Skip to main content

Amishu


Nakakamis din palang magblog ng meron kang tema, yung parang pinagisipan mo talaga saka pinagukulan mo ng panahon, napapadalas kasi yung pagtambay ko sa kabilang bahay kaya di na gaanong nakakapag sulat dito. Na miss kaya ako ng multiply? Hinde? ok.

Parang andami kasing pwedeng isulat pero hindi mo namang pwedeng ilagay sa isang lathala lang dahil baka maguluhan yung mga magbabasa, yun eh kung meron man… para kasing magluluto ka ng chopsuey na madaming ingredients, na sa sobrang daming sangkap hindi mo na malaman yung lasa ng isang sangkap sa isa pang sangkap, ayoko naman ng ganun, wala namang kwenta kung magpo-post lang ako ng ginagawa ko bawat segundo ng buhay ko, parang yung ginagawa ng ibang user sa isang sikat na social networking site, facebook? wala naman akong sinabing facebook ah, sinabi ko lang isang sikat na social networking site… malamang naka engkwentro na kayo ng ganun… yung tipong

8:00: picking my nose right now
8:02: extracting greenish thing out of my nose, hairs and all coming out…
8:05: making tiny balls out of my booger
8:08: eating my boo..

ok siguro naman na gets nyo na, parang tanga lang kasi… kaya gustong gusto ng mga stalker ang tumambay sa mga social networking sites dahil sa sobrang impormasyon ang nakukuha nila sa mga members nito. Sa bagay wala naman talaga tayong dapat na pakialam sa kung ano man ang isulat ng kung sino sa sarili nilang page dahil sa kanila naman yun, pero ano ba naman din ang pakelam natin kung ano ang ginagawa nila sa bawat minuto ng buhay nila? Sana nagdiary na lang sila kesa naman dumagdag pa sila sa basura sa net.

Gaya ng post na to basura din, wala naman talagang patutunguhan, namiss ko lang kayo, nakakataba lang ng puso na meron palang mga naghihintay ng post dahil wala daw silang magawa at isa sa pampalipas ng oras nila eh mag basa ng blog ko, hanggang ngayon feeling ko pa rin sex slave ako pag nakakarinig ako ng ganyang komento, pero salamat pa rin. Naalala ko tuloy yung teacher ko nung high school, sabi nya sa akin “hoy me blog ka daw na nakakatawa? sige nga patawanin mo ko?” napangiti lang ako pero sa loob loob ko gusto kong sabihin sa kanya “kayo nga terror na teacher dati di ba? sige nga takutin nyo ko?”, pero di ko na sinabi kasi mabait na sya sa amin ngayon.

Wala pa ring intarnets sa opisina kaya sa bahay pa rin ako nagne-net, pero di naman ako masyadong makapagblog sa bahay dahil maya’t maya tinatawag ako ni taz para gamutin kunya kunyari, ako ang paborito nyang pasyente, pinagsisisihan ko tuloy kung ba’t naibili pa sya ng doctor’s kit, pero mas maigi na yung maging kunya-kunyariang pasyente kesa pag alagain at mag hele ng mga barbie nya. Malapit na rin naman kaming makabitan ng intarnets sa opisina, we’re thinking ten years from now as time frame for that to happen, we all know those pldt guys, yeah f*ck them shitheads. O sya mahaba na to sayang ang space.

So kamusta na kayo? Funny weather we have lately nuh?


Comments

  1. hehe oo yung Baby Alive nya, pero natatakot ako dun for some reason... : )

    ReplyDelete
  2. Yes ser. Funny. Katulad kanina biglang umlan iniisip ko kung tatakbo ako bigla kaso takot nga pala tumawid tapos bigla pong umaraw haleluya tawa nalang po ako. Ako po ay self cofessed stalker at natatawa talaga sa mga posts na nakikita ko hahahahahahaha stlaker in a not so bad way tentententen

    ReplyDelete
  3. so totoo pala ang kasabihan, na matakot ka na sa buhay wag sa patay, heheheh

    ReplyDelete
  4. Hindi po hahaha lahat ng tao tinitingnan ko hahahahahahhahahahaahhaahah

    ReplyDelete
  5. pinatawa n'yo na naman ako at malamang pati yung highskul prof nio...matutuwa yun kasi sikat na siya dahil na-extra sha sa blog mo..at di halatang ayaw n'yo talaga sa facebook no?..hehehe..anyways, mas nakakatuwang malaman na ok kayo at nangungumusta pa...

    ReplyDelete
  6. salamat rhodz, so kamusta ka naman? : D

    ReplyDelete
  7. buti naitanong n'yo...ayos naman po ako, dinadalaw parin ng ka-emohan paminsan-minsan pero tuwing napapadaan naman ako sa blog n'yo e nabubuhay ang diwa ko (hehe..neks nemen!) ^__^

    ReplyDelete
  8. emo? kaya ba ganyan ang profile pic mo? hehe... masyadong maikli ang buhay para magpaka emo tayo ;P

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...