Skip to main content

Barber's Cut



"Buhay pa ba?" 


Bungad agad ng isang tropa pagkakita sa akin na bagong gupit, napangiti lang ako, alangan namang tawanan ko yung gasgas na gasgas na linyang tinatanong sa mga bagong gupit.


Medyo hindi regular yung gupit ko ngayon, nagpa-mohawk ako hehe, joke lang, sa ibang salon kasi ako nagpagupit, actually hindi sya salon, barberya talaga sya, tatlong araw ko na kasing hindi naaabutang bukas yung pinagpapagupitan ko sa parañaque na Dominic Reyes Salon and mini Zoo (kung kaano ano nya si Ricky Reyes eh hindi ko alam), maaga na pala sila nagsasara, hanggang 8pm na lang kaya ayun, hindi ko maabutang bukas, gustuhin ko mang magpagupit ng linggo eh malamang hindi nila ako maasikaso sa dami ng nagpapagupit at nagpapa-service sa kanila. Madami namang salon sa Las Piñas pero parang ayokong ipagsapalaran yung buhok ko sa kanila.


Maganda kasi ang serbisyo sa Dominic Reyes Salon and mini Zoo, pati yung place maganda ang ambiance, pwede kang manood ng HBO o kaya Starworld habang naghihintay sa spacious waiting area, kulang na lang me fountain sa gitna parang hotel na. Malimit kong nirere-quest si Aileen, yung babaeng stylist, magaan kasi ang kamay nya, magaling din mag-gupit at saka uhm... cute, kaya lang bihira ko syang matyempuhan kasi madami ring nagpapaservice sa kanya kaya ang second option ko si Vangie (hindi nya tunay na pangalan, Benjie daw ang tunay na pangalan nya sabi sa counter dati) sya yung bading na naggugupit sa akin pag hindi pwede si Aileen. Magaling din naman syang mag-gupit hindi nga lang gaanong magaan ang kamay, parang lagi nya akong gustong i-choke slam pag tini-tilt nya yung ulo ko, sa may panga nya ko hinahawakan, feeling ko tuloy parang gusto nyang baliin yung leeg ko, gaya nung ginagawa ni Arnold Swarch Swarch Schwarch... ni Terminator sa mga human beings.


Kung mahilig kayo sa telenobela ng ABS-CBN tapos may na-miss kayong isang episode, sadyain nyo sya sa salon at magpa-schedule ng pagpapatrim ng buhok sa kanya dahil yun ang hobby nya habang nag-gugupit, yung ikwento sa customer yung mga telenobela, sabihin nyo lang kung anong day ang hindi nyo napanood at buong galak nyang ikukwento sa iyo. Kung mga isang linggo kayong hindi nakapanood ng telenobela eh dapat magpa-rebond kayo o kaya hot oil para mahaba-haba yung time nyo with him, enough para matapos ang isang linggong telenobela. Kahit hindi ako interesado wala naman akong magawa kundi makinig sa mga kwento nya with matching strong Visayan accent, natatakot lang ako pag kinukwento nya na asar na asar sya sa mga kontrabida dahil minsan binubunton nya yung pag kaasar nya sa buhok ko, kaya ang pinapakwento ko lang eh yung mga happy moments. Sayang lang dahil malabo na akong makapag pagupit sa kanila.


Nung sabado nga, dahil sa gusto ko na talagang magpagupit eh pinatos ko na yung barberya sa may kanto namin, matagal na yun, bata pa ko andun na yung barberyang yun, dun ako dinadala ni tatay nung maliit pa ko, landmark na sya ika nga. Aircon na sya ngayon me tv din, at ang palabas? You guessed it right! Telenobela! San ka pa? Meron ding waiting area pero hindi ako makapwesto dahil me naglalaro ng chess, si ka Tano yung me ari ng barberya, kilala sya sa bayan bilang isa sa pinaka magaling mag chess, pero kahit kelan hindi pa nya ako matalu-talo... sa basketball, hindi nya ko matalo sa basketball. Nakita nya ko agad sabay sabing "naligaw ka ata?" alam nyang hindi na ako nagpapagupit dun, mula nung ma-realize ko na kailangan ko na ng make-over, "no choice po eh, kailangan ko nang magpagupit, maiinit ho kasi." sabay upo sa isang bakanteng barber's chair, lapit naman yung isang barbero, "o gupit binata yan ha!" sabi ni ka Tano sabay tawa, yun kasi ang pinapagupit ni tatay sa akin dati pag nagpupunta kami sa kanila. "Me asawa na po ako kaya di na bagay sa akin yun" medyo pabirong sagot ko, "o di gupit me asawa" sabat nya uli, natawa yung kalaban nya sa chess saka yung ilang miron sa paligid, sumagot naman ako... "kayo talaga ka tano kahit kelan mapagbiro kayo, isang hirit nyo pa itataob ko yang chess tapos yang mga pyesang yan isa-isa kong isusuot sa butas ng ilong nyo!"... pero syempre sa isip ko lang yun ang totoo eh tumawa lang ako sabay sabi sa barbero na trim lang ang gawin.


