Hanga ako sa mga babaeng kayang mag make-up sa umaandar na sasakyan, pramis, yun ganung klaseng gawain eh maihahalintulad mo sa akrobatikong pagtatanghal na kaya lamang gampanan ng mga propesyunal, kaya di ko maiwasang humanga sa kanila. Kumbaga kung ipapasok sila sa trabaho, pwede silang mamasukan sa mga electronics company, mga semiconductor production ganun, yung kailangan ng good eye, hand and body coordination, maituturing silang highly skilled employees. Mahirap din yung mag eyeliner ng umuuga yung paligid mo, hawak nila sa kaliwang kamay yung salamin samantalang yung kanan naman eh dinudutdot yung gilid ng mata nila, tapos nakakabalanse pa sila ng katawan kapag pumepreno yung sasakyan. Mga ilang beses na rin akong nakakasakay ng babaeng nagma-make-up sa loob ng isang umaandar na sasakyan, kalimitan papasok sa opisina o kaya yung mga papasok sa department store, parang sanay naman silang tingnan o titigan ng ibang pasahero, o baka mas sanay ang mga pasahero na sa araw araw eh may...