Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2010

May

Gusto ko sanang sumulat tungkol nung nakaraang May 8 para ipagmayabang sa mga kaibigan kong baog na isang buwan nang buntis (uli, our second) si wifey sa pinagdadasal naming baby boy, pero saka ko na isusulat dahil masyado pa akong excited hanggang sa ngayon. Gusto ko rin sanang sumulat tungkol nung nakaraang May 9 para parangalan ang mga "ilaw ng tahanan" at para na rin mabati sila wifey at nanay sa intarnets, pero binati ko na lang sila ng personal at tinext ang iba pang nanay na malapit sa akin dahil alam ko namang bihira silang magbasa ng blog ko... uhm minsan pa nga eh hindi talaga sila nagbabasa. Gusto ko rin sanang sumulat tungkol sa nakaraang May 10, araw ng botohan, unang automated poll sa bansa, pero naharbat ng isang oras at mahigit kong pagpila sa presinto ang anumang "will" ko sa katawan para makasulat ng tungkol dito, isa pa medyo na-anticipate ko na, na madaming magbblog tungkol sa election, corny na pag sumunod pa ako, malamang maglilipana sa net a...