Matagal tagal na ding hindi ako nakapagpagupit sa isang barberya kaya medyo naiilang ako sa barbero, mabigat yung kamay saka medyo mabagal mag gupit dahil maya't maya eh tumitingin sa tv para manood ng telenobela, lalo na pag si Angel Locsin yung pino-focus, ako naman hindi rin maiwasang mapatingin sa mga kalendaryo ng mga kilalang beer at gin na nakadikit sa pader ng barberya, yung mga model kasi eh halos kakapiranggot na tela na lang yung nakatakip sa katawan nila, nakakawala ng concentration kaya maya't maya itinutungo nung barbero yung ulo ko... ang KJ. Nun ko na lang uli naranasan na gamitan ng labaha kaya sobra dasal ko na sana wag mabahing yung barbero dahil pag nagkataon sa sahig ko pupulutin yung tenga ko. Tumagal din ng halos 30 minutes yung gupitan namin na usually eh 15 minutes or less lang sa Dominic Reyes Salon and mini Zoo, ang nakakaasar pa eh yung pag lagay nya ng pulbo pagkatapos ng gupitan, yung tipong mukha ka nang breaded chicken pagkatapos pulbusan, kulang na lang iprito ka sa kapal, parang ang mura mura ng pulbos ngayon kung maglagay sya ng ganun ganun na lang, pakonswelo na lang yung masahe after ng gupitan, parang gusto ko tuloy mag request ng full body massage kaya lang nakakahiya naman dun sa barbero, wala mang free shampoo tulad sa mga salon eh ok na rin ang masahe. Ok din naman ang gupit, not bad, medyo old school na mukha akong nagbibinata sa linis ng gupit, saka ok na yun for a P40 charge kumpara sa P100 sa salon, nakapagbigay pa ko ng tip dun sa barbero para sa masahe. Habang sinisipat ko yung buhok ko sa salamin naalala ko yung gupit ko dati...


























idol ko kasi dati si...






















Comments

  1. fave child actor ni kuya beejay yan! :)

    ReplyDelete
  2. nakow.. ang asawa ko rin fan nyan! :)

    ReplyDelete
  3. haha! vangie! natawa ko dun.haha.galeng ser.:D

    ReplyDelete
  4. naki-usi lng po...natutuwa ko kung pno kau mgkwento!kwela tlg!hahaha!laman dn ako ng barbershp dati..un nga lng d ako ung ngppgupit,ung mga kptd kong lalaki. Dun lng lgi ako s tabi,tga-bsa ng komiks. ^__^

    ReplyDelete
  5. hahahaha as usual pag si isr rick ang nagsulat anu pa ba aasahan mo? KATATAWANAN NA MAY LAMAN

    Nakakamiss yung barbershop sa baclaran tuloy hehehe matagal tagal na rin akong di nakakapagpagupit sa barbershop mga 6 years na yata..

    ReplyDelete
  6. buti tolits d mo namimiss maging kalbo? hihihihi..tipid lagi sayo barbershop nung college!^___^

    ReplyDelete
  7. si weng weng ang idol ng mga tunay na lalake!

    ReplyDelete
  8. hehe pangalan nya sa gabi yun... salamat!

    ReplyDelete
  9. uy naalala ko rin yung mga komiks sa barbershop nung bata pa ako, yung iba nga pang adult hindi pinapabasa sa akin ng erpats ko hehe

    ReplyDelete
  10. wala na ata yung sinasabi mong barbershop sa baclaran tolits, parlor na ata pumalit hehe

    ReplyDelete
  11. kalbo pala si tolits dati? kaya pla sinagad na pagpapahaba ng buhok ngayon... : D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng Malacañang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.