Skip to main content

Para sa yo



Aaminin ko nung nag aya kang mag-inuman sinabi ko na may gagawin ako pero ang totoo nakipaginuman ako sa ibang tao. Ang bad ko no, eh kasi naman alam ko na may problema ka nanaman sa boyfriend mo at yun na naman ang paguusapan natin. Hindi naman sa ayaw kitang damayan pero yung problema mong yan e since time immemorial pa, pang ilang boyfriend mo na ba yan? Paulit ulit lang, hindi ka naman nadadala, so kung iisipin mo talaga, lahat ng sinabi namin sa iyo eh nababale wala lang, nasayang lang yung laway namin. Yung problema mong yan parang baha sa Pilipinas, alam mo naman ang solusyon ayaw mo lang gawin, kaya pag umulan, baha uli.

Baka lang this time kailangan mong solusyunan yang problema mo ng nagiisa, siguro masyado kang umaasa sa sasabihin ng ibang tao sa iyo, masyado kang naghihintay sa mga payo, pero ang totoo eh ikaw lang makakasagot sa mga tinatanong mo. Ba’t di ka mag simula sa sarili mo, subukan mong kausapin yung sarili mo, pero wag in public dahil mukha ka namang tanga nun, sa isip lang, magnilay-nilay ka, sagutin mo yung mga tanong mo, kung kailangan mong isulat sa papel at bigyan ng surprise quiz yung sarili mo eh gawin mo. Isipin mo yung nangyayari sa iyo, yung mga problema mo, isulat mo sa one half sheet of paper, crosswise, kung kailangan mong gawan ng powerpoint presentation gawin mo, basahin mo ng paulit ulit hanggang malimutan mo na ikaw ang nagsulat nun, tapos saka mo isipan ng solusyon yung honest to goodness na ipapayo mo sa isang taong may ganung klaseng problema. Di ko pa nattry yan pero parang exciting gawin, try mo.

Ang totoo naiirita ako sa pinaggagagawa mo sa buhay mo, andun na ko, naghahanap ka talaga ng ‘the one’ para sa iyo simula nung iwan ka ng asawa mo’t sumama sa iba, oo na, malupit sa iyo ang pag-ibig (ang mundo in general?), mahirap yun, pero andyan naman yung naging resulta ng pagiibigan nyo (at resulta ng panonood nyo ng “Ligaya ang Itawag mo sa Akin”), andyan yung mga anak mo, ba’t di sila ang pag tuunan mo ng atensyon. Sila yung pag buhusan mo ng kung ano pang pag-ibig ang natitira sa iyo, hindi dun sa mga lalakeng nakikilala mo sa internet. Tapos mag tatanong ka pa kung paano ka liligaya, siguro i-define mo muna sa sarili mo kung ano yung ‘happiness’, dahil mula dun mage-gets mo na yun eh, wag mong i-asa sa ibang tao yung kaligayahan mo, kung sa tingin mo liligaya ka pag may boyfriend ka eh napaka-fake naman ng happiness na hinahanap mo, kahit siguro si John Lloyd yung maging boyfriend mo eh hindi pa rin tiyak na ikaliligaya mo yun, si Basya nga di nya napaligaya ikaw pa... mas nagiging komplikado pa nga yung buhay mo pag may boyfriend ka, iisipin mo pa yun, lo-loadan mo pa... ang sinasabi ko lang naman eh wag kang mag hanap, hayaan mong bigyan ka ni Lord, hindi naman madamot si Lord eh ibibigay nya rin yan sa tamang panahon, wag mong isipin na mame-menopause ka na... dadating din yan... yung boyfriend... saka yung menopausal period mo.

Isipin mo lagi na wala sa kalingkingan ng problema ng mga nagugutom sa Africa yung problema mo, wag na wag mong iisipin na umiikot sa iyo ang mundo at titigil ito pag naheart break ka, dahil ang totoo bukod sa amin na kaibigan mo at ilan sa pamilya mo the rest of the world doesn’t give a flying shit about you or your problems. Isa lang ang sigurado, yang problema mo lilipas din yan, hindi masamang malungkot pero malungkot ka sa mga bagay na dapat ika-lungkot talaga, kung ikakaligaya mo ang pagkakaroon ng boyfriend then go, hindi ka namin pipigilan, pero isipin mo din, naka ilang boyfriend ka na ba? Lumigaya ka ba? Alam kong sasangayon ka na mas nakaka-depress pa nga di ba? Yang heartbreak mo bukas makalawa wala na yan, sabi nga nila eh ‘Puso lang yan... malayo sa bituka’, pag ok ka na saka tayo mag inuman... ako taya.



Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.