Skip to main content

Nung magkita si Ninoy at Cory sa langit


Paunawa: Ang susunod na kwento ay pawang kathang isip ko lang sanhi ng kawalang magawa sa buhay. Patnubay sa sarili ay kailangan…




Sa langit nagkita na sa wakas si Ninoy at Cory…

Ninoy: Mommy! Sa wakas nagkita uli tayo!
Cory:
Na-miss kita Dad!

Ninoy: Bat ngayon ka lang? Nung August 1 ka pa nai-schedule ah, anong petsa na?
Cory:
Eh syempre naman, me briefing pa, tapos me seminar pa, tapos may mga welcome welcome gatherings pa, pag pasensyahan mo na, ang mahalaga eh magkasama na uli tayo…

Ninoy: Ha?! Eh bat di ako imbitado sa welcome gathering?
Cory:
Eh kasi special yun, mga Saints saka angels lang ang kasama ko dahil natuwa daw sila sa mga ginawa ko sa lupa. Ang cool nga ng escort ko si Indira Gandhi. Tapos yung nagbigay ng briefing sa akin si Mother Theresa.

Ninoy: Oh talaga? Kamusta na si Gandhi? Di ko na sya nakikita lately.
Cory:
Ayun medyo tumaba na, ngayon ko lang sya nakitang naka polo, bagay pala sa kanya…  So ano kamusta na? Nakita mo ba yung mga ginawa ko sa lupa simula nung namatay ka?

Ninoy: Ah hindi eh, iba kasi pag nandito ka na, hindi mo na malalaman ang mga nagaganap sa lupa.
Cory:
Akala ko nagbabantay lahat ng yumao sa mga mahal nila sa buhay?

Ninoy: Akala ko rin eh, kasi nga naman kung lahat tayo dito eh nakikita pa yung nangyayari sa lupa eh baka ika-sama lang ng loob ng karamihan sa atin at mag request pa ke bosing na ibalik sila sa lupa, kaya para sa ika-tatahimik ng lahat eh hindi pinapakita sa lahat ang nangyayari sa baba, maliban sa mga anghel dela guardia.
Cory:
Ganun pala yun, so hindi mo nakita lahat ng na-accomplish ko sa lupa nung mawala ka? Naku paano na yan hindi ko na masusubaybayan si Krissy sa SNN.

Ninoy: Si Krissy sa SNN? Ano yun?
Cory:
Ah wala, wala. So ibig sabihin wala kang alam sa mga nangyari sa Pilipinas mula nung mamatay ka? Hindi mo na nalaman yung mga pangyayari?

Ninoy: Hindi na pero nabalitaan ko naman sa ibang taong umakyat dito galing sa baba. Si Ike Lozada nga nagbalita sa kin na naging presidente ka matapos yung EDSA revolution. Ganun pala nangyari pag katapos kong mamatay, kala ko walang silbi yung pagkamatay ko eh.
Cory:
Meron naman, bayani ka nga ngayon sa Pilipinas eh.

Ninoy: Ah oo, sinabi nga ni  Lino Brocka nung nagkita kami dito, sabi nga nya nasa P500 bill yung mukha ko? Akalain mo? Iba na sikat noh hehe.
Cory:
Oo naman… o teka si ano yun ah…

Ninoy: si FPJ, madalas dumaan dito yan pag ganitong oras.
Cory:
Minsan ayain mo’t makapagkwentuhan tayo.

Ninoy: Next time na lang, yung kumpare nya si Erap naging presidente rin pala ano?
Cory:
Oo after ng term ko si Ramos ang naging presidente, tapos si Erap na…

Ninoy: Si Ramos? Eh isa sa me pakana ng Martial Law yun ah.
Cory:
Oo pero malaki din ang naitulong nya sa People Power. After nya si Erap naman ang presidente… na gaya ni Marcos eh napatalsik din dahil sa kasong plunder…

Ninoy: Balita ko nga eh, nagkaroon pa daw ng part 2 yung Edsa revolution? Hindi ko naman maintindihan kung anong nasa isip ng mga taong ito, binibigyan na nga sila ng pagkakataon na makapamuno eh ginagago naman nila yung pwestong binibigay sa kanila…
Cory:
Oo kaya nga napatalsik si Erap… after nya si Gloria naman…

Ninoy: Sinong Gloria?
Cory:
Arroyo… Gloria Macapagal-Arroyo…

Ninoy: Anak ni dating President Diosdado?
Cory:
Oo sya nga!

