Skip to main content

Ano ang gagawin mo pag na-ipit ka sa dalawang oras na trapik pauwi?



Kagabi naranasan ko ang isa sa pinaka-mahabang byahe sa buhay ko, hindi dahil sa malayo ang nilakbay ko kundi dahil sa sobrang haba ng trapik mula opisina hanggang sa bahay. Halos dalawang oras ang byahe pauwi, ganito palagi pag umuulan, walang pagbabago, napasulat tuloy ako ng entry hehe... habang nasa bus kasi nagiisip ako ng mga maaring gawin na pwede kong paglibangan pero imbes na gawin ko, sinulat ko na lang, baka sakaling makatulong sa mga tao kung sakaling mapunta sila sa parehong sitwasyon na naranasan ko. 


Mga ilang suggestion lang ito, mahirap din naman kasi na wala kang ginagawa sa loob ng humigit-kumulang dalawang oras sa loob ng bus. Narito ang ilang suggestions na pwede nyong subukan...




Suggestion No. 1 - Tulog


Syempre ang pinaka da best na gawin sa loob ng bus habang trapik eh matulog! Automatic naman yan kahit kaninong tao, wag mo lang dadantayan o kaya yayakapin yung katabi mo lalo na kung hindi mo sya kilala.



Suggestion No. 2 - Celfone


Kung magising ka sa pagkakatulog at trapik pa rin, kapain muna ang bulsa baka nasalisihan ka na, kapain ang pitaka at ang celfone. Kung nasa iyo pa ang celfone mo maswerte ka. Kuhanin ang celfone, kung naka-Sun network ka tawagan ang pinaka malapit na kaibigan na naka-Sun din at makipagkwentuhan sa kanya, simulan nyo ang kwentuhan sa kung paano kayo nagkakilala para medyo mahaba-haba ang usapan.


Kung hindi ka naka-Sun ang corny mo, hindi mo ba alam na uso ngayon ang dalawa ang sim? Anyway mag all text 20 ka na lang (or any equal service sa ibang network) at mag forward ng jokes sa mga kaibigan. Kung walang nagreply na kaibigan, dalawa lang ang ibig sabihin nun, hindi ka nila kaibigan o kaya super corny ang jokes mo.


Pwede ka ring magforward ng magforward ng walang kwentang quotes sa iyong kaaway. Eto na ang tamang oras para mang-istorbo ka. Kung mag reply yung kaaway mo at murahin ka, hayaan mo na lang, ipagdasal mo na lang na sana masunog sa dagat-dagatang apoy ang kanyang kaluluwa.


Maari ka ring magimbento ng text tapos i-send mo sa long time crush mo, pag-nagreply sya na hindi nya naintindihan yung text mo, mag-sorry at sabihing na wrong send ka lang, ito na ang simula ng inyong text conversation samantalahin mo na, pero kung hindi sya nagreply ibig sabihin wala talaga syang interest sa iyo, move on!



Suggestion No. 3 - Games


Since hawak mo na ang celfone mo, pwede kang maglaro ng mga downloaded games dito para pampalipas ng oras. Kung wala kang downloaded games, laruin mo na lang yung built-in games sa celfone mo tapos magpanggap ka na nageenjoy ka dito.


Kung may dalang PSP or Nintendo DS mas mainam na ito na lang ang laruin mo, wag mo na lang isasama yung katawan mo pag tumatalon/bumabaril/tumatambling/shumushoot yung character sa game para di nakakaistorbo sa katabi mo.


Kung wala ka namang PSP o kaya Nintendo DS eh hindi ko na problema yun.



Suggestion No. 4 - Magbasa


Kung mayroon kang dalang libro basahin mo na lang ito bilang pampalipas ng oras, mas maganda kung "World Almanac" ang dala-dala mo para mahaba-haba ang iyong babasahin.


Kung ang dala mo namang libro ay nabasa mo na, lokohin mo na lang ang sarili mo at magpanggap na hindi mo pa ito nababasa at basahin muli mula sa umpisa. Sa susunod wag kang magdadala ng librong nabasa mo na, para kasing tanga lang.



Suggestion No. 5 - Mag-gupit ng kuko


Kung may dalang nailcutter maaari mong gawing pampalipas ng oras ang paggupit ng kuko sa kamay at sa paa. Maari ka ring mag service sa iba pang pasahero sa murang halaga lang.


