Skip to main content

Conspiracy Theory

Ina-anticipate namin na mawawalan ng tubig pagdating ng Sabado ng gabi hanggang Lunes ng umaga dito sa lugar namin, kaya lahat ng pwede naming malagyan ng tubig, nilagyan namin, mula drums, batya, timba hanggang mineral bottles na walang laman. Improving nga ngayon ang nawasa dahil bago pa man mawalan ng tulo eh nagaabiso na sila, mahirap kasing mawalan ng tubig, yun ang pinaka ayoko, malaking bahagi ng pang araw araw kong pamumuhay ang tubig, siguro sa lahat naman, kaya kapag nawalan ng tubig sira na yung schedule mo sa araw.

8:00 – nakakatawa lang pagdating ng 8pm ng gabi nung sabado,para akong batang first time nakakita ng kissing scene sa sine dahil excited akong masyado na makitang walang tulo ang gripo dahil napaghandaan naman namin yung oras na yon kaya wala dapat ikabahala. Pero mapagbiro talaga ang tadhana, pagsapit ng alas otso ng gabi pagbukas ko sa gripo, meron pa ring tulo, malinaw pa, walang bahid ng putik na galing sa binubungkal na lupa sa kabilang kalye, yun ang tinuturong dahilan kung bakit mawawalan ng tubig sa lugar namin, pero meron pa rin, pwede mo pa ngang inumin yung tubig sa linaw nito.

8:15 – ayun nawalan na… nawalan na ng kuryente, oo tama ang nabasa mo KURYENTE ang nawala, may tubig pa rin sa gripo, malinaw pa rin at gaya ng dati, pwede pa ring inumin.

Photo_libre_de_droits2

Hindi namin alam kung mali ba yung balitang narinig namin o jino-joke time lang kami ng Maynilad at Meralco, parang nag conspire yung dalawang kumpanyang yun para i-good time ang mga tao sa Las Piñas. Hindi nakakatawang biro… parang WOW Mali na may kirot, dahil sayang yung pagod sa pagiipon namin ng tubig, para kaming inagawan ng puri’t dangal nung mga oras na yun… ok OA masyado yung description na yun… pero basta pambadtrip yung eksenang ganun.

Lesson na sa amin yun, next time pag nag announce ang Maynilad na mawawalan kami ng tubig, magdadalwang isip na kami, magiipon na kami hindi lang tubig, pati kuryente iipunin na namin, mahirap na baka ma joke time uli kami, we have to learn from that experience.


P.S.

Kung mayroon man sa inyong nakakaalam kung paano makakapagipon ng kuryente PM nyo lang ako please. Salamat!



Comments

  1. yun lang! :) infairness nakakamiss din ang WALANG KURYENTE. samin sa tondo punung puno ng tao sa labas pag walang kuryente.. at kaming mga bagets maglalaro ng BANG TSAK!!! yey!

    ReplyDelete
  2. hahahahahahaha oo bilang taga las pinas, nakiipon din kami ng madaming madaming tubig, at naligo ng mabilis bago mag alas otso, pero hindi nawalan ng tubig, oa kami sa pagiipon dahil nung nakaraang nawaln ng tubig napilitan akong maligo ng mineral water oha! ok na ang handa kesa wala hehe, pero di naman nawalan ng kuryente samin:)

    ReplyDelete
  3. anong BANG TSAK? di ko ata alam yun... PSP game ba yan?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng Malacañang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.