Skip to main content

Me, Myself and Ondoy


Global warming ata o climate change, pilit kong hinahanapan ng dahilan yung nangyayari nung sabado ng umaga habang nakatingin ako sa tubig na unti unting tumataas sa may Mantrade underpass, kitang kita kasi mula sa pagkakatayo ko sa MRT station, mataas na ang tubig pero malakas pa rin ang ulan, stranded karamihan ng mga pasahero, nagtataka nga ako dahil nung umalis ako ng bahay ambon lang yun, at wala akong nabalitaang paparating na bagyo, yan ang problema pag nagsasawa ka na sa balitang pulitika hindi na nagiging interesante para sa yo ang balita, kaya yung mga maliliit na impormasyong kailangan mong malaman tulad ng weather forecast eh hindi mo na rin nasusubaybayan. Anyway balik tayo sa baha, nung sabado ko lang napatunayan na hindi isang myth yung lagpas taong baha sa mantrade underpass, dahil alas onse pa lang ng umaga hindi ko na makita yung lagusan ng underpass dahil nalubog na sa tubig, at halos kahabaan ng pasong tamo sa makati eh baha na rin, di ko tuloy maiwasang isipin yung sinabi ni Binay na "ganito kami sa makati"... wala nang makakadaan dito kundi malalaking sasakyan gaya ng 4x4 pajero, bus, truck at mga sasakyang pang-dagat.

Antagal naming nakatambay sa MRT pilit naming niloloko ang mga sarili namin na hihinto rin ang ulan at huhupa rin ang baha kaya maghihintay pa kami hanggang mangyari yun, pero ilang oras na ang lumipas walang pagbabago, sa mga ganitong panahon hulog ng langit ang Mister Donut, first time kong mananghalian ng Donut at kape. Wala atang natutuwa sa nangyayari bukod sa mga tambay na nagaabang ng titirik na sasakyan, sa halagang P20 isang tao, buong puso nilang itatawid ang kotse mo palayo sa baha.

Malaki rin malamang ang kinita ng Globe, Smart at iba pang networks dahil sa kabi kabilang tawag at text ng mga nastranded, ansikip ng MRT, andaming tao, yung iba halos mag panic na, meron namang nakukuha pang magbiruan, merong busy sa pagkuha ng picture at video ng paligid na akala mo nasa mall lang, merong tahimik lang at mukhang nagdadasal, meron namang akala mo ngayon lang nakakita ng baha.

Meron pa ngang lumapit sa akin at nag tanong "Excuse me saan ang pasong tamo?", hinawi ko muna yung buhok ko saka medyo inayos konti bago sya sinagot kasi medyo cute sya, tinuro ko lang yung kalye na puno ng tubig, sabi ko "yun ang Pasong tamo, yung may baha na yun", tinanong nya uli ako "makakadaan pa ba ako doon?", ngumiti lang ako sabi ko "i-try mo",  kahit alam kong imposible na yun, ano ba naman kasing klase ng tanong yun, humirit pa sya ng tanong "lagi bang bumabaha dyan", ngumiti uli ako sabay sagot na "bihira naman, usually pag naulan lang", napatawa lang sya, feeling ko mahal na nya ko, pero walang kwenta syang kausap kaya nag rason na lang ako na itatapon ko lang yung cup ng kape na hawak ko, pero hindi na ko bumalik sa pwesto namin.

Naisipan ko nang umuwi at sumakay ng MRT pabalik ng taft, seryoso balak ko pa talagang pumasok ng mga oras na yun pero napagtanto ko na matagal pang humupa ang baha, at walang balak tumigil ang ulan,  kaya sumakay agad ako saunang tren na dumaan papuntang taft. Puro basa ang nakasakay sa MRT, pagdating sa taft, puno na rin ng tubig ang crossing ng taft at edsa, hulog uli ng langit ang footbridge, papuntang LRT, balak kong bumaba na lang ng Baclaran at duon sumakay pauwi, pero malas pa rin dahil pagdating sa Baclaran baha din kaya walang mga sasakyang pumapasada, nag abang ako saglit ng taxi pero wala talaga, kahit tricycle man lang o pedicab, walkathon na agad ang pumasok sa isip ko, mabuti na lang hindi naman ako nagiisa, madami kami, akala mo may alay lakad, ok lang din kung baha dahil karaniwan namang naka tsinelas ako pag  sabado.

Alas dose ako nagsimulang maglakad at mga bandang alas dos ako nakauwi matapos suungin ang baha at milya milyang paglalakad na halos murahin na ko ng paa ko sa sakit, ang malas ng araw ko nun naisip ko, pero nung napanood ko yung ibang nasalanta ng baha at ng bagyo naisip ko napakaswerte ko pa pala kung tutuusin. Wala sa kalingkingan ng hirap nila yung naranasan ko. Nakaresib pa ko ng text galing sa isang tropa sabi... "man pumasok ka pa ba? amp*ta inabot ako ng baha sa kalye hanggang dibdib, basa pati bay*g ko!"... mas napaisip ako ng todo at talagang maswerte pala ako, atleast, despite flooded streets, mine stayed dry.

Comments

  1. kami rin dito sa Brgy Carmona,Makati.Binaha din hanggang tuhod...hehehe! Ganito kami sa Makati...

    ReplyDelete
  2. ang di lang ata binaha eh yung mga taga Baguio...

    ReplyDelete
  3. parang mas malayo yung nilakad mo, sa akin kasi Sta. Mesa to Shaw(Pa-ortigas).
    wah! sakit sa katawan yan..

    ReplyDelete
  4. yep two hours yung lakad ko, masakit sa ankles...

    ReplyDelete
  5. gaya ng dati, nakakatuwa ang iyong mga isinusulat, reflection ito ng isang sensitibong individual at malalim na pagkatao. mabuhay ka Rick.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.