Hanga ako sa mga babaeng kayang mag make-up sa umaandar na sasakyan, pramis, yun ganung klaseng gawain eh maihahalintulad mo sa akrobatikong pagtatanghal na kaya lamang gampanan ng mga propesyunal, kaya di ko maiwasang humanga sa kanila. Kumbaga kung ipapasok sila sa trabaho, pwede silang mamasukan sa mga electronics company, mga semiconductor production ganun, yung kailangan ng good eye, hand and body coordination, maituturing silang highly skilled employees. Mahirap din yung mag eyeliner ng umuuga yung paligid mo, hawak nila sa kaliwang kamay yung salamin samantalang yung kanan naman eh dinudutdot yung gilid ng mata nila, tapos nakakabalanse pa sila ng katawan kapag pumepreno yung sasakyan. Mga ilang beses na rin akong nakakasakay ng babaeng nagma-make-up sa loob ng isang umaandar na sasakyan, kalimitan papasok sa opisina o kaya yung mga papasok sa department store, parang sanay naman silang tingnan o titigan ng ibang pasahero, o baka mas sanay ang mga pasahero na sa araw araw eh may nakikita silang nag kokolorete sa loob ng pampublikong sasakyan, alin lang sa dalawa yun.
Hindi ko alam pero malamang kakulangan din sa oras kaya marami ang napipilitang mag ayos ng karakas sa loob ng sasakyan, o baka nakagawian na lang, yung tipong hindi sila makakapag make-up pag hindi umuuga yung paligid nila, parang andun yung excitement ng pagma-make-up sa loob ng umaandar na sasakyan. Kumbaga sa pintor, sanay silang magpinta kahit nanginginig yung pasmado nilang kamay, challenge siguro sa sarili nila kung paano papagandahin yung sarili nila despite yung constant na pag uga ng sasakyan, at dun nga ako namamangha, dahil ni minsan wala akong nakitang nag make-up sa loob ng sasakyan na pangit ang kinalabasan, wala pa akong nakitang lumagpas na lipstick, natusok ang mata, hindi pumantay ang blush-on, wala pa naman akong nakikitang kakatawang kinalabasan ng pagmamake-up sa loob ng umaandar na pampublikong sasakyan.
Kailan lang nakatabi ko sa isang jeep yung isang babaeng mukhang papasok sa opisina at oo tama ang hula nyo nagmamake-up sya, pero medyo mas extreme ng konti, hindi naman dahil sa lumalambitin pa sya sa estribo ng jeep habang nagmamake-up, hindi ganung ka extreme wag kayong oa, mangyari kasi eh parang ginawa na nyang extension ng bahay nya yung jeep, pagkasakay pa lang nya eh naglabas agad ng tinapay at inumin at sa jeep na nag almusal, tapos dun na rin nagpalit ng sandals, at syempre ang pinakaimportante, ang make-up, pati na rin pag aayos ng buhok, partida punuan pa yung jeep ng mga oras na yun. Merong mga tao talaga na manhid na sa titig ng ibang tao, sanayan lang, siguro kailangan talaga, hindi naman natin talaga masabi dahil baka naman working mom sya at yung oras na iuukol nya dapat sa sarili nya eh binibigay na lang nya para pagsilbihan yung mga anak nya at ang kanyang asawang batugan, kaya napupwersa syang gawin yung mga pansarili nyang gawain sa mga di inaasahang lugar, gaya nga sa mga pampublikong sasakyan.
Hindi ko namamalayan at malamang kayo rin, na yung simpleng pagmemake-up pala sa loob ng sasakyan eh sumasalamin na pala sa patuloy nating paghahabol sa oras sa araw araw nating pamumuhay, pilit nating pinagkakasya lahat ng gawain natin sa bente kwatrong oras natin sa isang araw, yung buhay nga daw natin kinukumpara sa isang rat race, lahat tayo naghahabol, hindi dahil sa ito ang natural na takbo ng buhay kundi masyado nating binibigyan ng taning bawat gawain natin, bukod pa sa mga itinakdang oras ng mga kompanyang pinagtatrabahuhan natin, bawat segundo mahalaga, lahat ng gagawin dapat nakabase sa schedule, may oras para sa lahat, kaya nga me mga kataga gaya ng ‘so many things to do, so little time’ dahil merong mga tao talaga na kulang ang bente kwatrong oras para magawa ang mga bagay sa isang araw, alipin nga naman daw tayo ng oras na kung hindi mo masusundan at mahuhuli ka sa itinakdang oras, malamang makita rin kitang nagme-make-up sa loob ng pampublikong sasakyan kung babae ka, kung lalake ka at nagme-make-up ka sa loob ng sasakyan eh hindi ka lalake at dapat nandun ka sa harap ng Comelec at nagpoprotesta sa hindi pag-apruba sa kandidatura ng LADLAD bilang partylist.
Totoo hanga talaga ako sa mga babaeng kayang mag make-up sa loob ng pampublikong sasakyan, pero kung tutuusin wala yang sinabi at mas nahanga ako sa mga empleyadong kayang mag facebook habang nagtatrabaho, ibang kwento naman yan.
haha, ayos, galing
ReplyDeleteNanay ko po nagmemakeup habang nagdadrive. haha
ReplyDeletehahahahaha natawa ako dun a, natutulala ako sa mga ganun, tsaka inaantay ko kung matutusok yung mata ng eyeliner hehe.