Ninoy: Yung bansot? Hahahaha
Cory:
Oo nga, grabe ka naman manglait dad…

Ninoy: Hahaha sorry…  me naalala lang ako tungkol sa kanya… alam mo ba nung bata-bata pa sya nagpadagdag ng dibdib yun para daw magmukhang seksi hahahaha…
Cory:
Oo Dad alam ko na yun.

Ninoy: Haha* teka paano mo nalaman? E kakaunti lang nakakaalam nun ah.
Cory:
Eh kasi kelan lang bago ako namatay eh nagpa-ospital yun para ipaayos nga uli yung dibdib nya, eh sa isang chismosong doctor sya napunta, kaya ayun na broadcast sa media yung ginawa nya dati.

Ninoy: Hahahaha akalain mo nga naman ano. Eh kamusta naman yung panunungkulan nya?
Cory:
Ay nako ayoko nang ikwento, basta madaming hindi kumikilala sa kanya bilang presidente dahil nasangkot sya sa dayaan nung nakaraang eleksyon… pati nga ako tumatawag sa kanya para mag resign na sya…

Ninoy: Tsk haggang ngayon pala meron pa ring ganyan, parang walang nagbago… te muna, kamusta mga anak natin, kasi nung tinanong ko ke FPJ kung kamusta si Kris, iniiba nya usapan eh, parang hirap syang ikwento… kamusta si Krissy our baby doll?
Cory:
Ah si Krissy… uhm ok naman sya… dalawa na ang anak nya…

Ninoy: Aba akalain mong dalawa na pala apo natin sa kanila… so kamukha ko ba? Kamukha ba ng lolo nila?
Cory:
Uhm hindi eh, sabihin na lang natin na malakas ang dugo nung mga nakasama nya hihihi…

Ninoy: Teka muna, sabi mo ‘mga’? Saka ‘nakasama’? Nalilito ako…
Cory:
Kasi ano uhm, nagsama sila ni Philip Salvador nung una, pero di nagwork out kaya nagkahiwalay din… uhm sa kasamaang palad eh nagkaanak sila ehehe…

Ninoy: Ha!? Eh sino namang Philip Salvador yan?
Cory:
Aritsta… hehe… action star…

Ninoy: Naku naman, action star pa pinili nya?
Cory:
Eh hayaan mo na dad, lahat naman ng tao nagkakamali pagdating sa love.

Ninoy: Eh yung isang anak? Sino ama?
Cory:
Ah yun ok naman… pinakasalan naman si Krissy, at sila ang nagsasama ngayon.

Ninoy: Anong pangalan? Action star din?
Cory:
James Yap… hindi sya action star, iba naman ang linya ng work nya…

Ninoy: James Yap? Mukhang business man ah… Chinese ba  yan?
Cory:
Pinoy sya, ano sya… bale Pro basketball player ehehe…

Ninoy: Basketball pla…
Cory:
Mabait naman sya, at magaling mag basketball, naging MVP na nga eh…

Ninoy: Hay… ano pa nga ba magagawa natin dyan… eh sino yung Joey Marquez na narinig ko kelan lang ke Douglas Quijano? Di ko na sya natanong maiigi kasi kausap din namin nun si John Kennedy…
Cory:
Ah eh… san ba CR dito naiihi kasi ako eh hehe

Ninoy: Ha? Naiihi? Mahigit 26 years na ko dito eh kahit kalian hindi pa ako naiihi…
Cory:
Uhm ano ah, gusto ko sanang mag freshen-up.

Ninoy: Hindi na kailangan, fresh na fresh pa rin ang itsura mo para sa akin… si Krissy ba anong trabaho ngayon? Sana hindi sya pumasok sa pulitika.
Cory:
Whew… ah hindi naman, sikat sya ngayon sa Pilipinas, isa syang artista at TV personality.

