoo at talaga namang isa yun sa mga wish nya na magkaroon sa taong ito kaya sinagot ko sya ng naka-ngiti at sinabi kong... "tinatamad ako eh kaw na lang...", buti na lang isang pulgada ang pagitan namin kaya hindi nya magawa yung automatic na pananakit.
Sabi ko naman sa kanya wag na sa may likurang bewang mag pa-tattoo dahil pagtanda nya at kumulubot na yung balat nya sa parteng yun pangit na tingnan yung tattoo, distorted na, pagnagkataon kailangan pa nyang banatin yung balat nya para lang maipagmalaki sa mga apo nya yung kanyang tattoo, parang naiimagine ko tuloy... mental image... eeeewww... nung sinabi ko sa kanya yun medyo narealize nga nya na ganun ang mangyayari so napagpasyahan nya na sa batok na lang sya magpa-tattoo. Kaya lang me isang problema pa dahil wala pa syang design para dun. Since mabait naman ako nag-suggest ako sa kanya ng designs na maaari nyang pa-tattoo, gusto nya kasi medyo tribal, sabi ko naman marami nang may tattoong tribal kaya sabi ko bakit hindi na lang Sto.Niño, natawa lang sya kaya akala ko game syang makipagbiruan, suggest uli ako, sabi ko maganda pa-tattoo nya yung ulo ng Lion at Tiger na magkaharap tapos sa baba ng image nakalagay "Lion Tiger Katol" lol! Hindi ko mapigilang matawa sa suggestion ko na yun, tumigil lang ako nung naramdaman kong may piercing pain na nanuot sa braso ko, umere na naman yung kamao ni wifey at sa braso ko nga dumapo... cariño brutal at its finest, tsk, masakit pa rin hanggang ngayon.
Magpapa-henna na lang muna daw sya para ma-feel nya kung ok ba talaga sa batok sya magpa-tattoo, pipili na lang daw sya sa mga ready made design sa shop, tamang-tama may outing sila papuntang batanggas so timing yung pagpapa-henna nya, yung outing lang nila ang hindi timing dahil kung kelan naguuulan na saka sila mag-a-outing lol! Gaya nung una, di ko pa rin sya sinamahan hehe, ewan ko parang its the same thing with shopping saka pagpapa-parlor nya, malamang sa alamang maghihintay ako ng matagal, eh nung araw na yun marami pa naman akong importanteng gagawin gaya ng panonood ng Sponge Bob kaya di ko na sya sinamahan.
Pero magandang idea yung pagpapa-henna muna bago magpasyang magpa-tattoo ng totoo, para nga naman ma-feel mo kung tama yung gagawin mo, parang ihahanda at ikukundisyon mo yung sarili mo, at kung ok ka na at handang handa ka na, saka ka na talaga magpa-tattoo. Yung pagpapa-tattoo kasi maihahalintulad yan sa pagpapakasal, hindi yan parang kanin na napapanis pag hindi nilagay sa ref... uhm... basta something to that effect.
Pag-uwi ni wifey pinagmayabang agad yung henna tattoo nya, ok naman pero as expected sa mga ready made designs sa shop... corny, hehe, pero oks lang atleast na-experience ni wifey magkaroon ng tinta sa batok, ok naman sa kanya, mag-iisip na lang sya ng magandang design na ilalagay, sabi ko i-consider pa rin nya yung lion tiger design, pero sinabi ko yun ng malayo layo ako sa kanya... mahirap na.
Ako balak ko rin magpa-tattoo pero di pa ngayon, siguro pagdating ko ng 40, parang si Jack Nicholson sa Bucket List, maganda kasi yung may gagawin kang kakaiba pag dating mo ng 40, sabi nga nila 'life begins at forty' so why not do something that you haven't done before pagtuntong mo sa edad na yun di ba? Mag-iisip na rin ako ng magandang design, mas maganda pa sa lion tiger design, kailangan kong paghandaan yan ng matagal dahil espesyal ang araw na yun pag dumating, pero pansamantala eto na muna.
haha matagal ko na din balak magpa-tattoo er. puro henna lan dati. i even had four hennas all at the same time (na-addict sa henna). but i also decided sa paglaki ko na yung real one!
ReplyDeletemabuhay si wifey mo! congrats! and what a cutecute tattoo you have, kuya rick!
ser si buttercup nalang ayos po yon hehe
ReplyDeletebuttercup nalang po
ReplyDeletepara mukhang matapang ..
tunay na lalake .. xD
"sabi ko maganda pa-tattoo nya yung ulo ng Lion at Tiger na magkaharap tapos sa baba ng image nakalagay "Lion Tiger Katol"..
ReplyDelete>>>
OMG! hahaha!!! lol!
nanunuod din po pla kau ispansbab!dapat po pla si plankton nalang..hehe. :)
ReplyDeleteWow! your wife is awesome sir! I have to agree...may tamang oras para sa lahat at dapat ngang pagisipan mabuti before going thru it...but getting a tattoo is also priceless I have to say,ehehe...you and your wife have my support sir,hehehe...kampai! =D
ReplyDeletetattoo transfer lang yan from my daughter nyahehehe
ReplyDeletewait sino ba si buttercup dyan? yung naka green?
ReplyDeletemaganda naman di ba? hehe
ReplyDeleteo kaya si patrick pede din!
ReplyDeletethanks shen! di ba may tattoo ka din?
ReplyDeleteAhehe, yes sir...I have three now and still planning to get more,hehehe...for real sir nakakaadik siya, yung feeling kase parang may na-achieve ka na bagay na sobrang priceless o kaya parang nanalo ka lang sa lotto,hihihi, specially if the design you chose eh may valuable meaning for you, it will be with you for life. Good luck to you and your wife sir rick...keep rockin po...kampai!!! =D
ReplyDeleteung green po .. XD
ReplyDeleteang cute ng tats mo ah... dora type mo?
ReplyDeletemas bagay yung dora ke mister mo hehe...
ReplyDeleteangkulet powerfuff.haha
ReplyDeletewala akong maisip eh hehe
ReplyDelete