Skip to main content

Malubak ang daan sa kahabaan ng buhay



Ang ganda ng naisip kong title para sa post na ito, parang title ng pelikula, pwedeng ihanay sa mga iba pang titles gaya ng "Kumati ng Kinamot" saka "Umaga na ng Hinugot", pero seryoso ang topic ko ngayon, kelan ba ko hindi nagseryoso sa mga post ko? Ok payn, malamang kung nakikita at nahahawakan nyo ako eh malamang katakot-takot na pananakit at pangungutya ang naranasan ko...


Eniweys, nakakagulat lang kasi yung balita tungkol sa pagpapakamatay diumano ng misis ng isang batikang mamamahayag na may initials na TF, (bina-blind item ko pa eh para namang hindi nyo pa kilala kung sino tinutukoy ko, oo tama si Thristy Fermin nga, lol!) Ilang araw na rin namin pinaguusapan ni wifey yung tungkol sa suicide incident na yan at tinalo pa nya sa haba yung topic namin tungkol sa bakit kuminis na ang mukha ni Mike Enriquez (napansin nyo din ba?). Nakakagulat lang kasi dahil sino ba magaakala na yung mga taong nasa ganung estado na ng buhay eh pipiliin pa ring tapusin ang buhay nya dahil lamang sa kung ano mang problema ang kinakaharap nya . Meron pala talagang mahihina ang loob na sa harap ng isang pagsubok eh bigla na lang magcu-crumble na parang coffee crumble (syet ang corny!). 


Tatlong tanong lang ang pumasok sa isip ko nung marinig ko ang balitang yan. Mahina kaya talaga ang loob nya para harapin ang mga problema? o Mahina lang ang tiwala nya sa Diyos at sa mga taong nakapaligid sa kanya kaya nya naisipan na magpakamatay kesa humingi ng tulong sa kanila? Dalawang tanong lang pala yun sorry.


Sabi nga nila along the way, sa paglalakbay mo sa kahabaan ng avenida ng buhay, matitisod at madadapa ka... bukod sa katangahan, ang mainam na rason dyan eh lahat naman ng tao nalulubak di ba? Sabi nga eh maraming humps along the way of life. But life is not about how you stumble and fall, its about how you get up each time you fall... english yan kasi mahirap tagalugin yung 'stumble and fall' na part...


Minsan kasi yung akala mong napaka smooth ride mo sa buhay eh sosorpresahin ka pala ng napakalaking lubak up ahead, malaki pa sa kuba nung kampanerang napapanood natin sa TV dati. Mapapa-igkas ka na lang sa pagkaka-prente ng upo mo, sabay hanap sa paligid ng makakapitan, at pag nakahanap ka na, pipisilin mo ito ng mahigpit na mahigpit na para kang sanggol na first time napa-breastfeed. Magpapawis ka ng malamig tapos medyo mamumutla, yung tipong parang kinakabagan, tapos sabay mapapalunok ka ng laway habang nanlalaki ang mata mo sa di mo mapaliwanag. 


Oo alam ko mapag-biro ang tadhana, at kaya ka nyang sipain habang nakatumba ka na, kaya ka nyang paglaruan sa kanyang mga daliri, kung meron man sya nun, kaya ka nyang patawanin ng ilang oras tapos paiyakin ng ilang linggo, buwan o taon, kaya nyang mag-biro kahit serious mode ka, at di lang basta biro, yung nakakasakit na biro. Kaya nyang ibigay sa iyo lahat yan sa panahong hindi mo inaasahan, kaya pag dumating na, off-guard ka, at yun ang masakit dun. Depende na lang sa tatag ng kalooban nating mga utaw kung bibigay tayo o hindi.


Ako nga akala ko dahil sa 2.8GHz Intel Core 2 Duo na at may 4 GB  na memory na yung mac ko sa opis (sana di nyo nahalata na palihim akong nagyabang sa parteng ito) malakas na ang loob ko at hindi ko na kailangan pang mag-save ng mag-save ng mga ginagawa ko. Oo tama, kaya nga ng computer ko  ang mabibigat na files na ginagawa ko  at di ko kailangang matakot na baka mag-hang ang computer, pero di ko na-anticipate na pwede palang mag fluctuate yung kuryente namin at hindi gumana yung UPS ko sa ilang pagkakataon, at nakakapagtakang kung kailan pa ako may ginagawang importanteng trabaho saka naman dadating yung pagkakataong binabanggit ko, at yun ang sinasabi kong biro ng tadhana.


