Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2012

Beer Fairy

Malakas ang ulan nun kaya takbo kami papunta sa sasakyan nya, eh di pa kami makapasok dahil maliit yung espasyo sa parking sa pagitan ng mga sasakyan kaya medyo nabasbasan pa kami ng ulan bago kami nakapasok sa sasakyan, blessing daw yun, yung maulanan, wala sa lohika pero alam ko kung sino ang taong blessed pag nakita ko, at nung gabing yon isa sa aming tatlo yun. " Matakot na kayo, magddrive ako ng nakasapatos ", alam namin kasi na sanay syang mag drive ng nakayapak, inunahan na nya sa pagpihit yung mga sasakyang parating, " Padaanin nyo ko nakainom na ko, babarilin kayo ni alien sige " sinasabi nya sa mga sasakyang biglang napahinto sa pag pihit nya sa kalsada, sabay tawa lang kami. Ganun talaga ang pagkakakilala ko sa kanya, masayahing tao, meron palaging hirit sa mga bagay bagay, kung di mo sya kilala mayayabangan ka sa asta nya, pero kung matagal mo na syang nakasalamuha, natural lang sa kanya yung ganon. Binigyan daw nya yung sarili nya ng anim na buwan...