Sobrang hina ko sa direction, sinampal pa sa akin yang katotohanang yan nung last last sunday lang, pumunta kami nila grace and abi sa cubao para bisitahin ang Boston gallery, mula Kamuning nag cab na kami para di na kami maligaw, pero sablay pa din. Ang galing pa ng taxi driver, pinagpipilitang alphabetically arranged yung pangalan ng mga streets, sabi nya baka nasa dulo daw yung Boston kasi nasa New York kami letter 'N' pa lang daw kami so malayo pa yung 'B' for Boston, pinalaki sya siguro ng kanyang magulang na kulang sa iodine. Hindi rin nakakatulong yung mga tao sa paligid, yung magbabalot tinanong namin, tinanong naman nya yung nagtitinda ng yosi na katabi nya, tapos yung nagtitinda ng yosi binalik lang yung tanong sa kanya, tapos nagtanungan sila, kaya kami nakahalata na wala kaming mahihita sa kanila kaya umalis na kami at iniwan silang nagtatalo at medyo nagaambaan na. Yung dalawang nagliligawan naman hindi pa kami natatapos makapagtanong 'hindi' na ag...