Alam ko magkaibang level yung kamalasan ko kumpara sa problemang dinadala ni Ms Etong kaya sya nakapag-commit umano ng suicide, pero kung iisipin mo, natural instinct nating mga tao ang umalma at mag-isip agad ng solusyon sa problema, mapapaisip ka bigla na di ka pala dapat nagpapa-dehado, minsan pa nga may biglang kung ano na parang konsensya lang ang bubulong sayo ng "Stand up! You gotta learn how to fight! This is pathetic!" tapos mapapasagot ka ng "Spell pathetic?", sasagot naman uli yung konsensya mo ng "Uhm capital P-A-T- ... pakshet wag mo nga ibahin ang usapan!" saka mo mare-realize na kaya pala minsan nagtatagal yung mga problema mo dahil kadalasan nililihis mo yung atensyon mo sa problema imbes na harapin mo ito, at sa kaso ni Ms Etong kesa harapin yung problema mas minabuti pa nyang iwasan ito. 


Alam ko rin na wala naman ako sa lugar para i-judge sya sa kanyang ginawa dahil hindi ko naman alam kung gaano kabigat yung problema nya, ang punto ko lang, sino ba ang taong walang problema? Lahat naman tayo may dinadalang problema araw-araw maliban ke Bill Gates. Mas mabigat pa ba yung problema nya kesa sa mga tao sa ilang bahagi ng Somalia na kailangang inumin yung ihi ng baka dahil sa kakulangan ng tubig sa lugar nila? C'mon what was she thingking? Mas pinahirapan lang nya ngayon yung mga taong nagmamahal sa kanya, ang tawag dun, 'selfish'... wag kayong pilosopo hindi yung mga tahong at talaba ang tinutukoy ko.


Kaya ako nung nagloko yung kuryente sa opisina kung kelan may importante akong ginagawa, hinarap ko iyon, imbes na magmukmok ako sa nangyari, lumabas na lang ako at nag hanap ng lubid at matibay na pagsasabitan... joke lang... lumabas na lang ako para magmerienda at makipagkwentuhan di na lang ako nagtrabaho... wala nagka-badtripan na eh.




Comments

  1. wahhhhhhh ibang klase talaga..
    sir seryosong tanong anung utak meron ka?bat ang galeng galeng mo sa ganitong bagay?malamang sa totoong buhay eh seryoso ka malamang wahehehe..

    Kahit mawiwindang sa kakatawa ang magbabasa nito di pa rin nawawala sa point kung anu gusto mo iparating hayzzzz..

    Kung sa paglulto pa eh kahit sibuyas at bawang tapos vetsin at asin lang ang sangkap kung ginisa ang niluluto mo eh lasang ginisa pa rin at hindi paksiw..wahahaha

    ReplyDelete
  2. nakarelate ako.. hhayyzz ang buhay nga naman..

    ReplyDelete
  3. sa ilang beses na lubak, mahirap pero dapat stand up (with poise ala-beauty queen, haha) pa din.

    Maybe there are unfathomable reasons why she did that. May she rest in peace. And may her family find peace the soonest they deserve.

    ReplyDelete
  4. correct.. mahirap pero dapat stand up.. and try to walk slowly again.. bawal mastranded! :)

    ReplyDelete
  5. ilan na din ang naging tropa ko na matitibay sa problema!!!!! as in !!!! mga lima na ata sila at panay nagpakamatay, minsan kase talaga, kung anong tibay mo siya rin ang rupok ng ibang parte mo,, pwede ring alabok sa ilalim ng dagat hehehe!!!!!

    ReplyDelete
  6. salamat pero di ako kasing seryoso gaya ng iniisip mo hehe

    ReplyDelete
  7. maraming nakaka-relate hehe madami na kong natanggap na messages sa email hehehe

    ReplyDelete
  8. kanya kanyang diskarte talaga yan pagdating sa problema...

    ReplyDelete
  9. wooooow naman pai pagkinis ng mukha ni mike enriquez napansin....lupit niyo po sir...hehehe

    ReplyDelete
  10. i was watching the news po kahapon. TF was really hurt pati yung iba niyang kamag anak. they had super problems po ata kesho they still dont like TF and financially. koko yes! updates parang showbiz lang po hehe. selfish nga po ang tawag don. dun sa mga nagsusuicide. dapat isipin po nila ang mga tao sa buong mundo heck (galit? hehe)

    ReplyDelete
  11. ah oo hehe ganyan kami ni wifey pag walang magawa...

    ReplyDelete
  12. ahh..the harsh realities of life...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...