Ninoy: Sabi  na nga ba eh mana sa aki yung eh… ma-PR din ano? Ano ba sya? News anchor?
Cory:
Ah hindi pero parang ganun na din ang trabaho nya, ano sya uhm… Talk show host…

Ninoy: WOW! So nagiinterview na sya ng mga politicians at mga big name personalities ha…
Cory:
Uhmm… mga ganun nga… pero usually mga artista ehehe…

Ninoy: Aba biruin mo pati mga artista ha…
Cory:
Actually madalas mga artista hehe…

Ninoy: Mukhang nalagpasan na ako ng anak ko ah… solo show nya ba yun?
Cory:
Hindi meron syang partner…

Ninoy: Anong title ng show nya?
Cory:
San uli yung CR dito?

Ninoy: Ano ba, sinabi ko ngang walang CR dito dahil hindi na tayo nakakaramdam ng call of nature.
Cory:
Aaahhhhhh….

Ninoy: Ano nga yung title ng show ni Krissy?…
Cory:
Ano uhm… SNN… ehehe

Ninoy: SNN? Aba parang local version ng CNN ha… ano ibig sabihin ng SNN?
Cory:
Ahmm… Showbiz News Ngayon hehe… pero magaling syang mag host talaga, i’m very proud of her, you should see her hehe… very straight to the point kung mag interview pero di naman tactless hehe…

Ninoy: Ha!!? Showbiz ano?
Cory:
Uhm… ay sya nga pala si Ferdy nagkita na ba kayo dito saka si Fabian?

Ninoy: Showbiz?
Cory:
uhm parang di ko pa kasi nakikita sila Ferdy dito eh hehe… matagal tagal na akong nagala dito pero di ko pa sila nakikita ehehe…

Ninoy: Talk show ba yun?
Cory:
uhm… Dad nalaman mo na ba kung sino ang master mind sa pag paslang sa yo ha? ehehe… wala bang nag bulong sa yo…

Ninoy: Showbiz News Ngayon!???
Cory:
ay ayun si FPJ! Tawagin natin dali! RONNIE! RONNIE!

Ninoy: eh chismisan yun ah…


Comments

  1. politikal ang dating pero parang may feelng ako na fan po kau ni tetay!hahaha!

    ReplyDelete
  2. muntik ko na syang maging crush dati sa Pido Dida hehe

    ReplyDelete
  3. clear ang message na gusto mong sabihin...bored na bored ka! super wala ka nga talagang magawa!

    ReplyDelete
  4. in fairness ang pretty pretty niya nung kabataan days niya..

    ReplyDelete
  5. hmm..asn po kya si cardinal sin nong dumtng si tita cors dun? pero d ble mas bongga nmn ang nagwelcome sa kna mother theresa pa..at d pla nachismis ni fpj si gma kay ninoy..wahahaha! ^__^

    ReplyDelete
  6. hmm..asn po kya si cardinal sin nong dumtng si tita cors dun? pero d ble mas bongga nmn ang nagwelcome sa kna mother theresa pa..at d pla nachismis ni fpj si gma kay ninoy..wahahaha! ^__^

    ReplyDelete
  7. hmm..asn po kya si cardinal sin nong dumtng si tita cors dun? pero d ble mas bongga nmn ang nagwelcome sa kna mother theresa pa..at d pla nachismis ni fpj si gma kay ninoy..wahahaha! ^__^

    ReplyDelete
  8. si cardinal kasi medyo below pa sa holy hierarchy sa heaven as compare to Mother Theresa... si FPJ naman mula nung matanong ni ninoy about kris eh umiwas na ke Ninoy hehe... pero syempre gawa gawa ko lang yun...

    ReplyDelete
  9. hehe...cguro nagulat si ninoy,hindi na afro an buhok ni tita cory..ahihihi

    ReplyDelete
  10. uu nga,, uulitin ko lang sinabi nila kuya rick fan ka ni tetay???

    ReplyDelete
  11. hindi ako fan ni kris! fan ako ni boy abunda! : ))

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng Malacañang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.