
Ewan ko if it has something to do with CJC getting the National Artist Award kaya pinalalabas sa Cinema One yung Panday. Last wednesday naabutan ko yung part 1 ng Panday then kagabi lang yung "Ang Pagbabalik ng Panday" which obviously eh yung part 2.
Nung bata ako gustong gusto kong panoorin yung Panday, pero syempre yung mga re-runs na lang napapanood ko dahil masyado pa akong bata nung nag showing sa mga sinehan yung Panday (80 n 82 kung hindi ako nagkakamali, hindi pa ko nagaaral ng taon na yan). Pero nung napanood ko sya nung mga 10yrs old ako, isa ako sa madaming bata na hangang-hanga sa mga special effects nya dati, lalo na yung nung bumagsak yung bulalakaw mula sa langit (yung bulalakaw yung pinanday ni FPJ para gawing espada), pero nung napanood ko uli nung wednesday night eh hindi ko mapigilang matawa dahil kitang kita ko yung tali na pinagsasabitan ng umaapoy na bolang kunwari eh bulalakaw. Pinapatakbo lang ata yun ng mga simple machines gaya ng pulley.
Anyhoo, kahit nakokornihan na ko sa palabas, for some reason eh hindi ko pa rin malipat lipat sa ibang channel yung pinanonood ko, siguro parang some degree of respect ke 'Da King'. Naaalala nyo ba si Lizardo? (ang rival ni Panday played by Max Alvarado) si Tata Temio (Lito Anzures)? Si Lando (Bentot Jr.)? Sa pagkakatanda ko eto yung mga tauhan sa dalawang naunang Panday, natatandaan nyo ba tong mga to...
Ang Panday
Location: Sto. Sepulcro, Philippines. Hinanap ko sa Wikimapia yan pero hindi ko nakita, pero alam ko somewhere in ilocos lang yan.
Bida
Flavio - Ang Panday, ordinaryong tao pero nasusulat sa Itim na Libro (na kulay brown) na sya lang ang tanging makakahawak sa "Balaraw" o yung espada ng Panday at magliligtas sa sangkatauhan mula sa mga alagad ng kadiliman.
Ang power ng Panday eh naggagaling sa kanyang "Balaraw" na kayang humiwa ng anumang bagay kahit na ang pinaka frozen na butter. Sa oras ng pangangailangan eh nagiging full-fledge sword ito na kayang pansalag sa mga bala ng mga tulisan, naglalabas din ito ng matinding liwanag kapag outnumbered na sila ng mga aswang at mga Taong Patay (zombie). At ang pinaka special power nito ay ang kanyang laser, oo laser, yan yung pinantitira nya ng malayuan lalo na sa mga Taong Patay (zombie).
Sidekicks
Tata Temio - sya yung naka diskubre sa Itim na Aklat na kulay brown, na accidentally nadiscover nya sa ilalim ng kinidlatan na puno sa tabi ng lumang simboryo habang sya ay nangangahoy. Sya rin ang nagbasa sa libro para malaman nila ang lihim ng Panday. Sya rin ang tumatayong spokes person ni Flavio, kung hindi nyo sya matandaan, think Drunken Master teacher sa pelikula ni Jackie Chan.
Lando - sya si Bentot Jr. yung batang laging may dalang tirador na kadalasan eh pabigat lang ke Flavio at Tata Temio. Madalas syang habulin ng mga aswang saka yung lumulipad na kabaong.
Leading Ladies
Nung part 1 si Liz Alindogan na anak ni Tata Temio tapos nung part 2 si Tina Revilla na anak ng Itim na Mangkukulam na syang bumuhay ke Lizardo nung Part 2.
Kissing scene: moderate
Love Scene: 0
Common Villain
Dito mo makikita yung mga villain na tinatawag nila sa mga pinaka simpleng pangalang maiisip nila gaya ng
Mga Taong Itim - sa pangalan pa lang alam mo nang masasama sila, tuwing gabi lang sila nalabas na kapag nahawakan ka nila mamamatay ka ng walang dahilan. Sila din yung mga taong parang naka diaper lang tapos yung kamay nila parang nilublob sa arina dahil sa sobrang puti, andun ata yung pamatay nila.
Halimaw - sya yung parang syokoy sa ilog (syokoy sa ilog?) na muntik nang makapatay ke Flavio, buti na lang nakaligtas si Flavio dahil nalimutan ng Halimaw na hindi pala sya nakakahinga ng lubusan sa lupa kaya napaatras sya.
Mga Aswang, White Lady, at mga Taong Patay (Zombie) - di ko na kailangang ipaliwanag kung sinu sino sila at kung anong ginampanan nila sa movie. Regular sila sa lahat ng Panday movie.
Mga Tulisan - mga bad ass tauhan ni Lizardo, basta me baril sila tapos mahilig silang mang bugbog, manampal at mang-rape. Red yung uniform nila tapos me sumbrerong parang pang mehikano tapos lahat me bigote, na kung aalisin yung baril nila at mga bala sa katawan eh pwede na silang maging waiter sa Grandma's Tacos.
Alagad ni Lizardo - sila yung mga parang ninja na naka uniform ng itim nung part 1 tapos naging red na nung part 2, ang primary role nila dito eh magpose complete with Galaga type of formation tapos tumakbo mula sa malayo tapos saluhin lahat ng saksak ni Flavio, tapos matutumba tapos hindi kikilos hanggang hindi sinasabi ni direk na 'Cut!'
