Two days na lang balemtayms na! Malamang makakaranas tayo ng ilang small scale earthquakes come balemtayms day mula sa ating friendly motels, parang simultaneous combustion, oo aminin man natin sa hindi, ang motels ang pinaka sikat na destinasyon tuwing balemtayms, dinaig pa nito ang Tagaytay o kaya Baguio, mas accesible kasi, yun lang naman ang pinupunto ko. Parang me wrestlemania lang o kaya UFC.
Are you ready? Lets get it on!
Yung kakilala ko nga na madalas bumisita sa mga motels eh me codename pa sila ng misis nya pag nagkayayaan sa motel, ang tawag nila dito eh "Happy Meal", para daw pwede nilang pag-usapan ang tungkol dito ng hindi nakakahiya at walang malisya, parang "Tara happy meal tayo!" ganun lang, casual na casual.
Sa totoo lang sa tanang buhay ko eh hindi pa ko nakakapasok ng motel, oo pramis peksman hope to die! Kahit kami ni wifey hindi pa namin nasusubukan ang motel, sa hotel oo pero sa motel hindi pa. Ah nakapasok na nga pala ako ng Victoria court isang beses... pero yun eh dahil nag-shoot kami... i mean nag photo shoot kami ng kakainin... i mean mga pagkain... ire-rephrase ko na lang, nag punta kami sa Victoria court dahil nagphoto-shoot kami ng mga pagkain, ayun, wheew.
Me promo kasi silang free breakfast or lunch or dinner if nag stay ka ng more than three hours, nalaman ko yun dahil sa naging project namin ito pero hindi dahil suki ako dun ok, nililinaw ko lang. Puro Filipino cuisine pa nga ang mga available sa kanila gaya ng nilaga, sinigang, kare-kare, adobo tsaka yung spaghetti na matamis yung sauce, pinoy style. Iniisip ko lang, hindi kaya ma-empacho yung mga nagiistay dun? Kakakain lang tapos kakain nanaman LOL! Ngayon lang nagkakaroon ng sense sa akin yung codename na "happy meal" nung kaibigan ko.
Nagtataka lang ako kung bakit me 'court' pa sa dulo yung Victoria, o kaya yung ibang motels me 'court' din na karugtong yung pangalan nila. Alam ko kasi pag court, 'hukuman' sa tagalog or court sa sports gaya ng 'basketball court' kung saan naglalaro ng basketball... basketball?... aaaaaahhhhhh (with eyes wide open) alam ko na kung bakit nila nilalagyan ng 'court' sa huli ng pangalan nng motel!
Minsan na cu-curious ako kung ano ang itsura ng loob ng mga kwarto sa motel, uso pa naman ngayon yung themed rooms di ba, kasama kaya costumes dun tsaka props? Yung tipong pag cowboy theme me cowboy hat tapos meron din cowboy booths with matching pistols and ropes, kung fairytale theme dapat merong gown yung princess, tapos merong crowns and swords yung prince, kung creation of the world naman dapat merong... uhm... ano ba meron sila Adam and Eve noon bukod sa ahas?
Anyways bukod sa themed rooms eh malamang andyan pa rin yung iconic rooms with mirror ceiling, kung para saan yung mirros ceiling eh gaya nyo hindi ko rin alam, siguro para pag natutulog kayo tapos nagising kayo in the middle of the night pwede nyong ayusin yung buhok tsaka yung pajamas nyo, kung may suot man kayo, right there and then or sa babae pwedeng mag re-touch ng makeup kahit nakahiga, oo tama, siguro ganun nga ang purpose nun. Kung ano
pa ang meron sa loob ng motels eh di ko na alam, kayo alam nyo ba? Kung gusto nyo magbuo tayo ng grupo tapos magkaroon tayo ng field trip sa iba't ibang motels, parang Lakbay Diwa lang, sino gusto sumama? PM nyo lang ako.
Oh well, so much for motels, kung tutuusin naman balentayms is about 'love' and not 'making love' only. Sa mga mag kasing-irog enjoy balemtayms, sa mga single, bakit single pa kayo? pagppray-over ko na lang kayo na sana dumating na ang 'tunay na pag-ibig' nyo. Maswerte ako si wifey andito lang, lagi kong kasama, kaya nga sa balemtayms me surprise ako sa kanya, nung tinanong ko kasi sya kung ano gusto nya ok lang daw flowers, any flower basta puti, tapos dadagdagan ko na lang ng chocolates, tiyak mas matutuwa yun, very classic yung gift ko, o sya tama na to babalutin ko pa yung surprise gift ko ke wifey... wink wink

hehhe happy puso sa inyo ni wifey! =) answeet naman ng gift mo!!!
ReplyDeletepwede pong sumama sa fieldtrip? hak! ahhahahaha curious din po e. saka gano po kalaki yung sakop ng praying hands niyo? hahahaha
ReplyDeletewow! napaka-cool nam gifts mo! panalo yung whiteflower!
ReplyDeletehahahaha ganda ng gift,napakapractical :)
ReplyDeleteahaha!!! HAPPY MEAL!!!
ReplyDelete=))
ReplyDeletegudlak po sa gift ! ahahaha !!
sama po ko sa piltrip :D
hehe mas maganda gift sa inyo... congrats sa baby!
ReplyDeletedi ko na gets to...
ReplyDeletebaka ako din gumamit nyan if things don't go as planned ehehehe
ReplyDeletematagal kong pinagisipan yan hehe
ReplyDeletehaha naka pulot ka na ng magandang linya! : ))
ReplyDeletetara lakbay diwa na to!
ReplyDeletehahahah, ikaw una hihimatayin?!
ReplyDeleteoo ganun na nga hehehe...
ReplyDeletemagpapasakop po sana ako hak hehe
ReplyDeleteah hehe cge kasama ka na sa mga pagppray over ko...
ReplyDeletenyaha salamat po! :}
ReplyDelete