Pinapagawa namin yung third floor ng haybol namin kaya medyo riot ngayon sa bahay, buti na lang gabi na ko nauwi kaya hindi ko na naaabutan yung mga pukpukan at palaang nagaganap sa itaas, sa umaga ko lang naaabutan yung mga karpinterong nagkukwentuhan, at dahil sa tinabingan lang namin ng plywood yung daan papuntang third floor madalas marinig ko yung usapan nila sa mga bagay bagay. Nung sabado ng umaga eh napagdiskitahan nilang basahin yung set ng encyclopedia na naiwan sa third floor at sa kalkulasyon ko eh letter 'H' ang nahugot nilang letra dahil ang diskusyon nila eh tungkol ke Hitler (well pwede ring ‘A’ for Adolf… uhm… titigil ko na tong mga corny na hirit pramis), ayun, nagbabasa kasi yung isang karpintero ng malakas tungkol ke Hitler na medyo ikinagulat ko dahil kaya nyang mag basa ng malalalim na ingles, taliwas sa akala ng marami na pawang mga elementary graduate ang mga karpintero, meron palang mga high school din, naisip ko tuloy na siguro dala lang ng kahirapan kaya natigil sya sa pagaaral pero siguro kung naituloy nya yung pagaaral nya eh malamang hindi sya nagkakarpintero dito sa Pinas ngayon, baka nasa ibang bansa na sya at dun sya… uhm… nagkakarpintero... anyway balik ke Hitler, binabasa nya ng malakas yung bio ni Hitler habang yung isang karpintero naman eh nakikinig lang... basa ang isang karpintero…"Between 1939 and 1945 from the orders of Hitler, blah blah blah blah, systematically killed somewhere between 11 and 14 million people, including about six million Jews in mass executions, or through less systematic methods elsewhere blah blah blah"... yan lang ang natandaan ko pasensya na... sabat naman yung isang karpintero na nakikinig lang
"(___ ilagay ang pinaka paborito nyong mura dito___) yan si Hitler hayup talaga ano, andaming pinatay!" sabi nya,
"nakalagay nga dito pare yung iba slaughter daw (___ ilagay ang pinaka paborito nyong mura dito___) pare kinatay pa ata ng mga (___ ilagay ang pinaka paborito nyong mura dito___)" sagot naman ng nagbabasa...
"dapat sa mga yan hindi nilalagay sa mga libro baka gayahin pa ng mga bata eh (___ ilagay ang pinaka paborito nyong mura dito___) baka lumaking mamamatay tao yung mga bata" pangangatwiran ng isang karpintero,
"kita mo yang sa maguindanao, baka idol ng mga Ampatuan yang si Hitler dahil kita mo naman yung ginawa ng mga (___ ilagay ang pinaka paborito nyong mura dito___)" patuloy pa nya.
Bagaman medyo nakakatawa yung pangangatwiran nya eh malay natin... baka nga... baka idol nga ng mga Ampatuan si Hitler kung titingnan mo sa kung paano nila basta na lang ginawa yung ganung karumal-dumal na krimen na parang pumapatay lang sila ng hayop, very Hitler ika nga, sino ba sila para gawin yung ganun? masyado silang playing God, me tawag sa mga ganyang klase ng tao, bale hindi na pala sila taong matuturing kasi me tao tapos merong hayop tapos halaman tapos lupa tapos bacteria tapos ano pa ba ang susunod sa pinakamababa sa bacteria? Susunod siguro sila dun kung ano man ang tawag dun basta, yun sila… oo hinuhusgahan ko na sila kahit hindi pa napapatunayan sa hukuman na sila nga ang may sala, me mga bagay talaga na hindi na kailangan pang dumaan sa mga proseso at batas na ginawa ng tao para lang mapatunayan na nagkasala, lahat naman ng daliri nakaturo na sa kanila. Lahat ng witness at mga ebidensya sila ang dinidiin. Actually ang hinihintay ng tao ngayon eh hindi yung kung nagkasala sila o hindi, siguro mas hinihintay ng mga tao yung parusang igagawad sa kanila kapag nahatulan sila. Magkakagulo sa buong Pilipinas pag hindi sila nabigyan ng nararapat na parusa sa krimen nilang ginawa. Nakakatakot lang dahil lubhang malapit itong mga Ampatuan sa administrasyon kaya kailangan nating mag dasal ng matindi-tindi, me pa-martial law martial law pa silang nalalaman, e shempre ke GMA ko pa rin isisisi lahat ng nangyari dahil kung hindi nya masyadong kinunsinte yung pagpapalapad ng papel sa pulitika sa Maghuindanao ng mga Ampatuan eh hindi sana mangyayari tong massacre na to at lahat tayo eh nag ba-bask pa sana sa limelight na dulot ng pagkapanalo nila Pacquiao at Efren Peñaflorida, at hindi nakakatulong yung sinabi ng PR man ng Malacañang na hindi naman daw nawawala ang pagiging magkaibigan ng pangulo at ng mga Ampatuan, that’s the least thing na gustong marinig ng taumbayan, bitches, e wala eh, nagkaroon tayo ng bitch na presidente kaya we have to deal with these shit, oo alam nyo yung shit na hinagis sa ceiling fan? oo ganun, lahat ng nasa paligid madudumihan… So that being said… anybody here planning devilish revenge? Waste of time nuh? Ok.
Ayoko sanang mag post ng tungkol sa massacre na yan dahil feeling ko masyado na syang napagpipyestahan lalo na yung mga photos ng mga na-massacre sa mga networking sites na pinost ng kung sinong wala man lang ni katiting na ethics sa katawan, pero eto, di ko napigilang di mag post dahil sa dalawang karpintero sa amin. Pero hindi ko na pahahabain to, sana lang makamtan na ng mga biktima ang hustisyang nararapat para sa kanila, sana mabigyan ng karampatang parusa ang mga Ampatuan, at sana ma-realize ng mga karpintero sa amin na binabayaran namin sila para gawin yung bahay namin at hindi para magbasa ng encyclopedia, there’s this thing called ‘internet’ you know…
maramdamin at maka-totoo!
ReplyDeletebibo ang mga carpenters mo kuya rick!
ReplyDeleteAtty, sabihin nyo lang kung pupunta kayo sa opis :)
ReplyDeletebibong bibo :))
ReplyDeletekorek lahat kuya rick.. :)
ReplyDeletehuy jenz homesick na homesick ka na ba? hehe
ReplyDeleteopo homesick na homesick na pero wla pa ko pamasahe pabalik.. padalhan mo ko???
ReplyDeleteuhmm... maiba ako ng usapan... yang mga ampatuan na yan... : ))
ReplyDeletehahaha.. nagmeet kami nina gracey nung nanjan ako.. naisip ka nga namin kaya lang malayo ka daw.. pero pagbalik ko jan kita tayu ulit..
ReplyDeleteanjan ang habibi ko baka makasalubong mo mnsan ah tas may kasamang bebot ichika mo kagad sakin ah??? heheh :)
si allan manchi-chicks? nako napaka bait na tao nun! ;p
ReplyDelete