Skip to main content

Not another facebook post


facebook


Sabi ko sa quicknote "sige nga bigyan nyo ako ng sampung katanggap-tanggap na dahilan para mag facebook ako..." dala na rin ng matinding pagka inis sa mga email invite ng facebook, nakakagulat lang dahil mahigit sa sampu ang nakuha ko.

At dahil inaliw mo ko Buding (di nya tunay na pangalan wahehehe peace tayo!) sa iyong 10 suggestion eh bibigyan kita ng E for Effort (di ko kasi maintindihan kung bakit lagi nilang sinasabing A for effort). Bagaman muntikan mo na akong makumbinse, muntik na talaga, siguro kung dinagdagan mo pa ng around 85 yung reason baka sakaling pagisipan ko ng mabuti, sabagay kasalanan ko dahil sampung dahilan lang talaga ang hiningi ko, pero 15 yung binigay sa akin plus 10 sau bale 25 na reasons na, at wala ni isang tumunaw sa puso kong bato hehe. Sa ngayon kasi ni sagi sa isip hindi sumasagi na makita yung sarili kong sumasagot ng "Sino ang Kamukha Mong AngTV Star" sa pesbuk. Oo maarte ako, isa ako sa nabiyayaan ng kaartehan nung isinaboy to sa balat ng lupa. Pero dahil binigyan mo ng effort yung note ko, susuklian ko rin ng effort yung ginawa mo by answering your suggestions, at higit sa lahat... dahil nami-miss ko na ang baon mong SPAM.


SAMPUNG RASON PARA IKAW AY
MAG FEZBUK
.. (galing ke Buding)

10. dahil uso ang fezbuk, kamon, sige na, you wanna join the bandwagon, i know you want to. *evil laugh*

- actually yun yung una kong rason kaya ayaw kong sumali... ganito kasi perspektib ko dyan eh, dahil din ba sa uso ang sipon ngayon kailangan ko ring magka-sipon?


9. dahil malapit ng mamatay ang multiply dahil napupuno na ito ng abscbn ads at tv shows (tulad ng tayongdalawa.mutiply.com, goingbulilits.multiply.com, kung-ano-pang-maisipang-abs-cbn-show.multiply.com) at pangako di na talaga nakakatuwa ang mga ads na lumalabas dito. tulad ng napkin ad.

- i don't mind the abs-cbn ads, as much as you don't mind those senseless quizzes hehe... saka i like those napkin ads!

8. dahil masaya ang mga applications ng fezbook, tulad ng farmville, mafia wars at restaurant city. very interactive. very nakakaubos ng oras. masaya pangako. minsan ka lang maging farmer, Godfather at chef ng sabay sabay! THIS IS YOUR ONLY CHANCE! GRAB IT!

- sabi ko "katanggap-tanggap" na reason... : ))

7. dahil mas madaling gamitin ang fezbuk kaysa sa bagong layout ng multiply na napaka gulo. kamon, isa ka sa nagreklamo na ang panget ng bagong layout ng multiply. diba diba.

- parang boypren o gelpren o asawa mo lang yan, masasanay ka rin ...

6. kaysa gumawa ka ng sangkaterbang account tulad ng plurk, twitter at tumblr, gumawa ka na lang ng fezbuk account kasi pinagsama sama na dun yung features nun tatlo. kung di mo alam kung ano yun sinabi kong mga echoschever, BASTA mag fezbuk ka na lang.

- eh wala naman din akong balak gumawa ng account sa twitter at tumblr lalo na sa plurk...

5. mas masaya mag tag ng kaibigan sa fezbuk, naiinform sila, di tulad sa multiply...

- email mo na lang sila i'm sure maiinform sila... o kaya text mo na lang... o kaya tawagan mo... o kaya puntahan mo sa bahay...

4. mas mabilis mag load ang page ng fezbuk kaysa sa multiply. napatunayan ko na toh. try mo din. its fun.

- kailangan mo na sigurong magpalit ng internet provider...

3. walang page layout na dapat ayusin sa fezbuk, sa multiply pag di maganda ang page mo, tipong walang ka-layout layout, jologs ka.

- all facebook account looks the same... di ka ba nauuya? saka jologs na ko matagal na...

2. Sabi nga sa HOMEPAGE NI FEZBOOK: Facebook helps you connect and share with the people in your life. It's free and anyone can join!

- ahhhhhhh... yun din ata sabi sa friendster...

1. dahil pang longkatuts na lang ang friendster.. at longkatuts ka ba? kaya gumawa ka na ng account. ok!?

- Yung katulong namin me facebook pramis!


bonus reason: dahil pinag aksayahan ko tlaaga toh ng panahon at medyo pinagisipan ko rin kahit papaano. kaya sige na. gawa na ng account, tas iadd mo agad ako ha. :D

ililibre na lang kita ng dirty ice cream pag nagkita tayo! Buding!

Comments

  1. Ako may friendster account padin.

    Kase yun ang pinaka madaling gamitin ng mga pinsan kong 8yrs old sa Pilipinas eh.

    At Kuya Rick wala din akong fesbuk.

    ReplyDelete
  2. winner n nman tong blog mo rikitik =)

    ReplyDelete
  3. me mga kilala din akong ganyan din sinabi... me fesbuk na sila ngayon hehe...

    ReplyDelete
  4. koni! nagaabang sila james ng raket!

    ReplyDelete
  5. Will it make any difference kung may fesbuk o wala.

    Nakita ko na, parang pareho lang naman.

    Ayus na ko sa multiply at friendster.

    ReplyDelete
  6. jologs daw kasi pag walang pesbuk... pero ako i can live with that ;p

    ReplyDelete
  7. Ayus lang yun.

    Hahaha!

    Pag may bago na naman lilipat na naman.

    Anung tawag sa mga ganun?

    ReplyDelete
  8. di ko alam eh hehe... basta kung saan sila masaya suportahan ko sila... : )

    ReplyDelete
  9. hay naku, makaisip nga nam bait para mag-facebook si kua rick..

    ReplyDelete
  10. hahha, bakit? may kinatatakutan ka bang pasabog sa pagkatao mo, kuya? :P hahah!

    ReplyDelete
  11. wahahahaha wala naman baka me mamblackmail lang hehe

    ReplyDelete
  12. oo ;) kaya lang ako nagfacebook kasi may inistalk ako

    ReplyDelete
  13. parang boypren o gelpren o asawa mo lang yan, masasanay ka rin ...

    panalo to.haha

    ReplyDelete
  14. nakoh, tahimik nga ang buhay ko ngayon.. pakisabi mghintay lang. haha! =)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.