Skip to main content

Ang pagpapa-tattoo ay parang pagpapa-kasal



"Samahan mo naman ako papa-tattoo lang ako." Yan ang hirit sa akin ni wifey nung linggo, actually matagal na nyang gustong magpa-tattoo sa likurang bewang nya, ewan ko kung bakit, siguro para matago ang stretch-marks? hehe peace... wala naman syang stretch-marks alam ko yun, siguro trip lang talaga nya, nakita ko pa nga yung design na gusto nyang ipa-tattoo na ginawa nya mga ilang days na ang nakakaraan, kitang kita ko sa mga mata nya ang kagustuhang magka-tattoo at talaga namang isa yun sa mga wish nya na magkaroon sa taong ito kaya sinagot ko sya ng naka-ngiti at sinabi kong... "tinatamad ako eh kaw na lang...", buti na lang isang pulgada ang pagitan namin kaya hindi nya magawa yung automatic na pananakit.


Sabi ko naman sa kanya wag na sa may likurang bewang mag pa-tattoo dahil pagtanda nya at kumulubot na yung balat nya sa parteng yun pangit na tingnan yung tattoo, distorted na, pagnagkataon kailangan pa nyang banatin yung balat nya para lang maipagmalaki sa mga apo nya yung kanyang tattoo, parang naiimagine ko tuloy... mental image... eeeewww... nung sinabi ko sa kanya yun medyo narealize nga nya na ganun ang mangyayari so napagpasyahan nya na sa batok na lang sya magpa-tattoo. Kaya lang me isang problema pa dahil wala pa syang design para dun. Since mabait naman ako nag-suggest ako sa kanya ng designs na maaari nyang pa-tattoo, gusto nya kasi medyo tribal, sabi ko naman marami nang may tattoong tribal kaya sabi ko bakit hindi na lang Sto.Niño, natawa lang sya kaya akala ko game syang makipagbiruan, suggest uli ako, sabi ko maganda pa-tattoo nya yung ulo ng Lion at Tiger na magkaharap tapos sa baba ng image nakalagay "Lion Tiger Katol" lol! Hindi ko mapigilang matawa sa suggestion ko na yun, tumigil lang ako nung naramdaman kong may piercing pain na nanuot sa braso ko, umere na naman yung kamao ni wifey at sa braso ko nga dumapo... cariño brutal at its finest, tsk, masakit pa rin hanggang ngayon.


Magpapa-henna na lang muna daw sya para ma-feel nya kung ok ba talaga sa batok sya magpa-tattoo, pipili na lang daw sya sa mga ready made design sa shop, tamang-tama may outing sila papuntang batanggas so timing yung pagpapa-henna nya, yung outing lang nila ang hindi timing dahil kung kelan naguuulan na saka sila mag-a-outing lol! Gaya nung una, di ko pa rin sya sinamahan hehe, ewan ko parang its the same thing with shopping saka pagpapa-parlor nya, malamang sa alamang maghihintay ako ng matagal, eh nung araw na yun marami pa naman akong importanteng gagawin gaya ng panonood ng Sponge Bob kaya di ko na sya sinamahan.


Pero magandang idea yung pagpapa-henna muna bago magpasyang magpa-tattoo ng totoo, para nga naman ma-feel mo kung tama yung gagawin mo, parang ihahanda at ikukundisyon mo yung sarili mo, at kung ok ka na at handang handa ka na, saka ka na talaga magpa-tattoo. Yung pagpapa-tattoo kasi maihahalintulad yan sa pagpapakasal, hindi yan parang kanin na napapanis pag hindi nilagay sa ref... uhm... basta something to that effect.


Pag-uwi ni wifey pinagmayabang agad yung henna tattoo nya, ok naman pero as expected sa mga ready made designs sa shop... corny, hehe, pero oks lang atleast na-experience ni wifey magkaroon ng tinta sa batok, ok naman sa kanya, mag-iisip na lang sya ng magandang design na ilalagay, sabi ko i-consider pa rin nya yung lion tiger design, pero sinabi ko yun ng malayo layo ako sa kanya... mahirap na.
























Ako balak ko rin magpa-tattoo pero di pa ngayon, siguro pagdating ko ng 40, parang si Jack Nicholson sa Bucket List, maganda kasi yung may gagawin kang kakaiba pag dating mo ng 40, sabi nga nila 'life begins at forty' so why not do something that you haven't done before pagtuntong mo sa edad na yun di ba? Mag-iisip na rin ako ng magandang design, mas maganda pa sa lion tiger design, kailangan kong paghandaan yan ng matagal dahil espesyal ang araw na yun pag dumating, pero pansamantala eto na muna.





























Comments

  1. haha matagal ko na din balak magpa-tattoo er. puro henna lan dati. i even had four hennas all at the same time (na-addict sa henna). but i also decided sa paglaki ko na yung real one!

    mabuhay si wifey mo! congrats! and what a cutecute tattoo you have, kuya rick!

    ReplyDelete
  2. ser si buttercup nalang ayos po yon hehe

    ReplyDelete
  3. buttercup nalang po
    para mukhang matapang ..
    tunay na lalake .. xD

    ReplyDelete
  4. "sabi ko maganda pa-tattoo nya yung ulo ng Lion at Tiger na magkaharap tapos sa baba ng image nakalagay "Lion Tiger Katol"..


    >>>

    OMG! hahaha!!! lol!

    ReplyDelete
  5. nanunuod din po pla kau ispansbab!dapat po pla si plankton nalang..hehe. :)

    ReplyDelete
  6. Wow! your wife is awesome sir! I have to agree...may tamang oras para sa lahat at dapat ngang pagisipan mabuti before going thru it...but getting a tattoo is also priceless I have to say,ehehe...you and your wife have my support sir,hehehe...kampai! =D



    ReplyDelete
  7. tattoo transfer lang yan from my daughter nyahehehe

    ReplyDelete
  8. wait sino ba si buttercup dyan? yung naka green?

    ReplyDelete
  9. thanks shen! di ba may tattoo ka din?

    ReplyDelete
  10. Ahehe, yes sir...I have three now and still planning to get more,hehehe...for real sir nakakaadik siya, yung feeling kase parang may na-achieve ka na bagay na sobrang priceless o kaya parang nanalo ka lang sa lotto,hihihi, specially if the design you chose eh may valuable meaning for you, it will be with you for life. Good luck to you and your wife sir rick...keep rockin po...kampai!!! =D

    ReplyDelete
  11. ang cute ng tats mo ah... dora type mo?

    ReplyDelete
  12. mas bagay yung dora ke mister mo hehe...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...