Madami pang villain depende kung anong part ang pelikula ang napanood mo, andyan yung "Mandirigma", "Manggagamot", "Mangaakit", "Mangkukulam" pero ang pinaka arch enemy talaga ni Flavio eh si Lizardo
Lizardo - ang main villain, sya lang naman ang tinatawag na 'anak ng demonyo' alam mong he is bad to the core pag naglitanya na sya ng "Mga kampon ng kadiliman... bigyan nyo ako ng kapangyarihan..."
Hindi ko alam kung anong powers nya besides, i dunno, like being the son of the devil dapat meron syang special powers di ba? Pero wala akong matandaan. Me espada din sya na humuhuni na parang violin pag nags-sway, pero sya yung worst swordsman na nakita ko, Flavio can testify to that.
Sila yung main characters, aabangan ko pa yung "Ang Panday: Ikatlong Yugto" saka yung "Ang Panday: Ika Apat na Aklat", part 3 and 4 yun kung hindi nyo na gets, para maalala ko pa yung iba.
Na-enjoy naman namin ni wifey yung palabas kahit tawa kami ng tawa sa bawat eksena, mas pinili pa nga naming panoorin yung Panday kesa sa Stardust sa HBO. Pero minsan mas magandang matandaan mo na lang sya as Panday na napanood mo nung bata ka pa, parang E.T. o kaya Never Ending Story, dahil pag pinanood mo sya ngayon na fully developed na yung brain mo di mo maiiwasang matawa, although understandable naman na nung 80's eh wala pa naman talagang cgi's and high end special effects to meet Panday's needs. Nakakatuwa lang dahil pag pinanood mo sya ngayon para kang batang inampon tapos ngayon lang pinagtapat sa yo ng mga magulang mo na ampon ka lang, then marerealize mo, matagal ka na pala nilang pinaglilihiman.
ay wa nko ma-say! naaliw ako s pagbbsa..hmm..ilang beses ko na rn napanood ang reruns ng panday ni fpj..una ko shang npanood blk n whte p tv nmen nung elementry pko at hangang ngaun gus2ng gus2 parn ng tatay ko panoorn un plibhsa fpj e. dhl nmn ky CJC pwdeng ispn n sinadyang ipalbs nga un ngaun dhl napapanhon. nattwa po ako kung pno n'yo dniscrbe ang mga cast, infairnes kilala nio cla ha..un nga lng ung bida at kontrabda pareho ng dedz..hmm..jst wnderng, magkno kaya nagastos nila s special effects no? mlmang nung tym n un aware dn cla n lo-tech parn cla. pero kht ano pa man, ang pelikulng eto ay 4 all ages, pangmasa at tuny n nagmarka s kultura ng pelikulng pilipno
ReplyDeleteay wa nko ma-say! naaliw ako s pagbbsa..hmm..ilang beses ko na rn napanood ang reruns ng panday ni fpj..una ko shang npanood blk n whte p tv nmen nung elementry pko at hangang ngaun gus2ng gus2 parn ng tatay ko panoorn un plibhsa fpj e. dhl nmn ky CJC pwdeng ispn n sinadyang ipalbs nga un ngaun dhl napapanhon. nattwa po ako kung pno n'yo dniscrbe ang mga cast, infairnes kilala nio cla ha..un nga lng ung bida at kontrabda pareho ng dedz..hmm..jst wnderng, magkno kaya nagastos nila s special effects no? mlmang nung tym n un aware dn cla n lo-tech parn cla. pero kht ano pa man, ang pelikulng eto ay 4 all ages, pangmasa at tuny n nagmarka s kultura ng pelikulng pilipno
ReplyDeletehahah, parang bubble popping yung sound effects
ReplyDeletehaha wala ka pa ma say nyan ha hehe salamat sa pagbasa... natandaan ko lang yung mga cast nung napanood ko uli, ako e medyo curious din kung magkano nagastos nila sa special effects lalo na dun sa bulalakaw : ))
ReplyDeleteoo saka yung mga tagush, tagish at marami pang unimaginable sounds na maririnig mo hehe
ReplyDeletebulalakaw n may lubid?!haha!bka worth a milli0n n un..uso n kya non ang chroma? malamang kaya nauso ang remake s mga pelikula dhl ang mga tao d marunong makuntento..alam nilang mas may igaganda at ihuhusay pa kesa s unang bersyon..kso kht s vesion tlg ni bong revilla, ntatwa pa rin po ako..ewan, ayan madmi na nmn po ako na-say..hehe..sensha na po v ^__^ v
ReplyDeletebulalakaw n may lubid?!haha!bka worth a milli0n n un..uso n kya non ang chroma? malamang kaya nauso ang remake s mga pelikula dhl ang mga tao d marunong makuntento..alam nilang mas may igaganda at ihuhusay pa kesa s unang bersyon..kso kht s vesion tlg ni bong revilla, ntatwa pa rin po ako..ewan, ayan madmi na nmn po ako na-say..hehe..sensha na po v ^__^ v
ReplyDeletewahaha naalala ko yung panday ni bong revilla, si Lizardo buhay pa rin pero robot na yung utak nya : )) not to mention the panday version of jinggoy
ReplyDelete