Skip to main content

Give us a break!


Mula sa Text na natanggap ko kaninang umaga


Reporter: Secretary Favila ano ang masasabi nyo na hindi PRO POOR ang gusto nyong added tax sa text?

Secretary Favila: Ah hindi talaga PRO POOR iyon kasi wala namang celfone ang mga poor in the first place kaya hindi talaga para sa kanila yon nyahehehehe.

Ang corny ng joke, hindi nakakatuwa, at mas lalong hindi nakakatuwa yung issue ng added tax sa text. Gusto ko sanang tanungin ng ganito si  Secretary Peter Favila:

Ano ba ang nakain mo’t pumasok pa sa isip mong lagyan ng tax ang texting? Dahilan ba yan ng Global Warming kaya ganyan ka magisip? Ba’t naman yung iba mong kasama diretso pa rin ang pagiisip? Ano namang garantiya mo na hindi ipapasa ng mga kumpanya ng telecoms ang extrang tax sa mga subscribers nila? Wala ka bang celfone? Hindi ka ba nagttext? Ito lang ba ang paraang nakikita nyo para makakuha ng additional revenue ang gobyerno? Bakit di nyo pagtuunan ng pansin yung mga smugglers saka yung mga tax evaders? Naisip nyo ba na mas maiging pagtrabahuhan nyo kung paano ika-cut na ang VAT sa mga oil products para bumaba naman ang presyo nito? O kaya i-cut nyo rin yung income tax ng minimum wage earners, marami pa ang matutuwa sa inyo pag nagkataon, o kaya magkaroon kayo ng crackdown sa mga pharmaceuticals na hindi sumusunod sa cheaper medicine act, yun naman talaga ang trabaho nyo di ba? O kaya pa-imbestigahan nyo mabuti kung sino ba talaga sa BoC at BIR ang mga corrupt, wag nyong sabihing walang buwaya dyan dahil hindi kami maniniwala.

Para kayong Philippine Rabbit busline, nakasagasa na nga aatrasan pa yung nasagasaan para iwas perwisyo.Imbes kasi na isalba nyo yung mga tao parang lalo nyo pa silang nilulubog… tapos ipagyayabang nyo na “This is Where Your Taxes Go” eh alam naman ng marami na ang kasunod nun eh “Others Go to Our Pocket” Ang kailangan ng mga tao ngayon ‘tax relief’ at hindi panibagong tax na bayarin, magisip naman kayo.

Hindi naman katanggap tanggap yung dahilan mo na ang pagkakaroon ng additional tax sa text eh para maiwasan ang pag gamit sa ‘text’ para makapanira ng ibang tao at makapag forward ng mga walang kwentang messages, that is so lame, wag mong problemahin yun dahil wala kang pakialam kung ano man ang gustuhing itext ng mga tao, ang problemahin mo eh yung trabaho mo na sa tingin ko at sa palagay ko sasangayon ang karamihan na hindi mo sya ginagawa ng maayos. Hindi ko nga alam kung bakit ka nandyan eh. Baka sayang lang ang binabayad naming buwis para pa-swelduhin ka. Mas gugustuhin na namin na kami ang maglustay ng sarili naming pera na pinaghihirapan namin kesa naman kayo pa at malamang kayo lang ang makikinabang kung sakali.

We had enough of the likes of Congressman Martin Romualdez.

Give us a break!

Seriously.











Comments

  1. Lol jowkurrr. :) Sabi daw po nung prof namin nung highschool magkakatax na daw po sa txt tapos ang isusunod daw po dun ay pagtatax sa pagupo pati paghinga sa public places.

    ReplyDelete
  2. isa pa ito! officials gone freaking mad

    ReplyDelete
  3. hasty generalization siya, at bakit ganyan siya magsalita? :))

    ReplyDelete
  4. ba un. tama un ser.. wala xang pkialam sa mga snasabi nyang "walang kwentang texts" bkt xa? may kwenta ba?! dba? tsaka ano pa silbi ng FREEDOM kung lahat na ng galaw/kilos ntin pinapakealaman?? 1M thumbs down ako sa kanila!!!

    ReplyDelete
  5. seriously.............can we do the country a big favor by offing idiots like him? Somebody send him back to school............

    ReplyDelete
  6. kung mapapansin mo si Favila yung laging nasa likod ni GMA nung trip nila sa US hehe

    ReplyDelete
  7. we'll get our chance this coming 2010 election...

    ReplyDelete
  8. haha dagdag init-ulo ito aside kay mickey mouse ah!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.