Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2009

Survey: Noynoy for President?

Gusto nyo bang tumakbo si Noynoy bilang Pangulo ng bansa? Oo, dahil gaya ni Ninoy at Cory kabutihan ang hangad nya para sa bansa.     15 Hindi, dahil hindi pa sya handa     7 Oo, dahil sya lang ang mabait sa lahat ng kandidato     5 Hindi, dahil mas gusto ko yung ibang presidentiables     2 Oo, dahil fan ako ni Kris     2 Hindi, dahil ayokong makita yung receding hairline nya     0 Oo, gusto ko sya walang pakialamanan!     1 Hindi, dahil hindi ko alam ang pinaguusapan nyo     0 My father died for democracy. My mother fought for democracy. They believed that if we make democracy work in our country, the government would be accountable to the people. I believe as they did. My advocacy is centered in making the institutions of democratic governance work so that it takes root and serves the interests of the many as against those of the few and powerful. In a working democracy, government would be...

Not another facebook post

Sabi ko sa quicknote "sige nga bigyan nyo ako ng sampung katanggap-tanggap na dahilan para mag facebook ako..." dala na rin ng matinding pagka inis sa mga email invite ng facebook, nakakagulat lang dahil mahigit sa sampu ang nakuha ko. At dahil inaliw mo ko Buding (di nya tunay na pangalan wahehehe peace tayo!) sa iyong 10 suggestion eh bibigyan kita ng E for Effort (di ko kasi maintindihan kung bakit lagi nilang sinasabing A for effort). Bagaman muntikan mo na akong makumbinse, muntik na talaga, siguro kung dinagdagan mo pa ng around 85 yung reason baka sakaling pagisipan ko ng mabuti, sabagay kasalanan ko dahil sampung dahilan lang talaga ang hiningi ko, pero 15 yung binigay sa akin plus 10 sau bale 25 na reasons na, at wala ni isang tumunaw sa puso kong bato hehe. Sa ngayon kasi ni sagi sa isip hindi sumasagi na makita yung sarili kong sumasagot ng "Sino ang Kamukha Mong AngTV Star" sa pesbuk. Oo maarte ako, isa ako sa nabiyayaan ng kaartehan nung isinaboy t...

Tara!

Modern Misgiving by ~ champurado on deviant ART Tara! Punta kayo sa art bazaar bukas sa gallery namin (OneWorkshop Gallery 9am to 6pm), tapos bilin nyo tong gawa ko kung wala kayong magawa sa pera nyo o kaya yung ibang artworks din, madaming pang artworks on exhibit, hanggang Sunday pa to (1pm to 6pm)... tara! BazaART ‘09 at the One Workshop Gallery is at the Ground Floor of 2241 La Fuerza Plaza II, Don Chino Roces Ave. corner Sabio St., Makati City. Gallery hours are from 10am to 7pm daily except Sundays. For inquiries, call Didith Ladao at 810-5094, fax 819-2074, e-mail one_workshop@yahoo.com or visit www.owg.cc . Update: Nabili na po yung artwork sa taas pero ongoing pa po ang Art Bazaar Til last week of September. Tara!

Nung magkita si Ninoy at Cory sa langit

Paunawa: Ang susunod na kwento ay pawang kathang isip ko lang sanhi ng kawalang magawa sa buhay. Patnubay sa sarili ay kailangan… Sa langit nagkita na sa wakas si Ninoy at Cory… Ninoy: Mommy! Sa wakas nagkita uli tayo! Cory: Na-miss kita Dad! Ninoy: Bat ngayon ka lang? Nung August 1 ka pa nai-schedule ah, anong petsa na? Cory: Eh syempre naman, me briefing pa, tapos me seminar pa, tapos may mga welcome welcome gatherings pa, pag pasensyahan mo na, ang mahalaga eh magkasama na uli tayo… Ninoy: Ha?! Eh bat di ako imbitado sa welcome gathering? Cory: Eh kasi special yun, mga Saints saka angels lang ang kasama ko dahil natuwa daw sila sa mga ginawa ko sa lupa. Ang cool nga ng escort ko si Indira Gandhi. Tapos yung nagbigay ng briefing sa akin si Mother Theresa. Ninoy: Oh talaga? Kamusta na si Gandhi? Di ko na sya nakikita lately. Cory: Ayun medyo tumaba na, ngayon ko lang sya nakitang naka polo, bagay pala sa kanya…  So ano kamusta na? Nakita mo ba yung mga gina...

