
Akalain mong pati pala multiply eh pinasok na ng El Shaddai, nakatanggap na ba kayo ng invite mula sa kanila? Kelan lang nakatanggap ako ng invite mula ke Bro. Mike umano para maging parte ng kanyang multiply network, naisip ko siguro isa ako sa mga pinagpala, nakita nya ang busilak kong kalooban, pero nakita ko yung Kit-kat na dinekwat ko sa bag ng anak ko kaya naisip ko sinong lolokohin ko... imposible yun.
Ang totoo eh hindi na bago yung mga ganitong modus para sa iba't ibang organisasyon at mga personalidad na gustong bumuo ng network kung saan pwede nilang gawing medium ang mga social networking sites upang magbigay ng mga iba't ibang impormasyon tungkol sa kanilang layunin, yun eh kung magpapa-uto, i mean kung sakasakaling tatanggapin nyo yung imbitasyon nila. Sa lahat ata ng social networking sites andun sila.
Binisita ko yung site ni Bro. Mike, oks naman the usual multiply site, na-create nung July 2008 pero hanggang ngayon konti lang yung laman, ni walang picture, me ilang blog entries patungkol sa mga pangaral sa Bibliya pero ang kapansin -pansin eh yung title na "SA PAGBABAGO NG BAYAN, SI EL SHADDAI ANG SAMAHAN" parang normal quotable quote lang from a religious group, pero sa ganitong panahon na kating kati ang mga pulitiko at maimpluwensyang tao na kumandidato hindi malayong pangangampanya din ang pinapahiwatig ng mga katagang yan, hindi mo masisisi yung mga tao kung yun ang isipin. Nung mga nakaraang araw pa naman eh nagpahiwatig si Bro. Mike na nais nyang tumakbo bilang presidente dahil daw sa inuudyok sya ng kanilang mga taga suporta, nasa mga kamay na daw ng kanyang mga supporter ang sagot kung sya ba daw ay tatakbo o hinde. Pero nabalita din kelan lang na naglabas sya ng survey sa isang pagtitipon ng El Shaddai, ayon na rin sa balita nakasulat sa isang pirasong papel ang tatlong tanong:
Question no. 1: Rehistradong botante ka ba?
Question no. 2: Kung tatakbo ba si Bro. Mike sa pagka-pangulo iboboto mo ba sya?
Question no. 3: Kung iboboto mo si Bro. Mike, makakahatak ka pa ba ng 20 katao para iboto sya?
Natawa ako sa survey na yan, parang naniniguro hehe... kung tiwala ka at kung gusto talaga ng mga supporters mo na tumakbo ka eh hindi mo na kailangan ng ganyang survey, nagpapakita lamang yang ganyang survey ng di-kasiguraduhan at pa hapyaw yung kawalang tiwala mo sa bawat myembro mo. Kelan nga eh napabalitang hindi na daw kakandidato si Bro. Mike dahil pinipigilan daw sya ng kanyang kapamilya, ayoko sanang isipin pero baliko yung utak ko kaya naiisip ko na siguro hindi naging matagumpay yung survey nya kaya napaatras sya tuloy, pero iniisip ko lang yun. Pangatawanan na sana nya yung hindi pagtakbo, aktwali andun na sya sa pinaka magandang posisyon para makapaglingkod sa tao, ang pagiging PR man ni Lord, maari nya tong gamitin para mahimok ang kanyang fans and followers upang pumili ng tamang kandidato na tutulong para mapabuti ang bansa, mas ok naman yun di ba? Wag syang mag pagamit sa mga pulitiko, ipag dasal na lang nya sana ang bawat myembro nya ay gabayan ng mabuting espiritu sa pagpili ng karapat dapat na lider ng ating bansa... Amen? Amen!
