Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ.
So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter Sunday, ang Good Friday procession ang pinaka highlight ng holy week sa amin, dito pinaparada ang mahigit 20 na imahe na naglalarawan sa mga huling sandali ni papa Jesus, kumbaga sa HBO eto ang 'premiere presentation', pero bago yun, inihahanda muna ng simbahan ang mga taong lalahok at inuumpisahan muna ang tinatawag na 'Pahalik' pag sapit ng alas-3 ng hapon, eto ang oras kung saan sinasabing oras ng kamatayan ni papa Jesus, dito binubuksan ang simbahan para sa mga tao para makahalik sa nakapakong life size na imahe ni papa Jesus sa loob mismo ng St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ, kung ina-akala nyong napapagod ako kakabanggit ng tag na yan eh nagkakamali kayo dahil kina-copy paste ko lang yan : p
Mahaba ang pila sa 'Pahalik', talo pa ang pila sa sinehan ng You Changed My Life, sinasabi kasi na ang langis na nagmumula sa paanan ng nakapakong si papa Jesus eh nakakapagpapagaling ng iba't ibang uri ng karamdaman kaya dinadayo ito ng mga tao, kahit taga ibang lugar. Naranasan ko nang pumila sa 'Pahalik' nung bata pa ko at inaabot kami ng isang oras o mahigit pa na nakapila at nakabilad sa init ng araw bago kami makapasok sa loob ng simbahan at nakahalik, at yung pag halik eh umabot lamang ng wala pang sampung segundo dahil mahigpit yung mga nagbabantay, kumbaga hindi mo na sya pwedeng i-kiss ng torrid, smack lang, yung iba nga flying kiss na lang (lol), tapos ipapahid mo yung panyong dala mo sa naglalangis na paa ni papa Jesus, pero di ko nasubukan kung tama nga yung sabi nila na nakakapag pagaling nga ito ng iba't ibang karamdaman dahil ni minsan di ko nagamit yung panyo na may langis para ihaplos sa kung saang parte ng katawan ko, nakikita ko na lang sya kinabukasan na nakasampay, kakalaba lang.
Yung pagkatapos ng 'Pahalik' ang isa pang inaabangan ng lahat, dahil pag labas mo ng simbahan nagkalat ang mga 'Karidad', nope not Sanchez... Karidad o 'Pakaridad' yung tawag sa libreng pakain na inilalaan ng mga deboto para sa mga tao. Dati natatandaan ko samalamig lang at kakanin, mga puto suman, sago gulaman ang the usual na inaalok pero ngayon iba ibang klase na ng pagkain na kinakaridad sa labas ng simbahan gaya ng fries, shakes at tukneneng, kailangan mo lang maging maagap dahil offer is only good while supplies last.
After nun aabangan na ng mga tao ang sinasabi kong procession, wala kang makikitang harang sa kalsada, malinis na malinis para sa dadaang procession, ito na rin ang pinakamahabang procession sa Las Piñas, usually tumatagal ng isa't kalahating oras ang paglalakad bago makabalik sa simbahan. Lahat ng imahe eh nababalutan ng mga bulaklak pero asahan mo bago pa man tumuntong sa simbahan ang mga imahe eh ubos na ang mga bulaklak na yun dahil isa isa nang sinisimplehan ng mga deboto, iniisip kasi ng ilan, gaya ng langis sa paanan ni papa Jesus, anything na galing sa imahe, kahit anong nakapaligid dito eh panggagalingan ng kung anong kapangyarihan na makakapagpagaling sa mga may sakit, kung pwede lang na ipunin nila yung alikabok sa mga imahe eh baka gawin nila, kunsabagay kanya kanyang paniniwala lang yan.
Nakaka-aliw panoorin ang prusisyon, ilang taon na rin akong hindi nagpaparticipate dito, syempre habang tunatanda eh nagiiba ang mga perspektib natin sa mga bagay bagay. Yung mga dating pinaniniwalaan ko dahil sa nakamulatan ko na, ngayon eh medyo questionable na at wala pa ring nagpepresent sa akin ng kongkretong paliwanag. Mula nga sa kinauupuan ko habang pinapanood ang prusisyon, bukod sa panonood sa mga imahe eh inoobserbahan ko rin ang mga sumamang naglalakad, naisip ko kasi ilan ba sa kanila ang naiintindihan yung meaning ng pag sama at pakikilahok sa prusisyon? Ano kaya ang dahilan nila kaya sumama sila? Masabi lang ba na sumasa sila just for the sake of joining? Gaya nga dati, taun taon halos, may mga sumasama pero nakikita kong nagkukwentuhan lang, may mag syota na naglalampungan, may barkada na nagaasaran lang, merong nagte-text, meron pa ngang sumama na naka headphone... naka-headphone sa gitna ng prusisyon! at hindi lang basta headphone, yung large pads pa na sakop buong tenga, sarap tuktukan, ok lang sana kung 'Ama Namin' yung sounds nya pero from the looks of it eh mukhang hinde... so mapapa-isip ka talaga... alam kaya nila yung essence ng pagsama sa prusisyon? Ako kasi tinanong ko ang sarili ko dati kung bakit ako nasama sa prusisyon at wala naman akong naisagot sa tanong ko, kaya tinigil ko na rin ang pag-sama, manonood na lang ako, aliw pa. Kung sa bagay, gaya ng nasabi ko kanina lang, kanya kanyang paniniwala lang yan, walang basagan ng trip.
Happy Easter to all!
ayy..namimiss ko tuloy ang holy week sa pinas. namimiss ko na rin magbisita iglesia. ive been doing that since highschool. miss ko na ang pakaridad.. nakakatuwa din ang program sa simbahan ng sto nino sa tondo sa tuwing pagkabuhay. gising kami ng umaga para makita namin ang naglalaban na anghel at devil sa labas ng simbahan. :)
ReplyDeletepero alam tama ka rin.. kung minsan hindi nmn isinasapuso ng mga tao kung ano ang ginagawa nila pag holy week.. may kilala ako sniper pag prusisyon.. sumasama lang para magpacute at maghanap ng cute.,. diba?
happy easter ser rick!
happy easter kuya rick! ;) and to all the las pinians!
ReplyDeleteSa Las Pinas ka pala? Las Pinas din ako dati, marami akong kaibigan dyan sa Bayan kasi dyan ako nag-aral sa St. Jo, home of the world renowned Bamboo Organ...hehe! Tradisyon na kasi ng taong sumama sa prusisyon, tsaka masaya din makibonding sa tropa at makinig sa headphone habang naglalakad.
ReplyDeletemalamang ma-miss mo ang holyweek kasi di naman sine-celebrate dyan yun di ba? hehe
ReplyDeletehappy easter din! wag mong kalimutan yung promise mo ha wag mong kalimutan hehe
ReplyDeletehehe anliit talaga ng mundong ginagalawan natin...
ReplyDeleteyes, of course! :) mayron na ako idea. im just constructing it, hihihi
ReplyDelete