
Sabi ko sa quicknote "sige nga bigyan nyo ako ng sampung katanggap-tanggap na dahilan para mag facebook ako..." dala na rin ng matinding pagka inis sa mga email invite ng facebook, nakakagulat lang dahil mahigit sa sampu ang nakuha ko.
At dahil inaliw mo ko Buding (di nya tunay na pangalan wahehehe peace tayo!) sa iyong 10 suggestion eh bibigyan kita ng E for Effort (di ko kasi maintindihan kung bakit lagi nilang sinasabing A for effort). Bagaman muntikan mo na akong makumbinse, muntik na talaga, siguro kung dinagdagan mo pa ng around 85 yung reason baka sakaling pagisipan ko ng mabuti, sabagay kasalanan ko dahil sampung dahilan lang talaga ang hiningi ko, pero 15 yung binigay sa akin plus 10 sau bale 25 na reasons na, at wala ni isang tumunaw sa puso kong bato hehe. Sa ngayon kasi ni sagi sa isip hindi sumasagi na makita yung sarili kong sumasagot ng "Sino ang Kamukha Mong AngTV Star" sa pesbuk. Oo maarte ako, isa ako sa nabiyayaan ng kaartehan nung isinaboy to sa balat ng lupa. Pero dahil binigyan mo ng effort yung note ko, susuklian ko rin ng effort yung ginawa mo by answering your suggestions, at higit sa lahat... dahil nami-miss ko na ang baon mong SPAM.
SAMPUNG RASON PARA IKAW AY
MAG FEZBUK.. (galing ke Buding)
10. dahil uso ang fezbuk, kamon, sige na, you wanna join the bandwagon, i know you want to. *evil laugh*
- actually yun yung una kong rason kaya ayaw kong sumali... ganito kasi perspektib ko dyan eh, dahil din ba sa uso ang sipon ngayon kailangan ko ring magka-sipon?
9. dahil malapit ng mamatay ang multiply dahil napupuno na ito ng abscbn ads at tv shows (tulad ng tayongdalawa.mutiply.com, goingbulilits.multiply.com, kung-ano-pang-maisipang-abs-cbn-show.multiply.com) at pangako di na talaga nakakatuwa ang mga ads na lumalabas dito. tulad ng napkin ad.
- i don't mind the abs-cbn ads, as much as you don't mind those senseless quizzes hehe... saka i like those napkin ads!
8. dahil masaya ang mga applications ng fezbook, tulad ng farmville, mafia wars at restaurant city. very interactive. very nakakaubos ng oras. masaya pangako. minsan ka lang maging farmer, Godfather at chef ng sabay sabay! THIS IS YOUR ONLY CHANCE! GRAB IT!
- sabi ko "katanggap-tanggap" na reason... : ))
7. dahil mas madaling gamitin ang fezbuk kaysa sa bagong layout ng multiply na napaka gulo. kamon, isa ka sa nagreklamo na ang panget ng bagong layout ng multiply. diba diba.
- parang boypren o gelpren o asawa mo lang yan, masasanay ka rin ...
6. kaysa gumawa ka ng sangkaterbang account tulad ng plurk, twitter at tumblr, gumawa ka na lang ng fezbuk account kasi pinagsama sama na dun yung features nun tatlo. kung di mo alam kung ano yun sinabi kong mga echoschever, BASTA mag fezbuk ka na lang.
- eh wala naman din akong balak gumawa ng account sa twitter at tumblr lalo na sa plurk...
5. mas masaya mag tag ng kaibigan sa fezbuk, naiinform sila, di tulad sa multiply...
- email mo na lang sila i'm sure maiinform sila... o kaya text mo na lang... o kaya tawagan mo... o kaya puntahan mo sa bahay...
4. mas mabilis mag load ang page ng fezbuk kaysa sa multiply. napatunayan ko na toh. try mo din. its fun.
- kailangan mo na sigurong magpalit ng internet provider...
3. walang page layout na dapat ayusin sa fezbuk, sa multiply pag di maganda ang page mo, tipong walang ka-layout layout, jologs ka.
- all facebook account looks the same... di ka ba nauuya? saka jologs na ko matagal na...
2. Sabi nga sa HOMEPAGE NI FEZBOOK: Facebook helps you connect and share with the people in your life. It's free and anyone can join!
- ahhhhhhh... yun din ata sabi sa friendster...
1. dahil pang longkatuts na lang ang friendster.. at longkatuts ka ba? kaya gumawa ka na ng account. ok!?
- Yung katulong namin me facebook pramis!
bonus reason: dahil pinag aksayahan ko tlaaga toh ng panahon at medyo pinagisipan ko rin kahit papaano. kaya sige na. gawa na ng account, tas iadd mo agad ako ha. :D
ililibre na lang kita ng dirty ice cream pag nagkita tayo! Buding!
Ako may friendster account padin.
ReplyDeleteKase yun ang pinaka madaling gamitin ng mga pinsan kong 8yrs old sa Pilipinas eh.
At Kuya Rick wala din akong fesbuk.
winner n nman tong blog mo rikitik =)
ReplyDeleteme mga kilala din akong ganyan din sinabi... me fesbuk na sila ngayon hehe...
ReplyDeletekoni! nagaabang sila james ng raket!
ReplyDeleteWill it make any difference kung may fesbuk o wala.
ReplyDeleteNakita ko na, parang pareho lang naman.
Ayus na ko sa multiply at friendster.
jologs daw kasi pag walang pesbuk... pero ako i can live with that ;p
ReplyDeleteAyus lang yun.
ReplyDeleteHahaha!
Pag may bago na naman lilipat na naman.
Anung tawag sa mga ganun?
di ko alam eh hehe... basta kung saan sila masaya suportahan ko sila... : )
ReplyDeleteOo nga naman Kuya.
ReplyDeleteAko din.
hay naku, makaisip nga nam bait para mag-facebook si kua rick..
ReplyDeleteAHAHAHA !!
ReplyDelete11. para mang-stalk :))
ReplyDeletenyahahahaha pwera blackmail ha!
ReplyDeletehmmmm siguro ginagawa mo yun nuh?
ReplyDeletehahha, bakit? may kinatatakutan ka bang pasabog sa pagkatao mo, kuya? :P hahah!
ReplyDeletewahahahaha wala naman baka me mamblackmail lang hehe
ReplyDeleteoo ;) kaya lang ako nagfacebook kasi may inistalk ako
ReplyDeleteparang boypren o gelpren o asawa mo lang yan, masasanay ka rin ...
ReplyDeletepanalo to.haha
sabe na nga ba eh! : p
ReplyDeletesanayan lang yan di ba?
ReplyDeletenakoh, tahimik nga ang buhay ko ngayon.. pakisabi mghintay lang. haha! =)
ReplyDelete