Skip to main content

Who's Bad?



Kakalibing lang pala ni Michael Jackson, hindi ko naman kasi sinusubaybayan yung pagkamatay nya kaya late ko na nalaman ang mga balita, actually hindi ko sya peborit, bukod sa Smooth Criminal wala na kong hilig sa ibang kanta nya, sya pala yung kumanta ng 'Ben' kelan ko lang nalaman akala ko si Willie Garte all this time. 


Nung pumunta nga si Michael dito sa pinas bwiset na bwiset ako dahil sobra trapik pauwi kaya nilakad ko mula Don Galo hanggang palengke ng Parañaque, at dun sa tapat ng Parañaque District hospital andun pala sya, at sya ang dapat sisihin sa trapik. Sa tapat ng St. Andrews Church, para lang makauwi, nakipagsiksikan ako sa sangkaterbang tao na nagaabang na masilayan sya, big deal talaga sa maraming pinoy si Michael, at ayun nga nagulat ako nung nagsigawan lahat, kahit nagmamadali ako napatigil ako nung sumilip sa bintana si Michael, pakaway kaway, natatandaan ko pa yun, naka pink syang damit (o parang kupas na pula) na parang suot ng mga bandang mosiko sa araw ng fiesta ang suot nya, yung me mga butones pa na gold na sinlalaki ng lansones, tapos suot nya yung signature black hat nya na may iilang strands ng kulot na buhok na tumatakip sa mukha nya, pakaway-kaway, at napatingin din ako sa mukha nya, kahit medyo me kalayuan tanaw pa rin dahil parang naggglow yung mukha nya sa puti, hindi sya puting amerikanong puti, kundi puting parang pinaglihi sya sa bond paper na daig pa yung dilis na kinilaw sa suka. Wala pa atang isang minuto pumasok na sya uli sa hospital, pero parang sulit na sulit sa lahat ng naghihintay sa labas dahil yung mga ngiti nila parang ngiting pang huling araw na nila sa mundong ibabaw. Yun lang yung natatandaan kong close encounter sa kanya.


Matindi nga ngayon, mas lalong bumenta yung mga album nya, sa panahon na kung saan uso na ang downloading at pagbili ng songs online eh me mga di pa rin makatiis na bumili ng cd's, old school, kung nabubuhay pa kaya si Michael ganito din kaya pagaaksayahan ng mga tao na bilhin yung mga albums nya?


Nakakatawa nga na kung kelan sya namatay saka lamang napahalagahan yung mga ginawa nya, andaming mabubulaklak na salita patungkol sa kanya ang madidinig mo kaliwa't kanan, samantalang nung nabubuhay sya eh halos kutya kutyain sya sa lahat ng aspeto ng buhay nya, mula itsura hanggang sa pakikihalubilo nya sa mga batang paslit. 'Jacko Wacko' yan yung bansag sa kanya, nasaan na kaya yung mga taong ginawang hobby ang pamimintas sa kanya?


Napaka-profound kung iisipin mo, hindi na natin kailangang lumayo, dito lang sa Pinas yung kultura natin ganyang ganyan, napakabait nga naman natin sa mga patay kesa sa mga buhay. Yung namatay halos ipagdasal natin araw-araw, na akala mo anghel nung nabubuhay kung purihin at halos lahat ng mga tao sa paligid eh ka-close at ang gagaling magshare ng happy moments nila kasama ang namayapa, samantalang nung nabubuhay eh halos hindi mo mapansin sa araw-araw at napaka intolerant natin sa kanila. Sa libingan na lang kung bakuran yung mga patay halos parang ayaw padapuan sa langaw yung nitso, at para saan yung bakod sa nitso? Para hindi nga naman maistorbo ng mga taong buhay yung mga sumakabilang buhay na. Napaka ironic na sa lipunan kung saan halos lahat naman tayo eh husto sa bait at edukado, hindi mo lubos maisip kung ano ang mali sa ginagawa natin.


Who's bad? sabi sa kanta ni Michael Jackson. Sino nga ba ang bad sa mga pinaggagagawa natin? Alin ba ang mas mahirap gawin, yung pagmalasakitan mo yung mga taong nabubuhay at makaka-appreciate sa ginagawa mo o yung puri-purihin yung taong kahit anong papuri ang gawin mo eh mananatili pa ring malamig na bangkay at patuloy na mabubulok sa ilalim ng lupa? Iintayin pa ba natin yung araw na mawala na yung mga tao sa paligid natin bago pa natin sila mapahalagahan? Naalala ko tuloy yung isang sikat na kasabihan...


"You'll never know what you got until you lose it, and when you do, you'll never have it back." -- Bogart, snatcher sa Recto




Comments

  1. idol ko yan si jacko nung bata ako.. :(

    ReplyDelete
  2. ser ,,
    nabalitaan nyu na din ba ??
    si francis m. ahh .. patay na rin ..
    ehe .. pis po ..

    unga, bad sila .. kung kelan paktay na, saka lang ....
    haay~

    ReplyDelete
  3. ngayong malaki ka na idol mo pa rin ba sya?

    ReplyDelete
  4. si francis m patay na? kelan pa? : ))

    ReplyDelete
  5. hehehe..

    sa tototoo lang tsong..

    sikreto lang natin to ah.

    may DVD collection ako ng mga concert nya.. :)

    ReplyDelete
  6. haha don't worry safe yang sikreto mo na yan... walang makakaalam dito nyan...

    ReplyDelete
  7. teka napag isipan ko lang....
    diba sa purgatoryo dun nililinis ang kaluluwa ng isang tao sa pamamagitan ng mga dasal... according din sa divine comedy ni dante alighieri.... at turo sa simbahang katoliko.... ehhhh so pag sikat ka pasok kna sa heaven lalo na kung buong bansa or buong mundo nag luksa sa pagkamatay mo... tama ba un....

    ReplyDelete
  8. ah ewan ko lang wala pa naman kasing nakakapagpatunay sa 'purgatoryo' dahil wala pa naman mismong galing dun tapos nagbalita dito sa main land... hindi ko rin alam kung makakatulong yung pagdadasal sa mga namayapa dahil yung kaluluwa hindi naman yan parang damit na lalagyan mo lang ng clorox tas ikukula mo para luminis, sa huli ija-judge ka pa rin sa kung ano ang mga pinaggagagawa mo nung nabubuhay ka pa... pero maganda yung obserbasyon mo : D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng Malacañang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.