Skip to main content

Videoke

 

Naranasan nyo na ba yung prenteng prente kayo sa pagkakahiga nyo at halos naghihilik pa kayo dahil sa walang pasok at pwede kang magising ng tanghali pero sa kasamaang palad eh bubulabugin ka ng...

 

"Taaaaarrrrnnn me luuuhuussssss, prom yor heyndssss, let me plaaaaa-a-a-aayyyy to distan leeeehennnnd..."

 

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak nung kapitbahay namin at alas-siete ng umaga nagbi-videoke na sila, mabuti sana kung parang ihehele ka sa lamig at ganda ng boses pero yung pagkanta na tipong galit sa lahat ng aspeto ng musika eh yun ang kamaktol-maktol. Videoke na nga, babasahin na lang yung letra sasablay pa, tapos sila yung tipong nakikipaghabulan sa tyempo, hindi naman sintunado pero wala sa tono, oo ganun talaga, hindi ako magaling kumanta para mangpuna ng ibang taong umeeffort kumanta pero kahit paano naman alam ko kung kelan ako wala sa tono at di tama ang pagkanta at alam ko rin kung nakakabulahaw ako sa mga tao sa paligid ko, pero me mga tao talaga na pag nakahawak na ng mikropono eh akala mo sila na lang ang taong nabubuhay sa mundo. Happiness has nothing to do with it.

 

Ok lang naman mag videoke, pero wag naman ganung kaaga at wag ganung ka sablay sa tono, wala na sa lugar wala pa sa ayos yung pagkanta, yung tipong pati sa panaginip mo sa gabi eh maririnig mo silang kumakanta na kahit yung mga batang walang muwang eh mawawalan na ng gana at interes sa musika dahil sa kagagawan nila. Iyon na ata ang isa sa pinaka disturbing na tunog na maririnig mo, sumusunod dun sa dj ng radyo na laging bukambibig eh "Meh ganun!" kada limang segundo o kaya kay Boy Abunda pag sumusigaw sya ng "now nah!", parang pare-pareho sila ng epekto sa makakadinig, at hindi ko ine-exaggerate yung sinasabi ko.

 

Kaya ako walang kaamor amor sa mga nag imbento ng magic sing saka yung mga dvds na may built in na videoke, masyado nilang ginawang accesible sa mga tao ang videoke, masyadong madali ngayon sa mga tao ang makapang istorbo ng kapwa dahil sa mga ganung gadget, isang magandang halimbawa na eh yung kapitbahay namin. Dapat siguro gawan ng batas yang pagbi-videoke, kung bibili ng videoke dapat ire-require muna na kumuha ng lisensya sa pagkanta. Kumbaga sa pagbili ng baril dapat dadaan din ang mga bibili ng videoke sa series of test para makakuha ng lisensya, gaya ng psychological test, intelligence test, at emotional quotient test, tapos yung proper training din sa pagkanta mula vocalization hanggang proper posture when singing. At kung hindi nila maipapasa lahat ng test eh hindi sila bibigyan ng lisensya para makabili o makaarkila ng videoke. Tapos dapat meron ding ahensya ng gobyerno na magpu-pulis sa mga reckless videoke singers, pwede dapat silang ipahuli sa kasong... uhm... noise pollution, kung mahuli silang nagbi-videoke ng wala sa lugar at sa ayos pwede sana silang makulong o kaya parusahan ng limang araw na walang gagawin kundi manood ng re-runs ng That's Entertainment o anumang similar na epektibong parusa. Dapat talaga merong batas na maipasa para sa tama at makatarungang pagbi-videoke! Sana isama ito ng mga kumakandidatong presidente sa kanilang plataporma.

 

At oo lahat ng kalokohang yan pumasok sa isip ko dahil lang sa asar ko sa kapitbahay namin at patuloy kong nanamnamin ang ideyang yan hanggang hindi sila tumitigil sa walang habas nilang pagbi-videoke ng wala sa lugar. Wala naman akong magagawa pa dahil ganyan talaga ang epekto ng videoke sa mga pinoy, parang Sto. Niñong sumasapi sa tao ang epekto, kumpleto pati pag tinis ng boses ng mga nakanta, kaya nga bukod sa basketball at boxing eh nananatiling isa sa pinaka popular na sports dito sa atin ang videoke... me scores kasi kaya parang sports na rin sya... kaya sa isang banda sabi nga sa looney tunes, 'if you can't beat em' join em'!'

 

Everybody now...

"Taaaaarrrrnnn me luuuhuussssss, prom yor heyndssss, let me plaaaaa-a-a-aayyyy to distan leeeehennnnd..."

 

 

 

Comments

  1. hahahah, hmm, baka naman stressful yang kapitbahay mo so naglalabas ng sama ng loob that way. :P
    gusto tuloy kita inggitin kasi i woke up 11am today heheh..

    ReplyDelete
  2. 11am? huling gising ko ata ng 11am last year pa... :(

    ReplyDelete
  3. yup 11am, akala nga ni google patay na ako er, heheh

    seriously, pwede bang magfile ng complaint sa barangay pag inulit pa ng neighbor niyo yung ginawa niya?

    ReplyDelete
  4. i think so... public disturbance? : ))

    ReplyDelete
  5. "and now, the end is near..."
    hintayin mong kantahin nila yan.bago mo babanatan.hehehehe!!!

    ReplyDelete
  6. uhmmm baka ma-S.O.C.O. kaagad tong mga to hehe...

    ReplyDelete
  7. Howmaygad! Ganyan din po samen. Tapos malala pa po kase kastreet po namin yung nagpapaarkila kaya tinitest drive nila yung bidyowke every single day. Nakakaloka na po.

    ReplyDelete
  8. actually pinanalangin ko nga nung bagyong ondoy na sana tangayin ng baha yung videoke ng kapitbahay nmin... pero mukhang yun ang isa sa mga una nilang niligtas... tsk tsk

    ReplyDelete
  9. magulang ko hilig videoke e medyo immune na ako ^__^

    ReplyDelete
  10. haha..may kapitbahay sila allan na ganyan.. para na syang alarm clock sa umaga.. nakakagising ng dugo as in! minsan nga sinisigawan na sya ng mga kapitbahay pero deadma lang sya.. ewan parang papampam n rin ang dating nya.

    infairness.. mahilig kami magvideoke ni mister at pinipilit nya ko pakntahin ng mga pyesang nakakatanggal ng litid sa leeg.. trip trip lang kumbaga.. hahah so mejo guilty ako ng konti! pero nman di nman cguro kasing kaps ng kapitbahay nyo kuya rick.. kasi kelngan mo ko pilitin bago mapakanta.. :D

    merry xmas ulit.. videoke tayo minsan!!! :)

    ReplyDelete
  11. napaka swerte mo kinaiinggitan kita...

    ReplyDelete
  12. divang-diva ka pala pag dating sa videoke hehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng Malacañang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.