Maaari kong isalarawan yung balemtayms namin ni wifey sa isang salita, 'uneventful' oo uneventful pero we don't mind. Kailangan ko kasing magtrabaho sa araw ng linggo dahil sa may event kami ng lunes at parang me kung anong nilalang na nagbiro at kailangan din ni wifey na pumasok sa araw ng linggo para asikasuhin ang mga ilang bagay kaya we kiss balemtayms goodbye nung sabado pa lang. So yun nga solo flight kami ni wifey nung linggo, habang nagbibigayan ng mga bulaklak at mga lobong hugis puso sa labas eh nag le-left justify ako ng mga layout. Normal naman ang umaga ng araw ng mga puso, pag uwi ko kinagabihan, dun ko talaga nakita yung balemtayms na sinasabi, mga magpartner na holding hands na naglalakad, yung babae me hawak na bungkos ng rosas na akala mo ms universe ang dating, yung ibang nakasakay ko sa jeep ganun din, yung iba may hawak na lobong hugis puso o kaya box ng chocolate, halos karamihan din naka pula, kung saan patungo ang mga magpartners eh sila lang ang...