Maaari kong isalarawan yung balemtayms namin ni wifey sa isang salita, 'uneventful' oo uneventful pero we don't mind. Kailangan ko kasing magtrabaho sa araw ng linggo dahil sa may event kami ng lunes at parang me kung anong nilalang na nagbiro at kailangan din ni wifey na pumasok sa araw ng linggo para asikasuhin ang mga ilang bagay kaya we kiss balemtayms goodbye nung sabado pa lang.
So yun nga solo flight kami ni wifey nung linggo, habang nagbibigayan ng mga bulaklak at mga lobong hugis puso sa labas eh nag le-left justify ako ng mga layout. Normal naman ang umaga ng araw ng mga puso, pag uwi ko kinagabihan, dun ko talaga nakita yung balemtayms na sinasabi, mga magpartner na holding hands na naglalakad, yung babae me hawak na bungkos ng rosas na akala mo ms universe ang dating, yung ibang nakasakay ko sa jeep ganun din, yung iba may hawak na lobong hugis puso o kaya box ng chocolate, halos karamihan din naka pula, kung saan patungo ang mga magpartners eh sila lang ang nakakaalam, isa lang ang sigurado... ang balemtayms eh kumikitang kabuhayan para sa ilang negosyanteng kuma-capital sa mga bulaklak at chocolates at ilang establishments na sandamukal ang promos.
Nag LRT na nga lang ako dahil alam ko matrapik sa EDSA lalo na banda dyan sa may Harrison dahil alam nyo naman yung kahabaan nyan eh puro mga casa so malamang isa sa mga nakasalubong kong magpartner eh doon ang tungo gaya ng maraming magsing-irog dahil alam nyo naman sa mga lugar na tulad nito... uhm... free ang wi-fi... gaya ng nakasulat sa mga karatula nila, "Overnight Stay P140... with Free Wi-Fi" although i doubt kung magiinternet yung mga pupunta dun hehe...
Pero kahit ganun ang nangyari sa balemtayms namin ni wifey ok lang naman dahil matagal na naman naming inabandona ang ideya ng balemtayms, siguro mga apat na taon na naming hindi to sine-celebrate, ayos lang magkipagbatian, masabi lang na nakikibalemtayms ka na rin pero yung okasyon siguro eh hindi na namin pinapansin, nagiging ordinaryong araw na lang ito para sa amin. Masyado na kasing nagiging commercialized ang balemtayms, gaya ng pasko nawawala na rin ang esensya nito, sabi nga ni Ging it has become a capitalist ploy to coerce blindly in love people to splurge so much on someone on a meaningless day, pero di naman ako kasing bitter nya, umaagree lang ako sa sinasabi nya.
Hindi na kami naniniwala sa balemtayms, ayokong maniwala na ang pagibig ay kadalasang sinusukat na lang sa isang bungkos ng bulaklak na pinalamutian ng matatamis na mensahe at mga tsokolateng hinugis na puso na nilagay sa magarang kahon, ayokong maniwala sa pagibig na sinusukat sa magarbong hapunan sa isang mamahaling restawran o sa pagibig na pinagsasaluhan sa isang kwartong inupahan, ayokong maniwala na ang pagibig ay dinadaan sa isang pinaghandaang okasyon na pinagdiriwang sa isang araw sa loob ng isang taon.
mas naniniwala ako sa pag-ibig na binibigay nito...

lalo na nito...

mas naniniwala ako sa pagibig na nadarama bentekwatro oras sa loob ng tatlong daan animnapu't limang araw kada taon...

Mag-ina nga sila. Hahaha!!!
ReplyDeletesila ang magpapatunay na me asim pa ako :))
ReplyDeleteHahahaha!!!
ReplyDeletesabi nga sa kanta .. "sowing the seeds of love..."
ReplyDeleteps. super cute naman ni wifey and taz!! :D
nice one partner!
ReplyDeleteWaaaaaaahhhhhhhhhhh...namiss ko toh sir rick...enjoyed reading this one...belated happy hearts day!!! =)
ReplyDeletesimpleng tao, tahimik na buhay, may minamahal, minamahal, masayang pamilya at tunay na pag-ibig - the best things in life are free, congrats rickitick, you've got them all in a bundle. Cheers! parekoy.
ReplyDeletetears for fears wooohooo...
ReplyDeletesalamat atty!
ReplyDeleteting!!! pasensya na't di kasi ako natambay sa pesbuk hehe
ReplyDeletesalamat ser luis!!!
ReplyDeleteHehe ok lang sir rick, I'll try to visit your site often,hehe...ingats lage sir and kampai!!! =)
ReplyDeleteayos ting kampai!!!
ReplyDeleteangkyut ! may kambal po pala kayo .. (first at 2nd pic) heheheheheh .. :D
ReplyDeletehaha parang pinagbiyak na bunga ba?...
ReplyDelete\m/,
ReplyDeleterock n' roll yang sign na yan di ba? (sana tama ako para di naman ako mag mukhang gurang na...)
ReplyDelete