Skip to main content

Til the fat lady sings..


Hindi ko alam kung napaglaruan ba ako nung sumakay ako ng jeep kagabi at halos kalahati lang ng pwet ko yung nakaupo, waluhan daw yung jeep sabi ng driver pero alanganin naman sa walo, ayoko na namang bumaba dahil pinaharurot na ng driver yung jeep at isa pa mahirap nang sumakay ng ganung oras saka tinatamad na akong bumaba. Napansin ko, ang problema pala eh malulusog halos ng nakasakay sa jeep, ibig sabihin yung jeep na pangkaraniwang waluhan eh nagiging pituhan na lang dahil nga puro light heavyweight to heavyweight yung mga nakasakay ko kung ira-rank mo sila sa boxing, sa hanay ng upuan namin ako lang ang pinaka-payat, kumbaga sa handaan pag pinagsama-sama mo kami sa isang lamesa eh mao-OP ako sa kanila.

Mahirap pa namang umupo ng kalahati lang ang pwet mo ang sumasayad sa upuan, para kang naka-squat, kaya medyo naghihimutok ako, kasi pakiramdam ko eh pinagkaitan nila ako ng karapatang umupo ng komportable sa upuang binayaran ko naman ng husto sa minimum fare. Wala naman akong balak mang mata ng mga malulusog na nilalang, naisip ko lang marso na eh bat hindi pa natutunaw ang mga taba sa katawan ng mga taong ito mula dun sa mga kinain nila nung holiday season, hindi ba sila tinatablan o naantig man lang ang mga damdamin nila ng mga slimming ads na naglipana na tv at mga dyaryo? dapat ko bang sisihin ang Mang Inasal dahil sa promo nilang unlimited rice? Kung magbubuo nga ng dance group tong mga nakasakay ko sa jeep bagay silang tawaging ‘Extra Rice Dance Crew’.

Hindi din nakakatuwa yung katabi kong babae na natutulog dahil kumikiling sya sa akin, eh kamusta naman ang timbang nya eh halos di na nga ako nakakaupo eh nagpapabigat pa sya, yung nasa harapan ko nga nakatingin sa akin na medyo nangingiti, dalawang bagay lang ang naisip ko, karas nya ko o di kaya siguro nasa isip nya “you’re really in deep shit now!” kasi parang ngising demonyo. Naaawa din ako sa estribo ng jeep dahil lumalangitngit na at parang gusto nang humiwalay sa pagkaka screw sa kisame ng jeep dahil lahat halos naka kapit dun, at mas lalong nakakaawa ang makina ng jeep lalo na sa mga pagkakataong ang daan eh pa-ahon, di naman ako mekaniko para malaman na hindi normal ang takbo ng makina pero sa tunog pa lang alam mong hindi pangkaraniwan yung pinagdadaanan ng makina.

Nung kinuwento ko ke wifey sabi nya eh inggit lang daw ako dahil sila tumataba at ako eh payat pa rin, oo payat ako pero hindi naman ako naiinggit, at gaya ni Kim Chiu ayoko din namang tumaba. Sa pamilya namin ako lang ang payat, ni hindi ko naranasang tumaba kahit kelan, nasubukan na nila nanay lahat para patabain lang ako pero hindi sila nagtagumpay. Actually mahina talaga ako kumain, kung yung mga nakatabi ko sa jeep eh ume-extra rice ako isang cup lang ng rice minsan di ko pa maubos, sabi ng doktor namin dati, maliit daw ang tyan ko kaya hindi gaanong maka-take ng food at madali daw akong mabusog, kaya mula nun sumuko na si nanay sa katotohanang hindi na ako tataba. Sabi ni tatay pag nagkaasawa daw ako at nagkaanak eh tataba din ako, sana nakipagpustahan ako sa kanya ng malaki para nanalo ako, dahil hindi naman nangyari yung sinabi nya.

Ok naman ako sa katawan ko, alam ko naman na bawat tao eh kakaiba talaga ang itsura sa iba, pero sabi naman ni auntie kailan lang, tumaba na raw ako kahit pano, medyo nagkalaman, totoo naman yun dahil mula 115lbs eh 121lbs na ko sa ngayon, so ibig sabihin meron pa talagang chance na tumaba ako, baka sakali ring dumating ang araw eh mag bago ang movement ng molecules ko sa katawan at maisipang lumabas ng mga laman laman ko, bata pa naman ako madami pang pwedeng mangyari, as the saying goes, the show is not over until the FAT lady sings… pun not intended.


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.