Skip to main content

Chicks Dig Guys with Umbrella on a Rainy Night



Tatlong araw na akong nauwi ng naulan at sa totoo lang eh hate ko ang ulan (pero I always thank God for it), mawawala din naman ang pagka badtrip mo eventually dahil maaaliw ka din sa iba’t ibang nangyayari sa paligid mo pag umuulan, madami kang mae-experience at mawi-witness na entertaining scenes sa paligid, all of which I converted to rainday Do’s and Don’t.

 

1. Gaya ng title nito, if you’re a guy, make it a habit to bring umbrella lalo na pag ganitong naguu-ulan. Sa obserbasyon ko 50% ng female of the species eh hindi rin nagdadala ng payong kahit na naulan, ewan ko kung bakit, pero mataas ang probability na meron sa yong makikisukob na chicks, base yan sa experience ko nung nakaraang miyerkules, oo chicks dig guys with umbrella on a rainy night.

2. If you’re a girl at student kayo ng nursing or any course in any school na all white ang uniform nyo, make sure na may dala kayong payong pag na-ulan kung ayaw nyong maging instant ‘see through’ ang suot nyo pag nabasa kayo.

3. In relation to number 2, If you’re a girl at student kayo ng nursing or any course in any school na all white ang uniform at di nyo talaga trip magdala ng payong kahit naulan, iwasan nyo sana na mag suot ng pink polka dots na ‘bra’, ang sagwa kasing tingnan pag nabasa ng ulan, parang lahat ng tao gustong maglaro ng ‘connect the dots’.

4. Kung isa kayo sa mga taong pinagwelgahan ng buhok sa ulo, in short, kalbo, at wala kayong payong, iwasan nyong gumamit ng dyaryo bilang panangga sa ulan dahil pag nabasa to lilipat sa bumbunan nyo yung newsprint, ang sagwa din tingnan pramis.

5. Kung naabutan kayo ng ulan sa bandang MRT (Edsa station), malamang na-experience nyo na yung magsilapitan sa inyo yung mga batang nagbebenta ng P50 na payong, sila yung halos idutdot na sa mukha mo yung payong para lang bilhin mo. Kung magpapa-uto ka, dalawa na ang bilhin mo, wag mo na itanong kung bakit, basta dalawa ang bilhin mo… don’t tell me I didn’t warn you…

6. Iwasan ang mag tanong ng “Nabasa ka ba?” sa kaibigan o sa taong obviously eh basang-basa na ng ulan… nakakairita pramis…

7. Sa jeep, iwasang tumabi sa Bumbay na nabasa ng ulan… not unless you prefer the smell of the likes of let say, durian. Iba ang amoy nila, nakapit, yung tipong kahit na sa panaginip mo maaamoy mo pa rin. Ironic naman ang Bumbay na walang payong na dala.

8. Rainyday equation: puddle of rainwater + fast car = very wet bystanders. Be alert!

9. Kung may suot kang water resistant na jacket with hood, siguraduhing walang tubig ang hood bago isuot, kung ayaw nyong mapagtawanan hehehe.

10. Iwasan nyo nang bumili ng ice frosties pag na-ulan… hindi nyo rin ma-eenjoy… for some obvious reasons.

11. Kung makapal ka mag make-up at paglabas mo ng bahay nyo eh makulimlim na, siguraduhing may dala kayong payong, kung ayaw nyong magmukhang zombie pag nabasa kayo ng ulan.

12. Wag na wag kayong maglalagay ng Panda ballpen sa likod na bulsa ng maong nyo, madaling mag- tae ang ganitong ballpen. Walang kinalaman to sa ulan pero ung nakasakay ko ganun yung nangyari. Wala ka nang ballpen may stain pa yung pantalon mo.

 

Keep these things in mind.

Comments

  1. HAHAHAHAHA!!!!

    question: ano dapat ko bilhin na bolpen?

    ReplyDelete
  2. Base po sa experience ko maganda yung Bic hehe pero lahat ata ng ballpen nagtatae pag nilagaysa likurang bulsa ng pantalon... di ko lang po alam kung me kinalaman to sa dahil malapit sya sa pwet?

    ReplyDelete
  3. HAHAHAHAHA!!!!! ulit

    ok. makes sense nga. thank for the advise. i'll remember that always.

    lamo rick, i think you're so funny that i'm contemplating in organizing a "rick hernandez fans club, mataas na kahoy chapter". kami ni vix sure na mag-join. magre-recruit pa kami ng iba.

    ReplyDelete
  4. HI!

    uhm, i wud like to join RICK'S FANS CLUB!!!

    HAHA!!!

    ReplyDelete
  5. waaaaaaahhhhhh patay tayo dyan!!! LOL!

    ReplyDelete
  6. may meeting next month para sa activities ng club. bawal ang absent.

    ReplyDelete
  7. "iwasan nyo sana na mag suot ng pink polka dots na ‘bra’, ang sagwa kasing tingnan pag nabasa ng ulan, parang lahat ng tao gustong maglaro ng ‘connect the dots’."

    hindi ko to kinaya hahaha!

    ReplyDelete
  8. Very natural.....rick, post this to our e groups im sure they will all die laughing again.

    ReplyDelete
  9. oo hahaha ako di ko rin kinaya yung girl na me pink polka dots na bra hehehe

    ReplyDelete
  10. hehe sige post ko one of these days... musta si ogie? hinanap ba ko?

    ReplyDelete
  11. Hindi naman sya nakalapit sa amin para maki chicka kase dame nya guest, nung nakita nya kame kumaway lang and sumensyas na magenjoy daw kame....nung paalis na kame kumaway lang din kame na uuwi na din kame...ganti ganti lang kase hindi sya lumapit sa amin....hehehehe...we wento to moa after

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.