Kung walang dalang nailcutter tanungin mo yung katabi mo kung may nailcutter sya, kung meron at pinahiram ka, mabait yung katabi mo, samantalahin mo na, humingi ka na rin ng pagkain at maiinom baka sakaling meron.


Kung walang nailcutter yung katabi mo tanungin mo kung meron syang PSP o Nintendo DS, kung wala pa rin, pabasa mo na lang yung librong nabasa mo na at magbigay sa kanya ng quiz matapos nyang basahin.



Suggestion No. 6 - Friendly seatmate


Since pinahiram mo naman ng libro yung seatmate mo, makipagkilala na rin sa kanya. I-kwento mo yung life story mo sa kanya at ipakwento mo rin yung life story nya sayo. Kung boring syang kausap mag-isip ng games na maaari nyong laruing dalawa gaya ng tug-of-war, pitik bulag, poker (assuming na may dala syang baraha) o kaya full contact martial arts or any game na maglilibang sa inyo. Kung ayaw nyang makipag-close sa iyo, titigan mo ng masama at wag mo nang kausapin kahit kelan, ayaw nya talaga sayo wag kang manhid.



Narito ang ilan pang suggestions na maaring gawin...


- bilangin ang guhit sa palad mo

- bilangin ang guhit sa palad ng kundoktor

- pabilang sa mga kaibigan ang guhit nila sa palad at pa-text sa iyo.

- i-total lahat ng guhit sa palad na nabilang

- bilangin kung ilan beses humikab ang katabi sa loob ng isang minuto

- bilangin kung ilang beses mag mura yung driver ng bus na sinasakyan mo

- bilangin kung ilang "tsk" ang madidinig sa loob ng bus

- bilangin kung ilang buntong-hininga ang madidinig sa bus

- itotal lahat ng binilang

- i-multiply ang total ng mga nabilang sa oras na naaksaya dahil sa trapik

- yung total yun yung bilang ng sheep na bibilangin mo para makatulog uli.




Comments

  1. very nice po Sir... been there done that! lately sobrang traffic pauwi ng south... longest travel ko po 3 hours last Wednesday (Makati to Cavite) usually it takes 45 minutes lang. I'll take note of your suggestions! Funny yet helpful... :)

    ReplyDelete
  2. wow 3 hours? swerte pa pala ako 2hours lang! tnx tnx! : D

    ReplyDelete
  3. ako nakaranas ng 4 hours kuya rick, haha, all in the name of love :P
    ayun, sa super inip, nag-ipod na lan ako. that was a rainy afternoon, down south, accompanied by Simon and Garfunkel :)

    ReplyDelete
  4. hay rick...2am na ako naka-uwi last friday. wala ako psp, libro, nail cutter, wala rin ako katabing iba kung hindi my hubby...di rin pwede matulog, low bat na cell ko...other tips?

    ReplyDelete
  5. hay what you won't do for love : P

    ReplyDelete
  6. uhhhmm try mong kalasin yung car stereo nyo then ibalik mo uli... : ))

    ReplyDelete
  7. kuya rick, in this instance pwede ding mag-moment pag traffic, hahah

    ReplyDelete
  8. Madalas pag di chicks katabi ko sa bus at trapik eh tulog lang ko. Pag chicks katabi syempre self-concious ako kaya sinasabayan ko nalang yung pag inhale-exhale niya para synchronized kaming huminga.

    ReplyDelete
  9. oo tapos ttry mong langhapin yung pabango nya hehe...

    ReplyDelete
  10. ayus.hehehhe!heto dagdag na tip:magdeclare ka ng hold-up sa loob ng bus.pag nahuli ka, sabihin mo performance art lang yun.hehehehhe.

    ReplyDelete
  11. tma po lahat ng cnb nyo..ilang bses n ngya2ri skn un kc traffic sa cavite,mnsan more than 3 hours pa..hehe
    my sun po pla kau?blta q sir,lumipat n dw kau ng offce?san po?wla n po ung sa makati?

    ReplyDelete
  12. haha wala akong sun cel... jologs din ako eh... nope na abort yung paglipat namin so we are still here sa makati...

    ReplyDelete
  13. angkulet naman neto. tawa ako ng tawa.hihi

    ReplyDelete
  14. kwela mga blogs nuio ser, galeng :D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...