Skip to main content

Suplado sa personal

Minsan mangyayari sa buhay mo na may makakausap kang tao at maiisip mo, “ito na ang huling pakikipagusap ko sa taong to”, hindi mga bumbay ang tinutukoy ko, kundi yung mga taong sensitibo sa puna ng iba. Kadalasan kasi masyado nating minamasama kapag may ibang pumupuna sa atin, pisikal na anyo man o kahit sa ugali, madalas tinatawaran natin itong insulto o pangmamaliit sa pagkatao, sabi nga sa libro dapat tinatanggap natin ang mga puna ng ibang tao para ayusin o pagbutihin natin ang ating mga sarili, yun ang tama yun ang mas ayos.

Mga ilang linggo na nakalipas nung magka-ayaan kami nung kaibigan ko na lumabas para makapagrelax, napadpad kami sa harap ng building ng isang malaking istasyong pantelebisyon sa bansa, dun kasi sya nagtatrabaho kaya komportable sa kanya kung duon kami magkita, isa pa mura ang isang bucket dun kumpara sa ibang bar, masaya naman ang kwentuhan, kamustahan tungkol sa buhay buhay, masarap ang sisig, saka yung pusit, nagko-compliment sa beer ika nga, ito yung senaryo na lagi kong pinapangarap tuwing biyernes ng gabi.

Maya maya tumawag yung isang kaibigan ng kaibigan ko at nagpahiwatig na gusto rin nilang maki-join sa amin, tinanong ako ng kaibigan ko kung ok lang ba daw na may sumalo sa amin, sabi ko naman ok lang sa akin, the more the merrier diba (manier sana sasabihin ko kaya lang naisip ko gasgas na gasgas na yun). Mga ilang oras pa, dumating na yung sinasabi ng kaibigan ko, medyo nabigla ako dahil parehong chicks pala, kala ko male species din, so mas ok naisip ko, para hindi lang kaming dalawa ng kaibigan ko ang nagbobolahan.

Enjoy naman sila kausap, mga ilang beer din ang naubos namin, hanggang masaraduhan na kami ng bar dahil alas dos na ng umaga, akala ko maguuwian na din kami nang biglang magaya yung dalawa para lumipat sa ibang bar na bukas, ok lang naman sa akin tutal wala naman pasok kinabukasan, kaya lumipat nga kami sa ibang bar, medyo malalim na ang kwentuhan namin ng biglang naisingit ng kaibigan ko na magkapatid pala sila, sumangayon naman ang dalawa sabay sabi ng isa na sya daw ang panganay, duon ako nabigla dahil buong pagaakala ko yung mas chubby ang mas matanda, base na rin sa itsura nilang dalawa kung ipag kukumpara sila, “akala ko ikaw yung mas matanda eh! haha” sinabi ko sa kanila, dun biglang tumahimik yung isa. First time kong nakakita ng babaeng umistreyt ng inom sa isang bote ng beer, “mukhang na-offend ata” bulong ko sa kaibigan ko, “hindi yan pre ok lang yan.” sabi ng kaibigan ko, “pare inistreyt yung isang bote ng beer, hindi normal  yun paano mo sasabihing ok lang yan?” sagot ko uli.

“Yun talaga ang akala ko, i’m just saying…” sabi ko, “well it’s a bad remark” pinutol nya yung pagsasalita ko, “well i’m sorry for that, i didn’t know you’re that sensitive…” sabi ko uli, “its not about me being sensitive, it’s about you being a total jerk!” sagot nya uli tapos biglang tumayo at umalis. Nagulat ako nun, nagisip-isip, sabi ko sa sarili ko, ano ba yung ibig sabihin ng ‘jerk’? Oo nag-inglesan kami, buti na lang nakainom ako, magaling ako magingles pag nakainom. Eh yun naman talaga ang tingin ko sa kanila, mas mukhang bata yung isa kesa sa kasama nya, kung pagbabasehan ko yung pisikal na na anyo nilang dalawa. Hindi ko na inisip, inubos ko na lang yung beer ko at nagpaalam na lang ako sa kaibigan ko at nagtaxi pauwi.

Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakasalamuha ng taong ganung ka sensitive, di ko nga alam kung sensitive nga sya o insecure lang siguro, o siguro dahil medyo me kalangaun na rin sya nung oras na yon. Mga ilang araw ang nakalipas nung nagkita uli kami ng kaibigan ko, dumalaw sya sa gallery, normal naman sa amin yun dahil madalas sya dun, wala na sa isip ko yung nangyari nang bigla nyang pinaalala uli, pinarating nya yung paghingi ng paumanhin nung kaibigan nya, sabi ko hanep me messenger pa, pero tinanggap ko naman, sabi ko wala yun, pero humirit pa sya sabi nya na susunod daw yung dalawang kaibigan nya sa gallery, hindi ako sumagot, dali dali akong bumalik sa kwarto ko at nag patay ng computer, bago pa man sila makarating sa opisina, umalis na ko at binilin na lang sila sa boss ko, sabay sibat papauwi. Sabihin nyo nang suplado ako pero yung ganung klase ng tao ang binabanggit ko nung una… para sa akin yung una naming pagkikita, yun na rin ang huli… me pa jerk jerk pa syang nalalaman.


Comments

  1. "mura ang isang bucket dun kumpara sa ibang bar"....tsk tsk tsk idol!

    ReplyDelete
  2. first impressions last, literally hahah

    ReplyDelete
  3. ganun talaga yata,marami ka mammemeet pero konti lang yun ok makasama he he!thanks!

    ReplyDelete
  4. “pare inistreyt yung isang bote ng beer, hindi normal yun paano mo sasabihing ok lang yan?” -sasabihin ko sana, baka manginginom lang na tunay si ate XD

    Chubby rin ako pero pag sinabihan ako nun, isang tumatawang "Puhutang Inah :))" lang maririnig sakin tapos thrash talk on na =) walang hard feelings. Walang jerk-jerk. haha

    ReplyDelete
  5. medyo kailangan talagang salain hehe

    ReplyDelete
  6. me mga tao talagang balat sibuyas hehe... pet peeve ko yung mga ganung tao...

    ReplyDelete
  7. E kase po mabagal na yung date. Hahaha!!!

    At saka gagawin ko na pong parang Online Portfolio ko since wala ko pambili ng website =)

    ReplyDelete
  8. tingin ko baka napuno lang ng critisism ang araw ng taong yun..isipin mo sa tuwing kasama nia ang kapatid niya at puro gnun ang komento, malamang naging issue na s knya un..hay!bsta ang alam ko at paborito ko yung bandang the jerks!hehe..

    ReplyDelete
  9. aahhhhh kala ko nalimutan mo yung password mo gaya nung iba kong kakilala hehe

    ReplyDelete
  10. ahaha! natawa ko ng bongga sa taong nkasalamuha mo rick.

    minsan k nga lang mgsalita eh, nasabihan ka pang JERk? sana tinanong mo n cia kung anong ibig sabihin nun! nag-e-english na pala eh! errr!!! kakagigil! haha!

    ReplyDelete
  11. yeah shes somekinda like that sensitive y' know... : ))

    ReplyDelete
  12. ahhhahaha..kalurki! =) dapat naginuman din tau nung nagkita tau kuya rick.. hehhe

    ReplyDelete
  13. eh kasi iba na ata tambayan mo eh hehe... sa susunod na pagkikita inom tau, pati si kidlat!

    ReplyDelete
  14. heeh.. sumisilip silip pa rin ako d2.. mejo nalimit sa pagoonline nung naging mommy na.. sige sama kidlat!!!

    ReplyDelete
  15. ah oo nga mahirap nga pag me chikiting na, pero enjoy yan...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...