Gusto ko sanang sumulat tungkol nung nakaraang May 8 para ipagmayabang sa mga kaibigan kong baog na isang buwan nang buntis (uli, our second) si wifey sa pinagdadasal naming baby boy, pero saka ko na isusulat dahil masyado pa akong excited hanggang sa ngayon.
Gusto ko rin sanang sumulat tungkol nung nakaraang May 9 para parangalan ang mga "ilaw ng tahanan" at para na rin mabati sila wifey at nanay sa intarnets, pero binati ko na lang sila ng personal at tinext ang iba pang nanay na malapit sa akin dahil alam ko namang bihira silang magbasa ng blog ko... uhm minsan pa nga eh hindi talaga sila nagbabasa.
Gusto ko rin sanang sumulat tungkol sa nakaraang May 10, araw ng botohan, unang automated poll sa bansa, pero naharbat ng isang oras at mahigit kong pagpila sa presinto ang anumang "will" ko sa katawan para makasulat ng tungkol dito, isa pa medyo na-anticipate ko na, na madaming magbblog tungkol sa election, corny na pag sumunod pa ako, malamang maglilipana sa net ang mga picture ng hintuturong may indelible ink.
Gusto ko rin sanang mag sulat tungkol nung nakaraang May 11 kung saan naging limang taong gulang na si Taz, ang aming panganay, kaya lang tinatamad na ko. Kaya babatiin ko na lang sya dito sa blog ko para pag lumaki sya at natuto na syang mag intarnets eh mababasa nya to at masasabi nyang meron syang isang amang intelektwal...
H4Ppy bH!r7Hd4yz toH j00 Taz! jejejeje!!!
hpI BRthday 2u tAz~ Lolz! G0D BLeSZ u LolZ! :D
ReplyDeletejeje-greeting courtesy of tagalog-jeje translator - http://kalokohan.guissmo.frih.net/jologs.php
hi rick, binabati kita sa lahat ng tagumpay na hindi kayang tumbasan ng salapi, katulad ng isang masayang pamilya, maganda at ulirang asawa, isang anak na pumapawi ng pagod sa maghapong paghahanapbuhay at nagpipinta ng ngiti sa iyong mga labi at galak sa iyong puso. Binabati kita dahil isa pang supling, buhay na pumipintig sa sinapupunan ng iyong asawa, isang bagong bunga ng inyong pagmamahalan at isang pagpapatunay na ikaw ay isang matikas at pinagpalang lahi na Adan. Binabati kita dahil isa kang mabuting asawa, mabuting ama ng iyong mga anak at mabuting anak ng iyong ina at ama. Mabuhay ka Rick! tagay at tagay pa. :-)
ReplyDeletem4LigEyaNg BaTi fp0uHh!
ReplyDeletehaha!
God bless po sa iyong pamilya :)
masyadong memorable ang mayo para sa inyo!jejeje...
ReplyDeletehaha nakakahawa...
ReplyDeletesir luis, as usual inspiring words of wisdom from you, th3nkz phowz... : D
ReplyDeletehaha hindi ako magaling sa jejemon lingo, is that bad?
ReplyDeleteoo nga eh, tapos magbebertdey pa yung kapit bahay namin... pero wala nang koneksyon sa amin yon...
ReplyDelete