Skip to main content

Anibs


Kala mo siguro nalimutan ko kaya malungkot yung bati mo sa akin kaninang umaga, ang tagal mong kumibo nung tinapik kita, ni hindi ka man lang kumurap, nagintay pa ko ng ilang minuto bago masilayan yung karakas mo. Hindi mo alam kagabi ko pa naalala na anibersaryo natin ngayon, kaya lang nalimutan ko kaninang umaga pag gising ko tapos ngayon ko na lang uli naalala, atleast naalala ko uli, atleast hindi pa tapos ang araw, hindi pa huli ang lahat. Ayokong maging sentimental, di naman talaga ako sentimental na tao, di ko naman ginagawa yung ganito taun-taon, unang beses ko pa lang ngayon, lagi namang merong unang pagkakataon sa lahat di ba? Naisip ko lang gawin dahil ika-limang taon na natin, akalain mo, limang taon din tayong naglolokohan...  Matagal din ang limang taon kung iisipin mo, wala sa hinagap ko na tatagal tayo ng ganito, bagama't hindi maganda yung simula natin nung unang dalawang taon eh napagtyagaan naman natin ang isa't isa at ngayon nga eh maganda na ang takbo ng ating samahan, malaki talaga ang nagagawa ng mahabang panahon na pagsasama, mas naiintindihan natin kung ano talaga ang gusto nating gawin at patunguhan.

Aaminin ko napasama na ko sa iba at alam kong alam mo yun, meron kasing wala sa iyo na meron sa iba, alam mo naman na dito sa ginagalawan ko pwedeng magkaroon ng dalawa, tatlo o kahit ilan pa ang naisin, wala namang batas na nagbabawal, pero nakita mo naman sa iyo pa rin ako bumalik, hindi mo naman ako masisisi, alam mo naman yung mga pagkukulang mo, wala ka namang maitatanggi, ganun pa man hanga pa rin ako dahil habang tumatagal eh lalo kang bumubuti, pero hindi na mahalaga lahat ng yan, sapat na sigurong pruweba na andito pa rin ako, iba talaga pag nakasanayan na, tumatatak na sa isip kumbaga.

Wag mo na sanang itanong kung hanggang kelan, dahil gaya ng mga bagay bagay sa mundong ito, lahat walang kasiguraduhan, walang permanente, lahat naman lumilipas. Dumedepende rin naman ako sa kung hanggang kelan ka tatagal, lahat naman dun naka depende, yun lang din ang pinanghahawakan ko, wala namang ibang kakapitan pa bukod sa katotohanang yon. Sa ngayon ok na ko sa yo, pwede pa rin kitang tawaging chuva chu chu gaya ng gusto mo hangga't kelan mo naisin, wag lang sa harap ng madaming tao, dahil labis na mahiyain talaga ako, alam mo yan.

Muli sasabihin ko sa yo, hindi ko nalimutan ang anibersaryo natin, nawaglit lang panandalian sa isipan ko, sabihin na nating madaming trabaho sa opisina, pero nakita mo naman, imbes na umuwi na ako eh naguupdate pa ko sa yo, ganyan ka ka-lakas sa akin, me kailangan pa ba akong patunayan? Wala na siguro... muli hapi anibs sa yo multiply account... limang taon na rin yan... sana wag ka nang magtampo at sana bumilis ka nang mag load, wala namang problema yung connection namin malamang nagiinarte ka lang, pasensya na bukod kasi sa mahiyain eh mainipin din ako... o sya titigili ko muna to, hanggang dito na lang, baka akalain ng mga bumibisita dumodroga na ko.

Sya nga pala since wala man lang nagbigay ng glitter text nung birthday ko (gusto ko pa naman ng ganun) ikaw na lang bibigyan ko. Mwah.


Comments

  1. aww... para sa inyo ito ni ate wifey --> http://www.youtube.com/watch?v=5PP1HEFlkdY

    happy anib to you both, yihee!

    ReplyDelete
  2. ei kutch... hindi kami ni wifey ang me anibs... kami ng multiply account ko ; P

    ReplyDelete
  3. hahahha, sorry i'm so bangag na :P
    atleast it's an advance aniv!

    pwede din namang dedication song yang "nothing's gonna stop now" sa multiply mo..

    ReplyDelete
  4. Happy anniversay po senyo ng acct niyo. Napakasweet! :))

    ReplyDelete
  5. weeeh!tatagal at titibay pa yan!mauso na lahat pero wlang iwanan!v ^__^ v

    ReplyDelete
  6. ilang beses ko binasa yung first part, kasi napa ha? ako nung pinagduduktong ko kung misis nio ba tinutukoy nio tas nung huli natawa na lang ako. multiply pala.haha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.