Nakakamis din palang magblog ng meron kang tema, yung parang pinagisipan mo talaga saka pinagukulan mo ng panahon, napapadalas kasi yung pagtambay ko sa kabilang bahay kaya di na gaanong nakakapag sulat dito. Na miss kaya ako ng multiply? Hinde? ok.
Parang andami kasing pwedeng isulat pero hindi mo namang pwedeng ilagay sa isang lathala lang dahil baka maguluhan yung mga magbabasa, yun eh kung meron man… para kasing magluluto ka ng chopsuey na madaming ingredients, na sa sobrang daming sangkap hindi mo na malaman yung lasa ng isang sangkap sa isa pang sangkap, ayoko naman ng ganun, wala namang kwenta kung magpo-post lang ako ng ginagawa ko bawat segundo ng buhay ko, parang yung ginagawa ng ibang user sa isang sikat na social networking site, facebook? wala naman akong sinabing facebook ah, sinabi ko lang isang sikat na social networking site… malamang naka engkwentro na kayo ng ganun… yung tipong
8:00: picking my nose right now
8:02: extracting greenish thing out of my nose, hairs and all coming out…
8:05: making tiny balls out of my booger
8:08: eating my boo..
ok siguro naman na gets nyo na, parang tanga lang kasi… kaya gustong gusto ng mga stalker ang tumambay sa mga social networking sites dahil sa sobrang impormasyon ang nakukuha nila sa mga members nito. Sa bagay wala naman talaga tayong dapat na pakialam sa kung ano man ang isulat ng kung sino sa sarili nilang page dahil sa kanila naman yun, pero ano ba naman din ang pakelam natin kung ano ang ginagawa nila sa bawat minuto ng buhay nila? Sana nagdiary na lang sila kesa naman dumagdag pa sila sa basura sa net.
Gaya ng post na to basura din, wala naman talagang patutunguhan, namiss ko lang kayo, nakakataba lang ng puso na meron palang mga naghihintay ng post dahil wala daw silang magawa at isa sa pampalipas ng oras nila eh mag basa ng blog ko, hanggang ngayon feeling ko pa rin sex slave ako pag nakakarinig ako ng ganyang komento, pero salamat pa rin. Naalala ko tuloy yung teacher ko nung high school, sabi nya sa akin “hoy me blog ka daw na nakakatawa? sige nga patawanin mo ko?” napangiti lang ako pero sa loob loob ko gusto kong sabihin sa kanya “kayo nga terror na teacher dati di ba? sige nga takutin nyo ko?”, pero di ko na sinabi kasi mabait na sya sa amin ngayon.
Wala pa ring intarnets sa opisina kaya sa bahay pa rin ako nagne-net, pero di naman ako masyadong makapagblog sa bahay dahil maya’t maya tinatawag ako ni taz para gamutin kunya kunyari, ako ang paborito nyang pasyente, pinagsisisihan ko tuloy kung ba’t naibili pa sya ng doctor’s kit, pero mas maigi na yung maging kunya-kunyariang pasyente kesa pag alagain at mag hele ng mga barbie nya. Malapit na rin naman kaming makabitan ng intarnets sa opisina, we’re thinking ten years from now as time frame for that to happen, we all know those pldt guys, yeah f*ck them shitheads. O sya mahaba na to sayang ang space.
So kamusta na kayo? Funny weather we have lately nuh?
or yung feeding baby, kuya rick! :P
ReplyDeletehehe oo yung Baby Alive nya, pero natatakot ako dun for some reason... : )
ReplyDeleteYes ser. Funny. Katulad kanina biglang umlan iniisip ko kung tatakbo ako bigla kaso takot nga pala tumawid tapos bigla pong umaraw haleluya tawa nalang po ako. Ako po ay self cofessed stalker at natatawa talaga sa mga posts na nakikita ko hahahahahahaha stlaker in a not so bad way tentententen
ReplyDeletelemme guess... crushes?
ReplyDeleteso totoo pala ang kasabihan, na matakot ka na sa buhay wag sa patay, heheheh
ReplyDeleteHindi po hahaha lahat ng tao tinitingnan ko hahahahahahhahahahaahhaahah
ReplyDeleteuhm yes in a way hehe...
ReplyDeletehmmm parang ako lang : ))
ReplyDeletepinatawa n'yo na naman ako at malamang pati yung highskul prof nio...matutuwa yun kasi sikat na siya dahil na-extra sha sa blog mo..at di halatang ayaw n'yo talaga sa facebook no?..hehehe..anyways, mas nakakatuwang malaman na ok kayo at nangungumusta pa...
ReplyDeletesalamat rhodz, so kamusta ka naman? : D
ReplyDeletebuti naitanong n'yo...ayos naman po ako, dinadalaw parin ng ka-emohan paminsan-minsan pero tuwing napapadaan naman ako sa blog n'yo e nabubuhay ang diwa ko (hehe..neks nemen!) ^__^
ReplyDeleteemo? kaya ba ganyan ang profile pic mo? hehe... masyadong maikli ang buhay para magpaka emo tayo ;P
ReplyDelete