Ang ganda ng naisip kong title para sa post na ito, parang title ng pelikula, pwedeng ihanay sa mga iba pang titles gaya ng "Kumati ng Kinamot" saka "Umaga na ng Hinugot" , pero seryoso ang topic ko ngayon, kelan ba ko hindi nagseryoso sa mga post ko? Ok payn, malamang kung nakikita at nahahawakan nyo ako eh malamang katakot-takot na pananakit at pangungutya ang naranasan ko... Eniweys, nakakagulat lang kasi yung balita tungkol sa pagpapakamatay diumano ng misis ng isang batikang mamamahayag na may initials na TF, (bina-blind item ko pa eh para namang hindi nyo pa kilala kung sino tinutukoy ko, oo tama si Thristy Fermin nga, lol!) Ilang araw na rin namin pinaguusapan ni wifey yung tungkol sa suicide incident na yan at tinalo pa nya sa haba yung topic namin tungkol sa bakit kuminis na ang mukha ni Mike Enriquez (napansin nyo din ba?). Nakakagulat lang kasi dahil sino ba magaakala na yung mga taong nasa ganung estado na ng buhay eh pipiliin pa ring tapusin ang ...