Di pa siguro natatanggap ni ermats na nasa kalagitnaan na ko ng aking adulthood kaya nagugulat pa rin sya tuwing nakikitang mahaba na ang tubo ng bigote ko, "Mr swabe ikaw ba yan?!" sabay tawa, asar talo ako lagi, di ko naman pwedeng patulan dahil sya ang nag-isponsor ng pag-laki ko kaya tamang pasensya na lang. Ano naman magagawa ko kung automatic tumutubo ng 1mm ang bigote ko everyday, kahit kaka-ahit ko lang kinabukasan meron uli, ayoko namang mag-clean shave" dahil mukha daw akong bading. Meron kasi talagang lalaki na hindi bagay ang walang bigote, meron din namang tao na masagwa ang may bigote lalo na sa babae, kwidaw ka nga daw pag yung jowa mo me beard marks hehe. Once a week lang ako kung mag rough shave then the rest of the week pinababayaan ko nang tumubo yung bigote ko, di naman sya natubo ng mahabang mahaba, actually very discreet pa ngang maituturing yung tubo ng bigote ko kumpara sa iba, enough lang siguro para magmukha akong pogi lalaki. Naalal...