ReplyDeleteastig naman kuya rick! :) hindi ko kaya yun
ReplyDeletesalamat!
ReplyDeletenaku delikado yan, sabihin mo sa kanya itigil nya yung ganung gawain... now na...
ReplyDeleteako din eh me inaantay na ganung eksena, kaya laging nakaready yung fone cam ko pag meron akong nakakasakay na nagmamake-up...
ReplyDeletekung kaya nila... kaya mo rin : P
ReplyDeleteahaha! an guilty ko naman dito rikitik =)
ReplyDeletehindi naman ako mashado sa makeup. powder and lipgloss na lan kuya. :P
ReplyDeleteikaw kasama ng marami pa hehe...
ReplyDeletepowder and lipgloss sa jeep? :)
ReplyDeletehahah, i tried it once :) pero powder and lipgloss lan yun so it only took few seconds
ReplyDeleteTama sinabi ko na po sa kanya matagal na kulit e hehe
ReplyDeletehahaha, natawa ako... naalala ko din ang mga nakatabi ko sa bus na nagbabayad lang tapos comatose na agad... hahahaha... ilang minuto lang nag-eexorcist na... talagang ginagawa ng extension ng bahay ang bus/jeep sa sobrang kulang ang oras...
ReplyDeleteyung powder ba eh yung parang pang make-up din? kasi nakakairita din pag may nagpa-powder na galing pa sa plastic bottle tapos pag nagpowder nalalagyan na rin yung katabi nila... ;p
ReplyDeletesana maliwanagan sya : ))
ReplyDeleteoi rows so andito ka na pala : ))
ReplyDeletedi pa ko bumabalik dyan pero yup nasa multiply na ko:))
ReplyDeleteHmm..infairness ‘di ko pa naman nagagawang mag-make-up habang nasa pampublikong sasakyan ha at umaandar pa! dahil di naman ako marunong, di ko keri yun at kahit siguro i-choreo/akto, hindi talaga madali! It’s a good thing na rin na hindi naman required sa trabaho ko ang magpa-beauty..hihihi (wala akong paki!) Sabi nga nila tamang time management lang yan e—kaso bihira lang talaga ang nakakagawa nun, di ba? Kunsabagay, di din naman natin sila masisisi—kung nagawa nga nila isang beses tapos kaya naman pala, inaraw-araw na—nasanay na lang at ginawa na lang talagang habit. May kaibigan akong ganyan e. Ang katwiran n’ya dahil lagi nga raw walang oras at kung minsan sa CR na lang ng opis siya nagreretouch dahil kumukupas daw sa byahe. Kumbaga, yung nilagay n’yang kolorete sa mukha e nabahiran na ng polusyon kaya need i-retouched. ‘Yung iba, sadyang kinakapalan que se hodang magmukhang GRO ang face kaya di ko talaga maiwasang mapatingin pero syempre dedma lang ako kuno. Nakakatuwa nga minsan sa MRT, mukhang yuppie ang dating 'nung babae, nag-curl ng pilik-mata, naglagay ng eye-liner at eye shadow, lipstick, blush-on—lahat—talagang kumpleto! (kulang pa pala—yung hair iron at pangkulot kaso di wi-fi sa MRT e joke!)..nakakamangha lang kasi dahil mukhang branded lahat ng gamit niya, na nakalagay din sa branded na make-up kit ha (sabi sa’yo dedma lang ako e!) at talagang magaling siya dahil after 15 mins, nagmukha siyang artista. Mauga din sa MRT e lalo na pag pa-Ortigas na. Minsan nga na-imagine ko ano kaya kung pinakialaman ko ‘yung ginagawa niya no? Sabihin ko hindi pantay o lagpas, makapal masyado, basta may masabi lang para maistorbo siya (*evil smirk*). Anyways, kung kaya namang gawin sa tamang lugar at tamang oras at kung ayaw mong ma-takaw-pansin at ma-blog tulad neto, e di gawin ng hassle-free.
ReplyDeleteface powder lang. off naman pag loose powder, hahah. :P
ReplyDeleteaba eh lagyan na ng content at yung kyut na kyut mong profile pic, sayang naman ang apelyido mong 'Alindogan' kung wala yan : ))
ReplyDeleteikaw na yata ang may pinaka mahabang comment na natanggap ko hehe : D
ReplyDeleteloose powder pala tawag dun... i gotta learn those kikay terms... : ))
ReplyDeletengayun ko lang nabasa to at napa- HAHA ako.. :p
ReplyDeleteumaandar man ang jeep o hindi.. hindi p rin ako marunong magmake up..wala din akong kikay kit.. ewan ko ba di ako nagkatalent sa pag-aayos ng sarili... ika nga ng asawa ko mas lalake pa ko sa knya.. hhmm ngayun.. marunong na ko maglagay ng powder, concealer and lipstick.. pero gang dun lang ang kaya ng powers ko.
marunong k ba?? papaturo ako sau. heheh :)
sureness!!! : ))
ReplyDelete