May time talaga na darating sa buhay mo na mawawalan ka ng ganang gawin yung isang bagay na kinagiliwan mong gawin. Wala ka nang maisip kundi itigil na lang dahil hindi mo na kayang ipagpatuloy pa ang nakagawian mo na. Mabigat pagdesisyunan pero kailangan, mas makakabuti para sa iyo kesa patagalin pa't araw-araw mong lokohin ang sarili.
Si Kurt Cobain nagsuicide hindi lang dahil sa epekto ng pagconsume ng drugs, kundi dahil na rin sa pressure ng pag likha ng music para sa milyun milyon nilang tagahanga, yung music na dati'y ginagawa nya para ma please yung sarili nya ngayon eh kailangan na nyang gawin para ma-please ang ibang tao, at kung hindi nila magustuhan yung music na ginawa nya sya pa ang sasalo ng lahat ng puna.
Sa ganitong perspective ko nilalagay ang sarili ko, kaya nagpasya akong isara muna ang aking multiply account, kung permanente o pansamantala ay hindi ko pa masasagot, maaring gumawa uli ako ng account next week? next month? next year? sa ngayon ay hindi ko pa alam, sa ngayon hayaan nyo muna akong mamaalam sa sa inyo at nagpapasalamat na din ako sa mga bumisita, nagbasa, nag comment, at naka appreciate ng mga postings ko dito, naging masaya ang apat na taon kong pamamalagi sa multiply at yun ay dahil sa inyo. Salamat at magkikita-kita pa tayo muli. Until then...
Salamat
P.S.
Happy April Fools' day nga pala sa inyong lahat wahehehehe!
WTF?! i fell for that one! ahaha.. nays nays! i was close to tears.. nyahaha..
ReplyDeletewahahahahahaha!
ReplyDeletenapeke mo ko dun ah!!!! :)
ReplyDeleteHahaha! I was definitely fooled by this blog entry. Happy april fools day sir! kampai! :D
ReplyDeletehahahahaha ako din o apektado:)
ReplyDeletepapi hengeng drugs ahahahahah adik ka! ahaha
ReplyDelete:P
ReplyDeleteapril fool's! hahaha
ReplyDeletewahehehehe happy april fools' day sa inyong lahat!
ReplyDeleteakala ko totoo na rick,.... hayy.. april fools nga ..
ReplyDeletepwede ko ba naman kayong iwan? pede! hehehe
ReplyDeleteHindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
ReplyDelete