Fine Dining

Although sympathy is synonymous with empathy di pa rin mag kasing kahulugan yan. Sinabi kasi ng isang alipores ni GMA na porket kumain sila sa isang mamahaling restaurant sa New York that doesn't mean na hindi na nakikisimpatya si GMA sa mga kababayan nating mahihirap, she still had great sympathy for them ika nga ng isang aso err i mean mabuting tagasunod ng presidente (kung iisipin mo wala naman gaanong pagkakaiba sa aso yung trabaho nila bukod sa nakasuot lang sila madalas ng coat and tie) sympathy noun: feelings of pity and sorrow for someone else's misfortune Sa tingin ko hindi 'sympathy' ang kailangang maramdaman ni GMA para sa mga kababayan nating nagugutom kundi 'empathy'. empathy noun: the ability to understand and share the feelings of another. It is often characterized as the ability to "put oneself into another's shoes",  knowing what the other person is feeling, blurring the line between self and other. Mga ilang araw ang...

Ang Pagbabalik ng Panday

Ewan ko if it has something to do with CJC getting the National Artist Award kaya pinalalabas sa Cinema One yung Panday. Last wednesday naabutan ko yung part 1 ng Panday then kagabi lang yung "Ang Pagbabalik ng Panday" which obviously eh yung part 2.  Nung bata ako gustong gusto kong panoorin yung Panday, pero syempre yung mga re-runs na lang napapanood ko dahil masyado pa akong bata nung nag showing sa mga sinehan yung Panday (80 n 82 kung hindi ako nagkakamali, hindi pa ko nagaaral ng taon na yan). Pero nung napanood ko sya nung mga 10yrs old ako, isa ako sa madaming bata na hangang-hanga sa mga special effects nya dati, lalo na yung nung bumagsak yung bulalakaw mula sa langit (yung bulalakaw yung pinanday ni FPJ para gawing espada), pero nung napanood ko uli nung wednesday night eh hindi ko mapigilang matawa dahil kitang kita ko yung tali na pinagsasabitan ng umaapoy na bolang kunwari eh bulalakaw. Pinapatakbo lang ata yun ng mga simple machines gaya ng pulley. A...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

Mukhang nasunog ata yung niluto nila.

Magkakaroon daw ng isang 'pagdadalamhati' ang mga nakaraang National Artist Awardee gaya nina BenCab, Bien Lumbera, Rio Alma atbp. dahil sa mga diumanoy nilutong parangal na ginawad partikular ke Carlo J. na tumatanggap ngayon ng kabi-kabilang batikos. Medyo hindi daw katanggap-tanggap yung pagbibigay ke Carlo J ng parangal lalo na eh me iba pa nga raw na MAS karapatdapat. Ano ba yung parangal sa kanya? Ginawaran lang naman sya ng National Artist Award para sa Visual Arts (dahil nagdodrowing daw sya ng mga komiks komiks mga  ganun) at Literature (dahil nagawa sya ng screenplay at scripts mga ganun). Kung iisipin mo eh National Artist Award yan, pinakamataas na pagpaparangal na maibibigay sa isang tao dahil sa malaking contribution nya sa sining at kultura ng isang bansa. Speaking of contribution, nagiisip ako ng mga naiambag ni Carlo J. na maaaring naging basehan ng mga pumili sa kanya para sa parangal... Kaya daw National Artist for Visual Arts eh dahil sa Komik...