Skip to main content

Let us be strangers


Bus Story No. 005

Ayon sa Chinese Horoscope i was born under the sign of the Snake (19someting), at ang characteristic ng Snake people ay 


"People born under the Snake sign are intuitive, introspective, refined and collected. They are attractive people who take cries with ease and do not become flustered easily. They are graceful people, exciting and dark at the same time, contemplative and private."


Gusto ko yung part na "they are attractive people", ito ang dahilan kung bakit ako bilib sa mga chinese horoscope na yan napaka-galing talaga wala akong masabi, pero hindi naman yun ang topic ko, hold your horses, nakalagay din dyan eh "contemplative and private." Yes im private, yes i value my privacy, and yes im contemplative, yes thats english from the root word 'contemplate' na ang ibig sabihin sa tagalog ay 'konting plato', at yes sa mga ganyang kakorning jokes ako nababasted. Meron kasing mga time na mas gusto kong mag-isa, everybody need sometime on their own ika nga ni Axl, pero sa panahon ngayon mahirap makahanap ng panahon para mag-isa ka at mag muni muni. Kailangan mo pang gumastos ng mahal para makapunta sa mga lugar na nago-offer ng mga serbisyong therapeutic daw para sa mga taong bisibisihan ang lifestyle, kung magkukulong ka lang naman sa kwarto malamang mapagkamalan ka lang na adik. 


Kaya ako kahit pag byahe bina-value ko yung time dahil dun lang ako nakakaranas ng time sa sarili ko at mag contemplate at mag muni-muni sa mga bagay bagay gaya ng lovelife ni Ding dong at Karyle future at world peace. Minsan nga gusto akong isabay ng kaibigan kong me chekot na malapit lang sa amin ang opis pero mas prefer ko talaga ang mag travel ng mag isa, sountrip lang, mas nare-relax ako sa ganung paraan. Kahit na kaunting oras lang eh ginagawa kong escape ang pag byahe from the hustle and bustle of my daily living.


Yan ang dahilan kaya minsan nababanas ako sa mga taong kumakausap sa akin sa bus lalo na pag di ko kilala, suplado na kung suplado pero ayoko talaga ng kinakausap ako sa bus habang nasa byahe pwera na lang kung kakilala ko, hindi naman ako natutulog, basta nagiisip isip lang ng mga bagay bagay, eh kung may iistorbo pa sa yo at kakalabit kalabit tapos magtatanong lang pala ng oras o kaya ng direction nakakairita na yun, di pa ba sapat yung earphone ko sa tenga para mahalata nilang ayokong makipagusap sa kanila, how insensitive naman (naks!). Pero mapapalampas ko pa yun, mas nakaka-irita kasi yung mga ticket inspector na matapos mong tiklup tiklupin ng maliit yung ticket mo at ilagay sa kung saan saang singit ng upuan saka naman sila dadating at magi-inspeksyon, kaw naman hanap ka ngayon sabay bulatlat sa mga tickets na naka singit singit kung saan, isa sila sa mga ayokong makasalamuha sa bus, bukod sa mga religious group at mga nagsosolicit. 


Di ko ma gets tong mga taong to, what's with the formal attire tapos mangangaral lang pala, not that i give a shit about it because pramis i really don't, tapos kalaunan manghihingi lang pala ng abuloy, hindi daw sapilitan, kung sino lang ang may gustong magbigay, pero syempre pag nag-abot ka ng sobre tapos hindi tinanggap ng inabutan mo automatic hindi sya magbibigay di ba? Kaya kabadtrip badtripan to the nth level yung nananahimik ka tapos hindi mo na pinansin yung sobre nila pero nilapag pa rin nila sa may hita mo ang sobre, yun ba ang hindi sapilitan? Para na rin nilang sinabi na "oy wag kang magwala-walaan, magbigay ka kuripot!" Bat kaya di na lang nila ipag-pray over yung mga sarili nila while they're at it. Iba pa yung mga nagsosolicit ng tulong na member daw sila ng kung anong asosasyon (TARANTODA or something...) na on strike daw, at kailangan lang daw nila ng konting tulong at suporta para sa pinaglalaban nila. Pwede bang moral support na lang? Eh bata pa ko on strike na sila, 20th century na ngayon on-strike pa rin sila? Kung ikaw kampante sa pagkakaupo mo sa byahe at tahimik na tinatahak ang daan pauwi o papasok malamang mawindang ka sa mga taong ganyan. Panira ng mood sa pagbyahe lalo na kung yung playlist mo naka kasa sa Ben Folds Five.


Mas lalo na siguro kung makasakay ka ng pasaherong makwento, na kahit hindi ka kakilala eh kukwentuhan ka ng life story nya, na pati yung sentimyento nya sa lahat ng bagay eh inilalabas sa yo na feeling nya isa kang psychologist na nag-a-analize ng problema nya, at ang matindi pa eh ipapaliwanag pa nya ang pinupunto sa yo at uudyukin kang sumangayon sa lahat ng sinasabi nya sabay tulak ng siko sa braso mo habang sinasabing "diba?! di ba?! tama naman ako di ba?!", nakaranas na ba kayo ng ganun... ok na nga yung di kayo magkakilala sana lang pinangatawanan na lang nya yun. Sa mga sitwasyong tulad nun napapangiti lang ako sabay buntong hininga, tapos napapaisip na lang ako, ano kaya kung mag-sabit na lang din ako ng sign na nakasulat "Don't talk to me while the bus is in motion!"


Not a bad idea nuh?



Comments

  1. heheh sana ma-try mo din ang sumakay sa bus dito sa Dubai. wow super hirap sir.. as in. gusto mo sana takpan din ng earphone yung butas ng ilong mo kc hindi ka makahinga sa amoy.. :)

    ReplyDelete
  2. wahehehehe mukhang di ko na papangarapin pa na sumakay ng bus dyan : ))

    ReplyDelete
  3. Nung isa pa akong akong hamak na estujante habang binabagtas ang trapik mula Moonwalk Sa Las PiƱas hanngan sa may Normal University walang araw na walang taong may dala ng "megaphone" (yun ba tawag dun?) at nagleletanya na samahan daw sila ng mga "TARANTODA" (ganda ng samahan bagay) na kesyo strike daw sila dahil di maganda pamamalakad ng kompanya na paulit ulit mo naman naririnig sa kanila araw araw kahit iba ibang tao ang pumapanhik sa bus. Siguro meron sila "script" na sinasaulo kasi minsan nawawala sila sa track tas paputol putol pa yung gamit na speaker (nakalimutan yata bumili ng battery). Yung mga ganitong eksena eh sobrang nakakasira ng momentum ng pagtulog lalo pag sobrang puyat mo nung nakaraang gabi dahil may project or raket kang ginawa. Tas di nga sapilitan pero pagkakuha ng sobre tas walang laman ang sama ng tingin na tipong sinasabing "kahit piso wala"?

    Hanggang ngayon meron pa rin pala?
    hayyyy Pilipinas kong mahal

    ReplyDelete
  4. business na sa atin yan hehe kumbaga bibili ka na lang ng prangkisa wahehehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.