Balik tayo sa pag invite nya sa kin, hanggang ngayon kasi eh hindi ko alam kung iko-confirm ko sya as a friend, hindi ko pa sya ina-add... pero thats Bro. Mike for crying out loud! THE Bro. Mike of El Shaddai!... parang gusto kong sabihin sa sarili ko pero hindi ko na sinabi kasi mukha naman akong tanga kung kakausapin ko yung sarili ko... Ohhhhhweeeeeenongayon?! din lang naman malamang ang isasagot ko... seriously alam ko hindi naman sya yung talagang nasa likod nun, siguro isa lang sa mga alipores nya, or some IT guy from El Shaddai (uy rhyme!), pero just the same i have to reject him siguro, sorry Bro pero hindi ko matatanggap ang paanyaya mo bro, hindi naman sa nagmamalaki ako bro pero hindi ata fit yung pagkatao ko para i-add mo bro o kung sino man sa El Shaddai ang gustong humikayat sa kin, ewan ko sa iba pero ako hindi talaga pang El Shaddai yung personality ko.
Sabi ng isang tropa kung si Ara Mina daw ang naginvite eh baka mabilis pa sa alas kwatro ang pag confirm ko, pero nagkakamali sya dun, walang halong plastikan, mamatay man lahat ng buhok nyo sa katawan, hindi ako nagbabait-baitan, kung sakaling invite man ako ni Ara Mina syempre gaya ni Bro. Mike titingnan ko rin kung anong layon nya para i-add ko sya, syempre hindi naman basta basta ia-add porket artista sya di ba? Hindi naman sa nagyayabang pero me mga artista din naman akong ka network dito sa multiply gaya ni Demosthenes Campos, hindi nyo sya kilala? Your missing a lot... saka bakit naman si Ara Mina pa naisip nya? Napaka year 2000 naman nun, kung si Christine Reyes ang mag-invite yun talaga, yun ang mabilis pa sa alaskwatro!
Amen?
Kung trip nyo syang i-add check nyo na lang to --> Nanenewala ba kayo?
hahahha! may name dropping!
ReplyDeletetama tama.. christine reyes nlang!! hahaha!
ReplyDeletewala bang Marianne? hehe!
ReplyDeletedi pa naman niya ako ini-invite. hahaha!
ReplyDeletehindi naman daw sya tatakbo...uupo na lang daw! LOL!
ReplyDeleteang religion ay para ding networking? tama po b? hehehe...sna madala n ung mga religious leadr n gus2ng pumsok s pulitika, namumulitika na nga sila sa loob ng organisasyon nla gus2 p nla buong bnsa...haay..pastilan!..bsta slamat po sa pag-add kht hndi ako c christine reyes ^__^ v
ReplyDeleteSabi ni Friedrich Nietzche noon,
ReplyDelete"Christianity is for the weak heard"
they are always pulling our own strings especially sa pagboto...bakit hindi na lang natin hayaan pumili ng iboboto ang mga miyembro ng El Shaddai at iglesia ni cristo?
wala bang sariling pag iisip ang mga miyembro nila para piliin kung sino ang talagang napupusuan nila?
Amen! Lol nakita ko pa yung voting something ni manong velarde sa tv nakakatawa po :))))) todong tawa.
ReplyDeletealive ! alive ! alive alive alive !!
ReplyDeleteartista naman sya di ba?
ReplyDeleteayoko ke Marianne, mayabang yun eh
ReplyDeleteah wait mo lang hehe...
ReplyDeletetama! Religion helps you connect and share with the people in your life. It's free and anyone can join! hehe
ReplyDeletemeron naman tinatamad lang silang gamitin...
ReplyDeletepati nga si Karen Davila natatawa eh...
ReplyDeletealive porebermor!
ReplyDeletewahahahahaha! suplado yang si demosthenes campos, last year ko pa iniinvite as multiply friend, di ako inaadd!!! ngyahaha
ReplyDeleteo baka blind faith kaya??
ReplyDeleteI like Christ but I don't like some Christians...lalo na yung mga religious leaders na nangliligaw ng isipan ng mga tao...
ahahaha !!! beri gud po yan ah !
ReplyDeletewahehehe iba ata ginagamit nyang account pototoylaki.multiply.com... try mo uli : )
ReplyDeletesabi nga ni Gandhi nung tinanong sya kung bakit nirereject nya si Jesus sabi nya...
ReplyDelete"Oh, I don't reject your Christ. I love your Christ. It's just that so many of you Christians are so unlike your Christ."
parang facebook lang...
ReplyDelete